Reconcile

13K 248 6
                                    

Nagising si Aly sa isang hindi pamilyar na kwarto. Shit! Asan ako?! Babangon na sana siya mula sa pagkakahiga ng biglang kumirot ang kanyang ulo kaya napahawak siya dito.

"Aray..."

Bigla nlang bumukas ang pinto kaya napalingon kaagad siya at nagulat kung sino ang niluwa nito.

"Dennise?"

"Good morning, ly" Nakangiting bati ni Den dito at nakitang nakahawak si Aly sa ulo niya kaya napalitan ito ng pag-alala "Masakit ba ulo mo?"

Nagtatakang tumango nman si Aly

"G-good morning din. Oo m-masakit"

"Sandali lang ah. Iaakyat ko lang ang breakfast mo. Dalhin ko nlang din ang gamot" saka nagmadaling lumabas si Den sa kwarto

"Wait! Dennise" sigaw ni Aly ngunit huli na dahil naisara na ang pinto. "Shit! Pano ako nakarating dito?!"

Bakit ako nandito? Bakit siya nandito? Bakit magkasama kami? May nangyari kaya sa amin? Langya nman oh! Wala akong maalala!!!"

Sigaw ng isip ni Aly kaya napasabunot nlang ito sa ulo. Gulong gulo na siya sa mga nangyayari. Lalong lalo na ang pakikitungo ni Dennise sa kanya.

"Hahaha. Baka sumakit lalo ulo mo niyan Aly" sabi ni Den ng makalapit na ito sa kama.

Hindi namalayan ni Aly na nakapasok na pala si Dennise dahil sa mga iniisip niya kanina. Nilapag ni Denden ang tray sa tapat ni Aly. Nakita niyang may fried rice, sunny side up, bacon at coffee ang laman ng tray. Wala sa sariling napangiti si Aly.

"Marunong ka ng magluto?"

"Hahaha. Kailangan eh" sabi ni Den

Hindi na ulit nagtanong si Aly sa halip ay masaya niyang kinain ang hinanda ni Dennise. Bigla nman niyang napansin na nakatingin lang si Den sa kanya.

"Kain tayo Den" sabay taas ng kutsara nito

"Its okay Ly. Tapos na akong kumain" Nakangiting sabi nito kay Aly kaya bumalik nlang si Aly sa pagkain.

Matapos kumain ni Aly ay inabutan nman siya ni Den ng tubig at gamot. Ininom nman yun ni Aly agad-agad. Kinuha na ni Denden ang tray at akmang lalabas ng bigla nagsalita si Aly.

"Den, can we talk?" Tanong ni Aly na nagpatigil kay Den

"Later ly. Maligo ka muna. May damit na akong hinanda sa bathroom" Pagiiba ni Den

Tinangka ni Alyssa na tumayo ngunit nabigo ito. Sumasakit kasi ang ulo niya kapag gumagalaw.

"Why are you doing this Dennise?"

Lumingon na si Den at tiningnan sa mata si Aly "Later" maikli ngunit maotoridad na sabi nito.

Lumabas na si Den sa kwarto. Wala ng magawa si Aly kundi sundin nlang ang sinabi ni Den. Dahan dahan siyang tumayo papuntang cr at naligo. Nakita niya ang damit na hinanda ni Den at sinuot na ito. Paglabas niya ay nakita niyang nakaupo si Den sa gilid ng kama nito at tila may malalim na iniisip.

"Why?" Tanong ni Aly agad

"Shouldn't I be the one asking you that?" kunot noong tanong ni Den

Aly with a puzzled face "What do you mean?"

"You. Why didn't you make a way? For a chance. Another chance ly"

"I did Den! Pumunta ako ng Canada diba? But what did you do?! Tinaboy mo ako, you said you're tired" umiiyak na sambit ni Aly "Ang sakit Den, my heart was shattered into a million pieces. You broke me!"

"I was still hurt that time ly. You should've pushed more" lumuha na rin si Den "It was so hard living in an unknown place all by myself. Leaving everyone behind. Leaving my heart behind"

"Dennise..." lumuhod si Aly kay den at hinawakan ang kamay nito "I'm sorry"

Dennise cupped Aly's face "Its not your fault-"

"Yes it is Den" Aly cut her "Kung hindi lang sana-"

"No. Please, lets not go back to the past" Den cut her "Whats important is the present, us"

"Us?" Aly still puzzled saw Den smiling

"Yes, us"

"You mean?" Aly's face beamed in happiness.

Dennise nodded.

Aly pulled her in a tight embrace "I still love you Dennise"

"I still love you too Alyssa" and she hugged back with the same intensity.

-------------------

Matapos ang araw na yun ay sunod sunod na ang pagkikita ng dalawa. Usapan, kwentuhan, kulita, harutan, tawanan at kasiyahan ang nadarama ng dalawa kapag nagkikita. At kahit na hindi nila sabihin, alam nilang bumabawi lang sila sa isa't isa sa mahabang taon na hindi napadama ang kanilang pagmamahalan.

Masaya ang mga kaibigan at dating teammates sa muling pagsasama ng dalawa. Ngunit may konting lungkot din. Babalik na kasi si Denden sa Canada. Umuwi lang siya para magbakasyon at syempre, para makausap din si Aly. Hindi nman siya nagbigo dahil nagkaayos din nman sila.

Naisipan ng mga kaibigan nila na mag set-up ng despedida party ni Dennise. Alam kasi nilang matagal tagal nnman ang balik ng kaibigan.

Nasa gitna na sila ng kasiyahan ng biglang tinawag nina Kim, Gretch at A ang atensyon ni Aly. Nagpaalam nman sandali si Aly kay Dennise at pumunta sa mga kaibigan nito.

"Oh, bakit?" nakangiting tanong ni Aly sa mga kaibigan.

"Anong bakit? Aalis nnman si Dennise oh" sabi ni A.

"Alam ko. Kaya nga tayo nagpadespedida party diba?" inosenteng sagot nito

"Ibig sabihin niyan iiwan ka nnman ni denden" Kim

"Hindi kaya. Its just a matter of distance."

"Sure ka ba? Baka nman-"

"We love each other. Tsaka may skype, facetime, email at iba pang paraan para makausap at

ma-check ko siya araw-araw."

"Mahirap yan ly. Baka hindi mo alam may iba na pala si Dennise dun. Pinagsasabay lang kayo" Gretch

"Mga kaibigan ko ba tlga kayo?" napatawa nman si Aly "Tsaka, may tiwala ako kay den. Alam kong mahal niya ako AT mahal na mahal ko rin siya"

"Eeeew!" sigaw ng tatlo at nagtawanan silang lahat

"Ewan ko sayo baldo ah. Pero kung ako sayo yayayain ko ng magpakasal yang si Denden. Baka maagaw pa ng iba, bahala ka" pananakot ni Kim 

"Kailangan ba tlga yan?"

"Syempre nman!" sabat ni A na ikinalungkot nman ng mukha ni Aly. 

Napansin ni Gretch ang pagiba ng mukha nito "Bakit? Anong problema Ly?"

"Natatakot kasi ako..."

"Saan?"

"Sa rejection. Baka hindi nnman niya tanggapin tapos maging dahilan pa ng paghihiwalay namin. Ayoko yun. Ayokong mawala ulit si Dennise sa buhay ko. Ikamamatay ko na tlga"

"Ly, noon yun. Kung hindi lang sana nangyari yung insidente ehdi malamang sa malamang ay kasal na kayo ngayun. Baka nga may anak pa eh" 

"Oo nga! Tapos babae anak niyo! Haha!" A

"Tapos pangalan Alyden!" natawa nman ang tatlo sa sinabi ni Kim

"Yuck kimmy! Ang bantot ng ipinangalan mo sa anak ko! Hahaha!" Aly.

Tawa parin sila ng tawa hanggang sa maiyak na. Bigla nman nasulyapan ng mata ni Aly ang babaeng mahal niya kaya natigil siya at wala sa sariling napangiti.

Nakita nman yun ng mga kaibigan niya at nagseryoso narin. "Sige na Ly. Kaya mo yan" paglalakas ng loob nila sa kaibigan

-----------------

Better Half Feat. AlydenМесто, где живут истории. Откройте их для себя