Chapter 26

10 1 0
                                    

Lumabas na ang result ng test naming mga donor. Salamat sa diyos at may isang nag match. Si Kiero. He requested to to the operation as soon as possible. They get all what they need from Kiero. After 2 days pa daw pwedeng isagawa ang transplant. Dahil malaki naman ang kwartong pinili ni Kiero para kay Chiero doon na rin sya nagpa admit.

Chiero is sleeping dahil kakatapos lang nitong turukan ng pampatulog dahil palagi itong umiiyak sa sakit ng kanyang katawan. Kiero is sleeping to. Inayos ko ang dextrose stand nya pati ang kanyang kumot. I hold his hand and smile. Hinaplos ko ang kanyang mukha, I felt the wet hot tears fill up my eyes.

"Thank you." I whispered. "I'm sorry, Kiero. Hihintayin ko yung araw na mapatawad mo ako sa ginawa ko. I will forever keep saying sorry. I'm sorry that I've hurt you so much."

... and then I broke down entirely. Small tiny crystal beads creeped out of my eyes, one after another, soon it turned into a flowing stream of sorrow that ran down to my face and dripped from my chin into my shirt. I wipe it right away and slowly kiss him.

Muling dumalaw ang mga pinsan ni Kiero. They are complete except sa mga parents nila. Napa-isip tuloy ako kung bakit hindi dumadalaw ang nanay ni Kiero. Hindi pa rin ba sila okay? My son is enjoying habang nagpapatawa si Zack. Kara and Dustin son is also here. Binigyan pa si Chiero ng laruan na robot ni Max and they promised to play it kapag magaling na ito.

Mas gusto kong nandito ang mga pinsan nya dahil nakikita kong tumatawa at ngumingiti si Kiero dahil kapag kami lang dalawa ay sobrang lamig ng trato nya sa akin. Masakit. Sobra. Pero kagaya ng paulit ulit kong sinasabi... I deserved it.

"Mommy, bakit hindi ko po nakikita si Daddy Marco." Tanong ng anak ko habang sinusubuan ko sya ng lugaw. Alam kong narinig ito ni Kiero kaya sigurado akong uusok na naman ang tenga nito marinig palang ang pangalan ni Marco.

"He is busy, anak" Maikli kong sagot.

"Miss ko na si Daddy Marco." Malungkot nitong tugon.

"He's not your Daddy Chiero." Kiero said with mad voice. "Nandito na ako kaya hindi mo na sya kailangan." Mariin nyang sabi.

Hindi na nagsalita pa si Chiero. Tinapos nalang nito ang pagkain. Uminom ng gamot at saka natulog. May pumasok na nurse para icheck at painumin ng mga gamut si Kiero. Nakatayo lang ako sa gilid ng kama at pinapanood ang nurse.

"Mam, ipainum nyo po ito sa kanya mamayang 10pm." She said. Tumango naman ako.

Nang makalabas ang nurse ay tinulungan kong humiga ng maayos si Kiero.

"Lalabas lang ako saglit." I said with a low voice.

"Bakit? Makikipagkita ka ba kay Marco?" He said. Bigla akong napatingin sa kanya.

"Hindi."

"Talaga?" His tone of voice is so annoying. Para bang hindi sya naniniwala sa sinasabi ko.

"Ano bang gusto mong palabasin?" Inis kong sagot sa kanya. His contemptuous smile makes me nervous.

"Go ahead. Wala naman akong pakialam kung magkita kayo." He said saka pumaling sa kabilang side ng kanyang kama. I closed my eyes and took a deep breath.

Lumabas ako at bumili ng warm pack sa botika sa ground floor. Napapansin ko kasi na sumasakit na din ang balakang ni Kiero. Hindi man sya dumadaing pero kitang kita ko naman na nasasaktan sya. Mabilis akong bumalik sa kwarto. Kakalabas lang nya mula sa banyo ng makapasok ako. Lumapit ako sa kanya para alalayan sya pero tinabig nya ang kamay ko. Nang makaupo ito sa kama ay akmang aalalayan ko muli sya pero muli nya akong tinabig.

If I Fall (COMPLETE)Where stories live. Discover now