Chapter 10

23 2 0
                                    



"Yes. I have a meeting mom. Mamaya nalang. Bye." He said with a tired voice. He ended the call.

"Oh." Inabot ni Chienne ang bote ng juice sa kanya na agad nyang tinanggap at ininom. "Kaya mo yan. Naisend ko na yung list ng mga items sa Banzai Builders. Kaya daw nilang ideliver ang mga iyon within this week." She added and smiled.

Kumunot ang noo ni Kiero at mariin na tumingin sa dalaga.

"Are you serious?" Iritado nyang tanong. Tumango lang si Chienne. "How come they agreed? Diba tumanggi na sila sa atin noong isang araw?" Unti unting nagliwanag ang mukha ni Kiero.

"Oo. Miracle do happen diba? Mr. Chung is waiting at the conference room. Sana bigyan nila tayo ng another 1 week." She smiled.

"Thanks Chienne. Nawalan na ako ng pag asa kanina. Thanks talaga." He said saka niyakap ang dalaga. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." He added with a husky voice.

Kumalas si Chienne sa pagkakayakap. Halata ang pamumula sa mukha nya. Nag iwas ito ng tingin.

"It's my job. Sige na... Baka mainip si Mr. Chung. Goodluck."

Nagmadaling umalis si Kiero papunta sa conference room. Huminga muna ito ng malalim bago buksan ang pintuan.

Nakangiti itong lumabas ng conference room with Mr. Chung. Pumayag sa sya 1 more week extension sa mga supplies. Agad nyang hinanap si Chienne para sabihin ang good news pero wala ito sa kanyang table.

"Lanie, si Chienne?"

"Ay. Lumabas. May kakausapin lang daw sya sa kabilang building. How's the meeting po?" Nakangiting sagot ni Lanie.

"They gave us another week extension." Halata sa boses ni Kiero na masaya sya.

"Wow. Bilib na talaga ako sa karisma ni Chienne." Ani Lanie saka tumingin sa monitor nya.

"What do you mean?" Kumunot ang noon g binata.

Napakagat naman si Lanie sa kanyang labi saka yumuko.

"Sir.. Kasi... Ayaw na sana ipaalam ni Chienne ito eh... Ang daldal ko talaga." Marahan nyang pinalo ang bibig nya. "Kasi sir. Kahapon, maghapong kinulit ni Chienne yung may ari ng Banzai Builder. Tinataboy na nga sya noong matandang may ari eh. Kahit anong yaya ko sa kanya ayaw nyang umalis hanggat hindi sila pumapayag na magsupply. Tapos noong bandang hapon dumating yung anak ng may ari ng Banzai at mukhang nabighani sa ganda ni Chienne. Kinausap nya si Chienne at pumayag na sila na magsupply with in this week."

Nagiwas ng tingin si Kiero. "That's it? Are you referring to Fabio?"

"Opo Sir. Kaso may kapalit yung pagpayag ni Sir Fabio. Magdate daw sila ngayong sabado." Ngumuso si Lanie. Lalong nagsalubong ang kilay ni Kiero at tumingin ng masama kay Lanie.

"What the hell is she thinking? Nababaliw na ba sya? Bakit sya pumayag?!" Galit na sabi ni Kiero.

"Excuse me po, Delivery po para kay Ms. Maria Chiennevy Monteverde from Fabio of Banzai Builders." Singit ng delivery boy na may bitbit na bulaklak.

Sakto naman ang pagdating ni Chienne. Nanlaki ang mata ng dalaga ng makita ang matatalim na tingin ni Kiero. Natatakot pa itong lumapit kay Lanie.

"Walang ganyang pangalan dito. You got in the wrong building." Inis na sabi ni Kiero saka umalis at nagtungo pabalik sa kanyang office.

If I Fall (COMPLETE)Where stories live. Discover now