Chapter 1

0 0 0
                                    

Yin's POV

nagising ako ng maaga. Para kasing hindi pa ako komportable sa kamang hinihigaan ko.

Pagmulat ko ng mata ko, agad naman akong napaupo sa gulat. Ayun tuloy, nauntog ulo ko. "aray!"

"Ohh!! Dahan dahan lang naman sa pagbangon, ayan tuloy nauntog ka" tinignan ko siya. Nakangiti siya saakin. "B-bakit?" Utal kong tanong.

"Wala lang, wala kasi akong kausap dito ehh" aniya. " 'yung isang babae?" tanong ko. "Sino? Si Xelou?, Ahh wala lumabas" tumango nalang ako.

Ilang oras din kaming tahimik nung bigla siyang nagsalita. "Bakit mo napiling dito mag transfer?" Seryoso niyang tanong. Hindi ko siya nasagot agad. Hindi ko alam sasabihin ko ehh. Si daddy naman Kasi 'yung nagdesisyon na dito ako sa academy na 'toh mag transfer. "Hindi ka ba natatakot dito?" nagtaka naman ako. Bakit naman ako matatakot?

"Look, Jordan Academy is a living hell" Nanlaki naman agad ang mga mata ko. "H-hell?" tumango siya.

"So kung mahal mo pa buhay mo, ngayon palang I zipper mo na ang bibig mo" Hindi ko alam pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at agad tumulo ang pawis ko. Naka air-con naman pero bakit parang Ang init?

"Anyways, I'm Kianna. How about you?"

"Yin" tsaka tinanggap 'yung kamay niya at nakipag shake hands.

"Galing what school ka?" tanong niya. "O-huang academy" sagot ko. "Saan 'yun?" Tanong niya. "Sa Macau"

"Galing kang Macau?" gulat na gulat niyang tanong. Tumango ako. "Oh sh*t!, Totoo hinala ko" nagtaka naman ako. Anong hinala?, "Anong hinala?" Tanong ko. "Chinese ka nuh?" Tinuro niya ako. "Y-yes" napasigaw siya. "Sabi na ehhh!!" okay. Medyo weird na siya.

Napatingin naman siya saakin at umayos ng upo. "Sorry".

Napatawa naman ako ng bahagya.

Chill Yin, 'wag kang tatawa di mo ka close 'yan. Baka sapakin ka niyan.

"ano naman ngayon kung galing akong Macau?" nagtataka kong tanong.

"wala, 'yung kuya ko kasi.."

"ano naman 'yung kuya mo?"

"doon siya sa Macau tumira noong elementary palang siya" okay, that's weird. Anong connect ng kuya niya saakin?

"NVM, tara labas tayo. I to- tour kita dito" aya niya. Akmang tatayo na sana ako nung bigla akong may naalala.

"Teka lang, diba bawal lumabas sa dorm pag walang klase?, Baka mahuli tayo" nilingon niya ako habang sinusuot ang jacket niya. "Ako bahala sa'yo, now go!" utos niya. Napakibit balikat nalang ako tsaka agad pumuntang banyo.

**

"Matagal ka pa ba diyan?" Aniya galing sa labas ng CR. Nasa tapat siya ngayon ng pinto hinihintay akong lumabas. "Wait"

Binuksan ko na 'yung pinto at bumungad ang naiinip na mukha ni Kianna. "Ang tagal mo naman" nginitian ko nalang siya.

"Tara na." Aya niya at binuksan Ang pinto. Bumungad sa amin ang dalawang mga lalaki na naka itim. 'yung may mga mahabang baril. Siguro sila 'yung mga guard dito.

"saan kayo pupunta?" Tanong nung lalaki saamin. Tinignan ko si Kianna at mataray lang na mukha ang isinagot niya. "mamamasyal kami" tipid niyang sagot at akmang hihalain na sana ako palabas ng kwarto nung bigla kaming pigilan nung lalaki.

Runaway from Jordan AcademyWhere stories live. Discover now