CHAPTER 25: Lost

48 2 0
                                    

PIA’s POV

“Ma, alis na ako! Tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka. Niloadan ko na yung cellphone diyan!” Paalam ko kay mama habang nagsusuot ng sapatos sa labas.

Buti naman at okay na siya.

“Hey, tara na loves!”

Ehh? Andito nanaman siya? Araw araw niya ako sinusundo dito sa bahay. Nakakahiya pero wala naman akong magawa dahil mapilit talaga siya. May isang gray na kotse ang nag-stop sa tapat ng apartment. Si mokong.

Bumaba siya at binuksan yung pinto sa back seat at nakita ko si D. “Hi, P. Good morning! Kamusta ang mama mo?” Bati niya sa akin.

“Okay na siya. Salamat sa pag-aalala. ^__^”

“Buti naman okay na si mama. ^__^” Singit ni mokong.

“Maka-mama ka naman. Tss. Hoy di mo naman kailangang gawin to araw-araw..” sabi ko sakanya.

Nandito kami ni D sa backseat, habang siya naman, nasa tabi ng driver. Di naman siya nakatingin sa akin pero sumagot siya. “Eh sa gusto ko eh.”

“Tss. Tignan lang natin. Magsasawa ka rin.” Sabi ko ng pabulong pero narinig ata niya kasi sumagot siya.

“Hinding hindi ako magsasawa. Kahit buong buhay ko pa ligawan kita. Kahit tayo na. O kasal na tayo.”

0///0 Leche. Bakit ba ang dali dali niyang magbitaw ng mga ganung ka-cheesy na lines?? Erk. Ang corny pero bakit pakiramdam ko kinikilig ako.

Si D naman palihim na tumatawa dito sa tabi ko. Haaaay!

“Maiba ako. Bakit late ata kayo ngayon umalis ng bahay?” Tanong ko. Akala ko nga hindi nila ako masusundo ngayon kasi dati rati, maaga sila.

“Eh kasi si lola sinorpresa kami, dumating siya.”

Ohhh.

“Tss..” Narinig kong react ni mokong.

“Anong pa tss tss ka pa diyan?” Tanong ko sakanya.

“Hindi niya kasi nagustuhan ang pagdating ni lola. Hehe” sagot sakin ni D.

“Bakit?” Ang tsismosa ko. Hahaha

“Masyado kasi siyang pakialamera at clingy. Mas matindi pa sa daddy namin.” Sagot ni Tristan.

“Come on Tristan. You talk like lola’s that bad. Eh lola’s girl ka nga e. Alam mo naman overprotective lang din yun katulad mo. Haha. And oh.. Hindi mo pa ba sasabihin kay P?”

Ang alin?

“Ano yun?”

“Lola wanted to meet you.” 0_____0

“What?? Bakit?”

Hindi pa naman kami ah. “I know I know, you’re not my girlfriend YET. Pero she insisted nung nalaman niya na may nililigawan ako. Don’t worry..”

“Ayoko nga!” Sagot ko agad. Kinakabahan ako sa mga ganyan. Dami ko na napanood na telenovela, yung mga ganyang pakilalang nagaganap, hindi maganda ang kinakalabasan. Tsss

“Don’t worry, P. Lola just want to meet you. She’s nice. ^__^” sabi sakin ni D.

“K-Kailan ba yan?” Nauutal kong sabi.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon