Chapter 9

26 2 0
                                    

It's been a week nang mabinyagan ang pamangkin nya. It was a hell week for him. Tahimik na natitig si Kiero sa kanyang monitor ng pumasok si Chienne sa kanyang opisina na may dalang cappuccino at vanilla cake. Inilapag ito ng dalaga sa table nya. Kumunot pa ang noo nya ng makita ang cake.

"I just asked for cappuccino. Remove that from my desk." Malamig nyang tugon. He was referring on the vanilla cake.

"Inorder ko pa yan sa Crystine Cakeshop." She pouted her lips saka yumuko. "Kainin mo nalang. Pampawala ng pagod." She added and tried to smile.

"I said remove that from my desk. Just do what I said!" Pagalit nyang sabi.

Walang nagawa si Chienne kundi alisin iyon sa mesa ng binata. Malungkot itong lumabas ng opisina. Hindi nya alam kung bakit naging magagalitin si Kiero nitong nakaraan. Masungit ito at nakakayanan naman nya ang pagsusungit ng binata pero ang pagiging magagalitin nya lately ay nakakasakit na ng damdamin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Lalo na kay Chienne, lahat nalang kasi ng ginagawa nya ay pinagagalitan sya ng binata kahit tama ang mga ginawa nya ay pilit hinahanapan ni Kiero ng mali. Lahat ng masasakit na salita ni Kiero ay tumatagos sa kanyang puso. She don't even no what to do.

Today is the schedule of site visitation. Inayos nya ang kanyang gamit saka naghandang umalis.

"Lanie, where is Ms. Monteverde?" Ani Kiero ng makalapit sya cubicle table ng kanyang employee.

"Ah sir. Nasa kitchenette po inuubos yung binili nyang cake." Tumawa ang dalaga "Sayang daw po kasi. Ang mahal daw po ng bili nya. Eh diet kaming lahat dito. Bakit po sir?"

Nagiwas ng tingin si Kiero. He clenched his jaw saka pumikit. Memories flashed back...

"Nag away ba kayo ni Erica?" Pagalit natanong ni Stella.

"Hell no! Nasaan sya? Kanina ko pa syang hinahanap?" Sagot ng binata.

"Nasa canteen. Inuubos yung cake na binili nya para sayo! Palagi mo nalang pinapaiyak ang bestfriend ko! Ano bang nangyari?" Sagot ni Stella na inis na inis.

"Gumagawa kasi kami ng thesis. Kinukulit nya ako na kainin yung cake."

"Tapos sinigawan mo sya?"Ani Stella at umirap.

"Hindi ko naman sinasadya. Pupuntahan ko lang sya."

Nagmadaling tumakbo papunta si Kiero sa canteen. Naabutan nya ang kasintahan na umiiyak habang pilit na inuubos yung cake kahit puno pa ang bibig. Nilapitan nya ito at mahigpit na niyakap...

"Sir?" Ani Lanie. Napamulat si Kiero saka huminga ng malalim.

Wala itong imik na pumunta sa kitchenette. Nakita nya si Chienne na pilit inuubos ang cake kahit puno pa ang kanyang bibig. Nakasimangot ito at padabog na sinusubo ang cake. Nilapitan nya ito at inagaw ang kahon sa dalaga. Laking gulat naman ni Chienne ng makita si Kiero kaya nabilaukan ito. Agad na ikinuha sya ng binata ng tubig. Uubo ubo pa itong uminom.

"S-Salamat." Hingal nyang sabi.

"What are you trying to do?" Ani Kiero hawak hawak ang kahon ng cake na halos paubos na.

"Wala. Nagugutom lang ako." She said without looking at him.

Alam ng binata na nagsisinungaling ito. Nagi-guilty tuloy sya sa ginawa nya kanina. Inagaw ni Kiero ang tinidor sa kamay ng dalaga saka inubos ang natitirang cake sa kahon. Chienne is dumbfounded as she looked on the empty box.

If I Fall (COMPLETE)Where stories live. Discover now