Chapter 20

8 1 0
                                    


Ilang linggo nang paiba iba ang mood ni Kiero. Minsan malambing ito minsan naman ay masungit pero mas madalas na malamig ang pakikitungo nya kay Chienne. It's hurt but she understand what he's coming through. Alam nyang buhay pa si Erika dahil narinig nya ito noon sa Hospital but she wants to confirm it kaya sinundan nya si Kiero.

Parang sinasaksak ng milyong beses ang puso nya habang pinagmamasdan silang dalawa na magkasama at masaya. She wipes her tears at unti unting tumalikod. Huminga sya ng malalim at dahan dahang naglakad palayo. Si Kiero nalang ang meron sya and she have to fight for it.

"Hey Chienne, are you even listening?" Untag ni Sab sa kanya.

"I'm sorry Sab. Ano nga ulit yon?"

"Ano bang iniisip mo at sobrang lalim naman yata?" Ani Sab saka naupo sa sofa at humigop ng kape na inihain ni Chienne sa kanya.

Napakagat sa pang ibabang labi si Chienne saka huminga ng malalim. Yumuko ito dahil ramdamn nyang nagbabadya na namang tumulo ang luha nito.

"Si Erika..."

Sa narinig ni Sab ay nabilaukan ito sa iniinom.

"I'm sorry. Anyway what's with Erika?" Kinakabahan nyang tanong habang pinupunasan ang labi.

"She's still alive right? I know because I saw them." Nanginginig ang boses ni Chienne.

Lumapit sa kanya si Sab at niyakap. Tuluyan namang tumulo ang luha nito.

"I'm sorry Chienne. I'm really sorry..."

"It's okay... Alam kong maraming dahilan para sumuko pero masama bang lumaban kahit alam kong sa huli ay matatalo lang ako? I love him so much Sab kahit ang sakit sakit na."

Maagang umuwi si Chienne dahil masama ang pakiramdam nito. Nasa kwarto lang ito buong hapon. Hindi rin nya ginalaw ang meryenda na dinala sa kanya ni manang len. Ang daming tumatakbo sa isip nya at pakiramdam nya ay mababaliw sya sa mga iyon. Narinig nyang bumukas ang pinto kaya agad itong nagkulubong ng kumot. Madalim sa kwarto kahit liwanag mula sa bintana ay hindi nya hinayaang makapasok sa loob. Ramdam nyang may umupo sa kama, it's probably Kiero.

"May sakit ka daw sabi ni manang len. Uminom kana ba ng gamot?" ani Kiero sa malamig na tono. Hindi kumibo si Chienne.

Tumayo si Kiero at binuksan ang lampshade na nasa gilid ng kama. Tumabi ito sa kanya at niyakap sya kahit balot na balot sya ng kumot.

"Saan ka galing?" Mahina ang boses ni Chienne.

"Sinamahan ko si Jake." Tipid nyang sagot. Hindi na kumibo si Chienne.

Nakatulog na si Chienne sa ganoong posisyon. 8am ng magising sya. Sobrang liwanang sa kwarto dahil nakahawi na ang lahat ng mga kurtina ng bintana. Bahagya itong naupo at nang makita nya si Kiero na lumabas mula sa banyo. Bagong ligo ito and his upper body exposed.

"Aalis ka?"

"Yup" Sagot ng binata habang patuloy sa pagpupunas ng buhok.

"Pwede ba akong sumama?" Malungkot na tugon ni Chienne.

Natigilan si Kiero sa kanyang ginagawa saka lumapit sa dalaga at humalik sa kanyang noo.

"I'm sorry..." Nakatitig ito sa mga mata ng dalaga at bakas ang pagiging sinsero sa paghingi nito ng tawad. "Dito kana lang muna sa bahay, diba may sakit ka?"

"Okay na ako. I'm just bored here."

Huminga ng malalim si Kiero at bumalik papunta sa walk-in closet nya para magbihis.

If I Fall (COMPLETE)Where stories live. Discover now