Chubby-licious

939 35 2
                                    

Chapter27

Maganda ang gising ni Chubby,palibhasa marahil maganda rin ang kanyang tulog nang nakaraang gabi.May ngiti sa kanyang mga labi nang bumangon at kaagad na hinagip ang cell phone.Bago siya natulog kagabi.Talaga namang naloka siya sa simpleng message ni Pakito na "Goodnight sleep tight."

Talagang nangalay yata ang bibig niya sa kakangiti hanggang sa pagtulog.Paggising ay ganoon pa rin--para siyang timang na hindi masupil ang ngiti.It was like something had changed within her.
It mus have been love,sabi ng kanyang utak.At sa isipan ay napangisi na naman siya na parang tanga.

Binuksan ni Chubby ang phone.Hayun at may text message nga si Pakito.
Call in sick.Bawal pumasok sa work.Akyat ako sa unit mo kapag gising ka na.

Sa halip na magtimpla ng kape gaya ng nakagawian sa umaga,ngayon ay dali-dali siyang naghilamos at nagtoothbrush.Na para bang madadatnan siya ng binata na may muta pa!
"Aaahh..ahh,awitin mo at isasayaw ko.Oh..Oh..!"kanta niya.At ginawang mikropono ang sariling toothbrush.Sinayaw pa nito ang slit ng kanyang bathrob.Dancing cha-cha and twirling happily habang palabas ng banyo.

"Mataba man ako.Para sabihin ko sa inyo magkaka-jowa na ako.Hay!!!Yay-yay,buhay,"kinilig na sambit ni Chubby sa sarili with matching shy bungisngis.Nakakaloka na talaga.
Pagkatapos magsuklay ng buhok ay saka pa lang siya . siya sa kanilang opisina at sinabing hindi siya makakapasok nang araw na iyon.

Pagkatapos niyang replayan ang text ni Pakito.Dalawang minuto ang nakalipas,kumatok na ang binata sa kanyang unit.Gusto mang pigilan ni Chubby ang kanyang ngiti habang pinagbubuksan si Pakito ay hindi niya magawa.

"Hi! Good morning!"Itinaas nito ang dalang Tupperware."Breakfast delivery."

"Wow!Nag-abala ka pa.Ano 'yan?"Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto.
Heto na ang prinsipe ko!naisaloob ng dalaga.

Dumeretso si Pakito sa lababo.
"Nasaan ang dining table mo?"

"Nasa balkon."

"Wow.Nice,ha?"Dumeretso ito sa balkon,kasunod siya."Dito ka kumakain?"

"Oo,masarap dito,eh.Mahangin.May napapanood sa labas."

"People watching,huh?"

Napabungisngis si Chubby.
"Actually,may sina-sight akong guwapong tsinito do'n sa katapat na building.Nag e-exercise siya every morning and....."She trailed off at napakagat-labi na lang nang makitang nakataas ang isang kilay ni Pakito."Oh."

"Oh,"ani Pakito,na lumapit at hinigit siya sa baywang."So,you like tsinitos,huh?"

"H-hindi naman..."Nadi-disorient na kaagad siya,kay aga-aga.Nakakawala sa sarili ang soap-and-water scent ng binata.Nakakainis.Kailan pa siya nabanguhan sa Safeguard?!

Makahulugan ang ngiti ni Pakito habang hindi pa rin pinapakawalan ang baywang ni Chubby.Napailing ang binata at saka lang siya binitawan.Inalalayan siya nito sa pag-upo sa harap ng coffee table na kinakainan niya.Kumuha ito sa kusina nang tigdadalawang plato,kutsara,tinidor,at baso,at isang pitsel ng malamig na tubig.

Habang naghihintay ay awtomatikong tumama ang kanyang tingin sa ina-eye na unit tuwing umaga--iyong kay dashing tsinito na mukhang K-Pop artist.Nagda-dumbells na naman si "Papalicious."
Kumaway sa kanya ang lalaking tsinito,na ordinaryong ginagawa nito kapag nagkakatinginan sila sa umaga.Gumanti siya ng kaway.

"Ehem-ehem!"

Napabungisngis si Chubby,saka lumingon kay Pakito.
"Sorry.Habit."

"Kain na,"sabi nito na halos hindi bumubuka ang bibig.Naupo ito sa katapat na silya at ipinatong sa mesa ang dalawang mug ng kape,saka binuksan ang Tupperware na dala.Kaya pala natagalan ang binata sa kusina ay gumawa pa ito ng kape nila.

"Galit ka ba?"

Tinitigan muna siya ni Pakito,saka nagkibit-balikat at sumubo.Habang ngumunguya ay tumanaw ito sa K-Pop body builder sa tapat.
"Crush mo 'yan?"

Napasimangot si Chubby sa tono nito.
"May lait factor?Cute naman,ah."

"Cute nga."

Tinitigan din niya si K-Popper.Napakunot-noo siya dahil hindi na nagda-dumbbells ang lalaki;nakatunganga na lang sa kanila ni Pakito.Specifically,kay Pakito.
"Shit."

Humagikgik ang bruho."Na-enlighten ka na?"

Binato niya si Pakito ng isang butil ng sinangag na kanin.
"Paano mo nalaman?"

"Araw-araw akong binobosohan ng walanghiyang 'yan."

Napamura si Chubby."Habang araw-araw ko rin siyang binobosohan?Eeww!"aniya."Pero panay ang smile niyan sa akin.I thought...."

"Baka akala niya tomboy ka."

"Langhiya!"

"Maybe he's jealous to your hair.Ang haba,o."

Natawa na siya nang tuluyan."Goodness.Ay kennot"

"Kennot ka diyan.Ubusin mo na 'yang pagkain mo."

"Opo.Boss,"saka nagsimulang sumubo.Kinikilig na naman siya sa bawat sulyap sa kanya ng binata.Hindi tuloy niya manguya ng maayos ang kinakain.Pakyeme tuloy siyang sumubo sa kutsara kahit ang nais na niyang gawin ay kamayin na lang.Grrrrr!I will eat you too,malandi niyang naisaloob nang mapansin ang bakat na abs nang kanyang buwisita.Yummy,thou!Letchon kawali!

Next...

Chubby-licious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon