Umiling siya bilang sagot sa tanong ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa papel. Pilit iniisip kung anong nakalagay sa nawawalang punit na papel.

"Pasensya na talaga! Mahina kasi ang memorya ko kaya hindi ko maalala," nag-aalalang wika niya sa akin kaya tumango na lang ako. Iniligpit ko ang mga papel at inilapag sa kama ang box. Nagpaalam na si Aibileen ng tuluyan nang lumabas sa kwarto. Napahinga na lang ako ng maluwag at humiga sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata para kahit ngayon lang ay makapagpahinga na ako.

___________________

"Klein?"

Agad akong napabangon dahil sa pagtawag sa akin. Napansin ko si Mom na nakaupo sa gilid ng kama ko at nakaformal attire pa. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang labi in case na may tumulong laway.

"Bakit bigla kang tumawag, Klein? Anong problema?"

Napahinga ako ng malalim at nabaling ang tingin sa box sa tabi ko.

"Gusto sana kitang tanungin tungkol sa kaso ni Aurora," wika ko kaya nagulat pa siya. Tumango-tango lang siya at tumayo na sa kama.

"Naghihintay na sa baba si Tita Eina kaya bilisan mo na ring bumaba," saad niya bago lumabas ng kwarto ko.

Inayos ko na ang sarili ko at kahit papaano ay naging mukhang tao na ako. Lumabas na ako ng kwarto bitbit ang box at naabutang nagkwekwentuhan ang dalawa. Pinagmasdan ko sila sa may hagdan kung saan hindi nila ako makikita. Ano pa kaya ang mga atraso nila kay Aurora?

Tuluyan na akong bumaba upang masagot na ang mga tanong ko. Nang makita nila ako ay nakangiting nakipagbeso-beso si Tita Eina. Ang tagal ko na sa kanila pero hindi pa rin ako sanay sa beso-beso. Umupo silang dalawa sa sofa at pumunta ako sa tapat nila.

"Miss mo na ba ko, Klein? Bigla ka namang nagpatawag ng meeting," nagbibiro niyang saad at tumawa silang dalawa. Nanatiling nakatingin lang ako sa kanila kaya nakuha nilang hindi ako nakikipagbiruan.

"May iilang tanong lang akong dapat ay sagutin niyo ng totoo," seryosong wika ko at inilapag sa harap nila ang box. Parehong pagtataka ang nakalagay sa kanilang mukha.

"Nakuha ko iyan sa isang kaibigan ni Aurora. Diary niya iyan at lahat ng nangyari sa buhay niya pagkatapos ng college ay nandiyan," saad ko ulit na ikinagulat nilang dalawa. Binuksan ni Tita Eina ang box at kinuha ang iilang papel.

"S-sulat nga ito ni Aurora, Jein!" Hindi makapaniwalang sabi ni Tita Eina at tinignan ang ibang papel. Nakisali na rin si Mom sa pagkalkal ng mga papel at parehong ayaw maniwala sa nalaman.

Kinuha ko sa kanila ang box pati na rin ang mga papel upang hindi nila makita ang nakasulat. Dapat ay magtugma ang sagot nila sa mga nakasulat dito.

"Unang tanong, ano ang mga naging kasalanan sa inyo ni Aurora maliban sa nangyari sa akin?"

Napatingin sa taas si Tita Eina na parang nag-iisip. Unang sumagot si Mom at tinignan ko ng mabuti ang nakasulat sa diary para tignan kung nagtugma ang sinabi niya sa nakasulat.

"Binalak niyang sunugin ang bahay natin noon, anak. Noong panahon na iyon ay nakita naming wala ng buhay si Manang Lorna sa kusina at kutsilyo na may dugo ang nakita sa lababo. Isa pa sa ginawa niya ay siniraan niya ng imahe ang kompanya natin dahil sa issue tungkol sa pagkamatay ni Manang Lorna," wika niya at tumingin kami kay Tita Eina. Bumuntong hininga siya at yumuko.

"Nagpakalat siya ng balita na ninanakawan ko ang kompanya ng tatay ko kaya nagkagulo noon. Isang araw pagkatapos ng issue na iyon ay may itim na kotse ang muntik ng sumagasa sa amin noong gabi ng biglaan akong pinatawag ni Papa for some emergency stuffs. Wala namang nangyari sa amin maliban sa iilang gasgas na natamo ko noong bumunggo kami sa isang puno. Pagkatapos ng pangyayari ay sinabi sa akin ni Papa na wala siyang sinabing may emergency na nangyari sa company kaya alam kong set up ang nangyari," pagkwekwento niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. May mali na dapat lutasin sa mga sinabi nila sa akin. Malapit ko ng mabuo ang puzzle at kailangan na lang ay ang magpapatunay na hindi iyon ginawa ni Aurora. Hindi kasi malakas na ibidensya ang diary na ito.

Pinabasa ko sa kanila ang parteng iyon at nanlalaking matang tumingin sila sa akin.

"Hindi niya nagawa? Papaanong mapapatunayan na hindi siya ang gumawa?! Diary lang naman ito pwedeng magsinungaling!" Galit na sigaw ni Tita Eina at pupunitin na sana ang papel ng pigilan ko siya.

"Wag mong sisirain ang papel! Kailangan ito sa imbestigasyon!" Gulat kong wika at kinuha sa kanila ang papel.

Tinignan ko ang papel kung saan nakalagay ang pangalan ni Chris.

"Ikaw lang ang makakasagot sa tanong na ito, Mom," saad ko kaya kumunot ang noo niya.

"Kailan ang birthday ni Chris?"

Tinignan niya ako na parang nababaliw na ako pero seryosong tingin lang ang ibinigay ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at humalukipkip.

"December 07, 1999," wika niya at tinignan ko ang nilagay na date ni Aurora sa kanang taas ng papel.

December 08, 1999

Nanlaki ang mga mata ko.

"A-ampon lang ba si Chris?" Tanong ko na ikinalaki ng mata ni Mom. Napatayo siya sa kanyang inuupuan pero pinaupo ulit siya ni Tita Eina. Nanatiling tahimik ang living room at patuloy akong nag-aabang ng isang sagot.

"Oo."

"Papaano mo siya nakuha?"

Napayuko si Mom at mahigpit ang hawak sa kanyang pencil black skirt.

"May nagdoorbell sa amin noon. Kasagsagan ng malakas na ulan ay binuksan ko ang pinto. Nakita ko ang isang basket at may naririnig akong umiiyak na sanggol. Sa pagkakaalala ko ay itinabi ko ang blue handkerchief na nakalagay sa kanyang katawan. May nakita akong nakaipit na papel sa gilid ng basket at nakalagay ay Christopher. Simula ng makuha ko siya ay iyon na ang naging birthday niya."

Nakadikit lang ang tingin ko sa papel at parehong pareho ang ginawa ni Aurora sa nakita ni Mom. Hindi ko totoong kapatid si Chris.

Anak siya ni Aurora.

Nanginginig ang kamay ko at napalunok habang nakatingin sa papel. Tumingin ako sa kanilang dalawa at pareho silang naghihintay sa sasabihin ko. Nanginginig na inabot ko ang papel kay Mom at hinintay ang kanyang reaksyon.

Napasinghap siya sa gulat at tuluyan ng hindi napigilan sa pagtayo. Hindi siya mapakali habang hawak-hawak ang papel.

"H-hindi pwede, hindi totoo 'to!" Sigaw niya at agad na kinuha ni Tita Eina ang papel sa kanya. Kinuha ni Mom ang cellphone niya at itinapat sa kanyang tenga. Tinatawagan na niya si Chris, panigurado.

"Oh my gosh!" Gulat na wika ni Tita Eina pagkatapos basahin ang nakasulat.

"Sa tingin ko, Jein, hindi nagsisinungaling si Aurora," saad niya at pangamba ang nababalot sa kanyang itsura.

"At papaano mo naman nasabi na siya nga ang totoong ina ni Chris?!"

"Look! They have the same blue eyes. May kakaunting pagkahawig sa hugis ng mukha. Hindi imposible ang sinasabi niya," wika niya ulit kaya napairap na lang ako dahil mas lalong nataranta si Mom.

"Mom, kalma ka lang. Ipa-DNA test na lang natin sila," pagsusuggest ko at napatango-tango siya.

"But we need to explain this to him," saad ni Mom at doon narinig namin ang pagbukas ng gate. Agad na pumunta si Mom sa pinto at sumunod na rin ako. Pagkabukas ng pinto ay naabutan naming pinapark ang kotseng asul sa garahe.

Bumaba sa kotse si Chris at napansin ata ang mga tingin naming sa kanya. Lumapit siya sa amin na may kunot na noo.

"What's happening?" Paninimula niya ngunit agad na siyang hinatak ni Mom papuntang loob.

"There's something I wanna tell you, son," saad niya at umupo na kaming lahat sa sofa.

* * *

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now