"Baka naman kasi tinatanggihan mo kaya naghahanap ng—"

"Wag mo na ituloy," sabi ko. "Ayoko na dumagdag yung kaba na nararamdaman ko."

"Sorry, sorry."

"Okay lang. Iwas sakit lang."

"Patingin na nga lang ng picture ng Cat na yan nang makita natin!"

Dinakot ko yung cell phone ko sa bulsa ko at pumunta sa profile ni Cat. Hinayaan kong mag-scroll si Pet habang tinitingnan yung pictures tapos napatigil siya sa isa—doon sa isang may caption na Your Eurydice .. ;)

"Eurydice?" sabi ni Pet. "Di ba ito yung parang ka-love team ni Orpheus?"

Doon ko biglang napansin. Matagal ko na to nakita, pero dahil sa selos ko noon, di ko na-relate yung connection ng caption niya kay Theo . . . si Theo na may "Orpheus" sa pangalan.

Napakagat ako ng labi.

"O, dugo mo," sabi ni Pet. "Ramdam ko hanggang dito yung pagkulo mo e."

"Bakit sobrang gaga ko? Bakit . . . bakit ngayon ko lang napansin?"

"So confirmed talaga na triangle kayo."

Nag-umpisa ako magligpit ng gamit at saka sinabing, "Te, mag-cut ako ha. Punta ako sa kanila."

"Luh! Gaga! Seryoso ka ba?!"

"Yep. Titigil din naman ako . . . so anong sense nito?"

"Te, titigil ka lang pero mag-aaral ka the next year! Ingatan mo TOR mo!"

"This one time lang. Sabihin mo . . . ano . . . dysmenorrhea himatay levels."

"Leche ka talaga. Di na lang ako sasagot kapag tinanong kung nasaan ka. Crossed fingers na sana di ako tanungin."

"Salamat, mumsh! Love you!"

Kinuha ko yung bag ko at umalis. Ewan ko. Ang gaga lang ng move pero . . . pero naiinis ako na ewan. Umuwi ako sa bahay (wala naman sina Mama at Papa) at sinuot ko yung pinaka—paano ba sabihin—daring na damit na meron ako—spaghetti-strapped top at shorts (pero hindi pempem shorts, tamang shorts lang). Nagsuot ako ng sneakers para chic fashion pa rin ang dating. Pero dahil hindi naman ako kumportable dahil hindi ako sanay magpakita ng kili-kili sa madla, tinernuhan ko ng denim jacket.

Wala naman sina Mama kaya sumaglit ako sa kuwarto nila para hanapin yung lipstick niya at eyeliner. Iniisip ko kung pula pero parang masyadong strong sa mukha go. G tayo sa medyo pink na pa-cute.

And . . . I'm ready to go.

Mukhang okay naman ako.

Pumunta ako sa school nila, feeling confident. May dala akong butter choconut na doughnut na favourite niya tapos dumiretso ako sa college nila at tumambay muna sa parking lot.


Saan ka? Musta diyan?


Tingin ako nang tingin sa salamin dahil hindi ko alam kung mukha pa ba akong okay o kung smudge na ba yung makeup na nilagay ko sa mukha ko. Matapos ang ilang minuto, tumunog yung phone ko.


okay naman. :) ikaw?

okay lang din. feeling pretty. hahaha

ganda ka naman talaga e

san k?

nasa tambayan po :)

Lost and FoundWhere stories live. Discover now