Chubby-licious

921 30 2
                                    

Chapter 20

"Kaya mo bang maglakad?"tanong ng binata.

"Kaya naman,"sabi ni Chubby.Sinubukan niyang gawin iyon,para lang mapagibik sa sakit.

"Saan masakit?"Nawala ang ngiti sa mga labi ng binata habang inaalalayan siya.

"Ayun,"sagot ni Chubby,itinuro ang kabilang paa na ngayon ay namamaga na.Bigla siyang napangiwi nang kumirot iyon habang nagpipilit siyang maglakad.

"Huwag kang gumalaw."Iniluhod ng binata ang isang tuhod habang nakatingkayad ang kabilang paa upang tingnan ang namamaga niyang sakong."Maga nga,pero huwag kang mag-alala at malayo naman 'yan sa bituka,"biro nito pagkatapos suriin ang pinsala sa kanya.

"Alam ko naman 'yon!Gasgas lang sa akin 'to pero masakit nga lang talaga,"pagtataray niya.

"Salonpas,kaunting hilot at pahinga at makakalakad ka na bukas."

"I hope so...."

"Tulungan na kita,"saka umupo ito patalikod sa kanya."Hindi ka makalakad di'ba?Halika na.I will piggy back you,"bolontaryo ni Patrick.

"Nasisiran ka na ba?'Yang katawan mong 'yan kaya akong buhatin,"natatawang tanggi niya."Imposible 'yun!"

"Gusto mo akong subukan?"nakangiwing sabi nito.

"Hay naku,Patrick.Tigil-tigilan mo ako sa kilokohan mo."

"Kung ayaw mong umangkas sa likod ko hahalikan kita dito.,sige ka?"

"Ako hahalikan mo?"saka nilingon ni Chubz ang paligid.Hindi iyon ang tamang lugar kung saan dapat nakikipaghalikan."Try me and you will taste my fist,"ngisi niya.
Binungisngisan lang siya ng binata at na-impress siya sa pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin.He had a nice smile.Dumagdag iyon sa sex appeal nito,she noted.Ang ugok na 'to masyadong pa-impress!

"Nakakatakot ka naman,"biro nito.
"Halika na nga."

Tumango si Chubz at tinanggap ang kamay na inilahad ng binata,saka siya inalalayan sa baywang maingat na iginiya sa paglalakad.Panay ang singhap ni Chubby sa kirot,hanggang sa rumehistro ang matinding pag-aalala sa mukha nito.

"Kaya mo ba?Buhatin na lang kaya kita kung nahihirapan ka?"

Hindi niya pinansin ang tanong ni Patrick.Tadhana lang ba talaga ang dahilan kung bakit sila pinagtagpo ngayon.Eh,ano naman kung nahanap na siya ng binata.May happy ending ba?Stop dreaming Chubby,saway niya sa sarili.

"Sa Northwoods condo ka,di'ba?"muling tanong ng binata."Sa lagay mong 'yan makakaakyat ka ba?"

"Paano mo nalaman na doon ako tumutuloy?"aniya.Nakakahalata na siya sa lalaki dahil sa isang linggong pagtatago niya ay nalaman nito agad ang tinitirhan niya.

"Nakikita kita,eh.Same cluster tayo.I think either, third, fourth or fifth floor ka.Sa ground floor ako sa may lobby.Nakikita kasi kitang bumababa ng hagdan tuwing umaga."

"Hindi ba dahil kinompronta mo si Fiona para mahanap ako?"paniniguro niya.Malay ba niya kung nagsasabi ito ng totoo sa kanya.

"I'm the owner of that condo,"nakangiting sagot ng binata.

"What?!"nanlaki ang mga matang tanong niya.Totoo palang sobrang yaman ng kumag na 'to.At pag-aari ng pamilya niya ang condo na tinutuluyan nila ni Fiona.How could Fiona lied to her?Siguro ay sinadya ng babaeng iyon nasa pag-aaring condo sila ni Patrick tumira.Naku,makakalbo talaga niya ang bruhang iyon.

"Yes.You heard it right,"sabi nito.

Itinulak ni Chubby ang sarili palayo kay Patrick "Ilang kasinungalin pa ang dapat kung marinig saiyo? Puwede ba,tigilan mo ako.Hindi ka na nakakatuwa sa lagay na yan."

"Hindi ako nagsisinungaling saiyo.Lumipat rin ako diyan a week ago dahil----"

"Dahil pinagtaguan mo ko...!"putol niya sa sasabihin pa ng binata.Kahit ang totoo no'n ay siya talaga ang nagtatago but in the end parehas pala silang nakatira sa iisang condo.What the fun!Hindi man lang niya na sense 'yon.

"Because that was the best place to hide."

"Sabi ko na ng ba walanghiya kang lalaki ka!"

"Wait!Teka nga lang.?"awat niya sa dalaga."Ano na naman ba ang nagawa ko saiyo at nagagalit ka na naman sa akin?Lumipat ko diyan para hindi na ako gambalain pa ng ex ko.Hindi niya ako masusundan dito.Ganoon 'yun.
Okay,"paliwanag nito.

"Yun ba talaga ang dahilan?"nakalabing tanong niya.

"You don't believe me are you?"teasing her.Like wanted to kiss her.

Shit!Naloko na.Abra cadabra!Paglahuin mo akong parang bula,"naisaloob niya.Saka nginisian ang binata.

Next......



Chubby-licious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon