Chapter 1

49.5K 1.2K 612
                                    


Minsan, gusto ko na lang mawala.

Haha, siyempre ang ganda ng opening statement ko, pero di ko maiwasan eh. Bukod sa paborito ko ang tortang talong, wala akong defining characteristic. Di kalahi ng mga Sy, di bathaluman, di kalahi ni Einstein, at di ako yung tipo ng tao na kulang na lang awardan ng pakpak, at the same time, di rin ako yung tipong mapapa hire ka na ng gunman para patayin.

Lahat ng kabanata sa nobela ko, ang nakasulat ay:

Isang araw, gumising ako, kumain ng breakfast, nagtoothbrush, naligo, nagbihis at pumuntang school. Tapos nag-aral kami, tapos naglunch ako. Pagdating ko sa bahay, ginawa ko yung mga assignment ko, kumain ng dinner, nagtoothbrush, naligo, nagbihis at natulog. The next day, inulit ko lang yung ginawa ko.

Kapag paulit-ulit yung ginagawa mo, nakakasuya na nakakasawa, tipong hihilingin mo na sana kumidlat at VOILA! Isa ka ng superhero na may magical powers tapos pag-aagawan ka ng pitong lalaki at ikaw pala ay isang nawawalang anak ni lola na may tinatagong yaman, and all of a sudden nakaimbento ka na ng gamit na magliligtas sa sangkatauhan.

Tapos in the end, mamamatay ka dahil niligtas mo ang buong mundo. Perfect ka eh. At sabi nila, nobody is perfect, kaya you deserve to die.

In short, kung mawala ako, okay lang.

Ready na ako sa "RIP, Tasha" na status sa lahat social networking sites ko.

Ang argument ng lahat ng kaibigan ko sa 'kin, "Lahat naman tayo mamamatay. We are all dust in this universe."

Sagot ko, "Ako yung isa sa mga particle na bumubuo sa particle na bumubuo sa dust na yon. Hindi ako significant."

Ang aga pa masyado para sa quarter-life crisis, at 16 pa lang ako. Pero kung makapagisip ako, akala mo naman, 27 na.

Minsan, naiinis ako sa sarili kong ganito.

Iniisip ko to sa huling taon ko bilang isang high school student. Yep, kami yung minalas na batch na hindi inabutan ng Senior High. Bakit ko sinabing malas? Eh college na yung susunod—at hindi ko pa talaga alam kung anong gusto ko sa buhay.

Dati, pinilit ko pa naman nanay ko na pumasok sa insert-school-here-dahil-ayoko-banggitin-baka-mastalk-ako school. Doon kasi pumasok si ate tapos ang saya lang niya. Block yung sectioning, kaya pare-parehas yung kasama mo so forever friends kayo.

Naniwala naman ako. Eh di ano ako ngayon?

Nganga.

Siyempre, ang mga nag click kaagad yung mga pare-pareho ang hilig. Kulang na lang, magtayo ng club bawat isa sa batch base sa kung anong defining characteristic mo.

Saan ba lulugar yung normal lang? O yung mga taong mahilig sa tortang talong?

Kaya, wala akong "grupo" talaga. Minsan advantage, lalo na kung nagbabackstabban na silang lahat at ako, in peace. Minsan din disadvantage. Tulad last year, noong field trip, mag-isa lang ako. Bawat activity, palipat-lipat lang ako ng grupo.

Kaya bago sa kin na may nangyayaring kakaiba ngayong araw na to—ang ikalawang araw ng klase. Which is . . .

NAWAWALA YUNG WALLET KO.

"Ilabas mo na kasi wallet ko!" pasigaw kong sinabi doon sa ka-service ko habang nilalabas ko na lahat ng abubot sa loob ng bag ko. "Tae naman, nasaan na ba kasi yon?!"

"Wala nga sa kin!" sabi ni Tanya habang nag-aayos ng buhok. "Baka nahulog mo noong papalabas ka ng service?"

"Tae naman. Anong lunch ko mamaya?!"

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon