Hindi na ako nakisali pa sa kanila at pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad.

Chantelle Rae Garcia?!! Napatigil naman ako ng marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon sa may bandang likuran ko para malaman kung sino ang tumawag sa akin.

Paglingon ko ay agad ngumiti sakin ang isang lalaki. Hindi ko siya kilala. Masasabi kong gwapo siya, hindi... literal na gwapo siya. Sino po kayo? Agad na tanong ko dito ng makalapit siya sa akin at pasimpleng sinilip ang likuran niya. Kung ganon siya ang may-ari ng magarang sasakyan.

Hi! I'm Xavier Kier Montereal, I want you to come with me, may gustong kumausap sa—

Xave!! Sabay kaming napalingon dahil sa malakas na pagtawag ng isang babae. Nagmadali naman itong lumapit sa kinaroroonan namin.

Wife! Please be careful, for God sake! you're pregnant! Natatarantang sabi nung Xavier sa babae na tumawag sa kanya ng tingnan ko ito ay agad nanlaki ang mata ko...


























si ate Ganda.

Diba sabi ko sayo ako kakausap sa kanya. Ang kulit mo! Kinausap ko lang si Cindy sa cellphone sandali eh! Inis na sabi ni Ate Ganda sa asawa niya. Ang cute nilang tingnan. Bagay na bagay sila. Bumaba naman ang tingin ko sa tyan ni Ate Ganda. Oo nga, buntis nga ito. Hindi ko ito napansin nung huling pagkikita namin.

Hindi din kasi halata dahil ang ganda-ganda ni Ate magbuntis. Tss, ayaw ko lang napapagod ka wife. You know, dinadala mo baby natin. Paliwanag naman ni Kuya kay Ate Ganda.

Okay lang kami Xave. Sige na!! doon ka na sa sasakyan. Ang dami ng tumitingin at nagpapacute sayo. Nabubuwisit na ako! Nakairap na sabi ni Ate Ganda sa asawa niya.

Ang cute....

Napangiti naman si Kuya sa kanya sabay halik ng mabilis sa labi ni Ate Ganda. Ang cute talaga ng asawa ko. Sige na po babalik na ako sa sasakyan. I love you. At nagnakaw ulit ito ng halik kay Ate bago patakbong bumalik sa sasakyan.

Tss, baliw talaga. Napatingin naman sakin si Ate Ganda sabay ngiti. Sorry, ang kulit ng asawa ko, anyways, I'm Gail Montereal. Sabay lahad ng kamay nito sa akin para sa shake hands kaya tinanggap ko ito.

Chantelle po. Narinig ko naman ang warning bell namin kaya nag-umpisa ng mag alisan ang mga tao sa paligid.

I'm sorry kung ngayon lang kita hinanap. Yung asawa ko kasi ayaw akong payagan puntahan ka mag-isa dahil buntis daw ako. Good thing na yung school kung saan ka nag-aaral ay may shared property ang asawa ko kaya madali kitang nahanap. Nakita ko naman na hinawakan niya ang tiyan niya. Ito oh! Inabot niya sa akin ang bag ko gamit ang isang kamay niya.

Agad kong hinanap yung bote. Wala akong ginalaw sa bag mo aside from id's na pwede kong gamitin to find you. Dagdag nito kaya napatingin ako sa kanya.

Uhmm... ate Gail may nakita ba kayong bote sa bag ko. Tanong ko dito.

You mean yung magandang bote? Tumango naman ako sa tanong niya. Yes, nasa loob ng bag mo baka kasi mamisplace. Agad ko naman hinalukat yung bag ko at bumungad sakin ang bote.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon