Chubby-licious

1K 29 1
                                    

Chapter 29

Ang sama ng tingin ni Chubz kay Pakito nang makabalik ang lalaki sa inuupuan.Tatawa-tawa lang ang tarantado.

"Tatawagan ko na si Mama,"sabi nito,dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng walking shorts."Ano ang gusto mong lunch?Aabot tayo 'pag umalis tayo agad."

"What?"aniyang pinanlakihan ng mga mata ang lalaki.Hindi siya pinansin ng walanghiya."Mukhang hindi ka naman nagmamadali sa lagay na 'yan."

"So totoo lang, excited talaga akong makasama ka."

"Weeh!Hindi nga?"pinormalan niya ang sarili para hindi halatang kinikilig siya."Tatlong araw palang tayong nag-ge-get to know each other pero mukhang atat kang majuntisan mo ako,"pairap niyang biro.

"Why not? I'm so excited to have a baby with you...not only one but one dozen maybe,"nakangising sambit ni Pakito.

"What?Anong akala mo sa akin baby maker?Yearly mabubuntis.No way!Hindi mangyayari 'yon,no!"nakataas ang kilay na na protesta niya.

"Ayaw mo bang maging nanay ng mga chikiting-chikiting natin?"ani Patrik.

"Manok lang,"natatawa na niyang sambit.

Miserable ako buong magdamag."Iiling-ili ito,iniba ang kanilang usapan

"Miserable?Mukha namang maganda ang mood mo kagabi sa text,ah,"ani Chubby sa binata.

Maganda?"Tinaasan siya ng kilay ni Pakito."Dahil nag -'goodnight, sleep tight' ako sa'yo."

Natawa si Chubby.Oo nga pala.Siya pala ang maganda ang mood.Salamat sa "goodnight, "sleep tight" na mensaheng iyon.

"Ganda,nasa rooftop ako nang mag-text ako sa'yo.Nag-'goodnight' na nga lang ako dahil sirang-sira na ang mood ko.Plano ko pa naman sanang patayin ka ng kilig sa text kagabi."

"Duh!"Tumirik muli ang kanyang mga mata."Pakinipisan naman kaunti,puwede?Sobrang kapal,eh."

Bumingisngis lang si Patrick."My family will adore you."

"How you so sure?"

"Hundred percent sure."

"Even they are not expecting someone a girl you're dreaming of?Babaeng maganda,sexy ang katawan at hinahangaan nang lahat...hindi gaya kong hindi kagandahan,may pagka-chubby at malabong may magmahal.Sino nga ba ako saiyo? Please,ayaw kong umasa at matapos lang sa...thank you for everything,"ani Chubby.

"Bakit ba pilit mong dina-down ang sarili mo?Chubby,hindi ka pangit,maganda ka.I like you.I want you because that's you.Totoo ka.Masaya ako kapag kasama kita.And your body.... I really love it.Malambot at masarap yapusin."

Naloloka na si Chubby.Dinama niya ang kanyang dibdib at tila natuwa iyon mula sa sinabi ng binata ukol sa kanya.Isa na iyong patunay na seryoso nga ito sa kanya.Nginisian niya ang binata biglang pag sang-ayong pumapayag na siyang sumama rito para magbakasyon sa kanila.

Pagkatapos magpaalam ang binata sa kanya ilang minuto pa lang ay nakatanggap si Chubby ng isang text messege mula sa unknown number na nakarehistro sa inbox niya.Mula sa text ng unkown person ay kinakabahang binasa ni Chubby ang text nito.

"Babaeng mataba!Malaki ang bibil.Huwag ka munang magsaya dahil hindi pa tapos ang masasayang araw mo!Kung inaakala mong panalo ka na sa laban na 'to,nagkakamali ka.Patrick just wanted to have sex with you.Hindi ka niya mahal!"

Muling tumunog ang cellphone ni Chubby.Isang text naman mula kay Patrick.Nakasulat;Have a good night sleep.See you tommorow.Re-replyan niya sana ang messege nito ngunit muling tumunog ang cellphone niya.Mula na naman sa unknown number.

"Hindi kailan man magkakagusto saiyo si Patrick.Hindi niya type ang isang katulad mong tabachoy!And you know what?He just want a kid.Hindi kasi ako pumayag na magpabuntis sa kanya.Nagalit siya sa akin.A misunderstanding lang naman.And it doesn't mean na hiwalay na kami.Kaya tumigil ka sa pantasya mo!

Ilang segundo pa ay nag-text ito muli.
"Alam ko rin na nagpla-plano kayong umuwi sa kanila.At kapag natupad ang kagustuhan niyang mabuntis ka.Kukunin niya ang magiging anak niya saiyo at babalikan niya ako!Magsasama kaming dalawa bilang pamilya kasama ang baby mo!"

"Ano'ng ibig sabihin nito Pakito?"Nangigil niyang sambit.Padapang nahiga siya sa malambot na kama.Tumunog muli ang cellphone niya pero hindi na niya inabalang buksan ang inbox para basahin iyon.Galing kay Pakito ang messege.

"I can't  sleep.Can I come over."

Sabay dinig ng doorbell.Lumabas siya ng silid at nagtungo sa main door para pagbuksan ang kung sino man ang nagdo-doorbell sa labas.And speaking of the devil.Ang walanghiyang si Pakito ang nasa labas.Sa galit ay pinagbagsakan niya ito ng pintuan.

"Chubby,Chubby..."tawag nito."What happen?"nagtatakang tanong ng binata.

"What happen your face!?Get lost!Get out of my sight!"nangigil niyang sigaw.

"Ang saya lang natin kanina.Bakit ngayon bigla kang nagkaganyan.Galit ka ba?"

"Sa tingin mo masaya ako sa lagay na 'to!?Lier!"

"What? Who's lier?"

"Eh,sino pa ba?'Di ikaw!Nagmamaang-maangan ka pa diyan,eh."

"Buksan mo nga 'to.Mag-usap tayo."

"Ayaw ko!"

"Buksan mo sabi!"

"Sinabi nang ayaw ko,eh!"

"Okay fine!"

Nakarinig si Chubby nang mga yabag palayo sa pintuan.Ngunit makalipas ang kinse minutos nakarinig siya ng kaluskos mula sa labas.Tila may nagbubukas doon.At doon lang niya napagtanto na pagma-may ari pala ng binata ang condo at meron silang duplicate keys.Agad siyang nahiga sa kama at itinalukbong ang kumot sa buong katawan.Nag kunwaring tulog siya.

Next....

Chubby-licious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon