Hanggang sa pagpikit ko nagtatalo parin yung dalawa kaya tinulugan ko muna silang para pagkagising ko ayos na yung lagay ng ulo ko.....

                         ~~~~~◇◇◇~~~~~

NAGTAKA talaga ako kay Nikki na kaagad siyang umalis kagabi susundan ko pa sana siya nong pinapasok niya ako kaya lang hindi ko na nakita kong saan pumunta yung motor niya.



Hanggang ngayon wala parin siya. Hindi parin siya nakakabalik tatawagan ko sana siya kaya lang iniwan niya rin yung cellphone niya sa bahay ni Alexa.



Pati kaninang umaga hinahanap na siya ng kaniyang pinsan para kunin ang design na ginawa niya para sa furniture



Matagal na kaming magkaibigan ni Nikki pero hindi niya man lang ako nagawang ipakilala sa Mama niya kaya hindi ko ito kilala ng lubos. Yung pakiramdam na magkaibigan kayo pero parang isang istranghera lang siya sayo.


""Saan kaya nagpunta yun""Pati si Natalya nag-aalala na rin dahil hindi namin alam kung nasaan siya pumunta kahit sa Unit niya wala rin siya.


""Nakakapagtaka ngang umalis siya kagabi ehh ""sambit ni Alexa na nakaharap sa laptop na sinusubukang i-track si Nikki pero hindi namin mahanap dahil pati cellphone niya hindi niya nga nadala.



""Gago talaga yun hindi man lang nagpaalam sa atin""Inis kong sabi sa kanilang dalawa.


Si Alexa busy sa kakatrack kahit wala man lang may nangyayari si Natalya naman nakipagkonekta na sa LTO na hinanap kong nasaan yung motor niya pero mautak si Nikki iniwan niya ito kung saan man lang. Ako naman hinanap ko siya kung saan siya sakaling pumunta pero kahit anong gawin namin wala kaming makita kahit anino man lang niya.


Nag-alala na ako sa babaeng yun. Magkaibigan nga kayo pero naglilihim pa siya sa akin. Alam kong maraming nangyayari yan sa buhay ni Nikki pero hindi niya lang masabi sa akin.



""Hayssssttt""Inis na nilayo ni Alexa sa kaniya yung Laptop niya dahil wala naman may nangyayari kanina pa niyang ginagawa yun.



""Tangina san ba yun pumunta""pati si Natalya surrender na rin.



""May nabanggit siyang may pinupuntahan siyang isang lugar kung saan payapa at pumupunta siya doon pero hindi ko alam kong saan yun""Malungkot kong sabi nakapalumbaba akong humarap sa kanilang dalawa.



""May tiwala naman tayo kay Nikki pero nag-aalala lang ako sa kaniya kung saan na siya""Sambit ni Natalya na sukong suko na sa ginawa niya paghahanap.



Simula pa nong gabi kami naghahanap sa kaniya pero hanggang ngayong tanghali hindi parin namin alam kung nasaan nagsuot iyon.


Nakipagkonekta na rin kami sa pinsan niyang close ko rin. Pero kahit pinsan niya nahirapan din itong maghanap kung i-ta-track namin No Result kaya halatang dinelete niya lahat ng datos sa kaniya.



Ngayon lang siya nawala mg ganito at hindi ko pa alam kong nasaan siya. Bawat alis niya nagpapaalam naman siya sa akin pero ngayong oras kahit lugar man lang hindi niya nasabi sa akin.



Napakamot ako sa ulo ko habang nagiisip na kung saan siya pwedeng pumunta pero lahat ng yun napuntahan ko na pero walang Nikki doon.



Kinuha ko ang cellphone ni Nikki na kakaring lang at may nakalagay doon na Hales kaya kaagad ko namang sinagot dahil pinsan niya ito""Yep?""Sagot ko sa kaniya.


""Brie nahanap mo na ba?""Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses napapikit ako dahil akala ko sasabihin niyang nahanap niya na si Nikki pero nawalan ako ng pag-asa ng hinanap niya ito sa akin.


Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now