Follow You

18.5K 250 3
                                    

Jia's POV

Hey! May pov din ako! Syempre kapatid ako ng bida eh! Haha. Magpapakilala muna akong maayos readers ha.

I'm Julia Melissa Morado. Yes! You read it right readers. Hindi nman tlga kami magkapatid ni ate den eh more like cousins. Kapatid kasi ni mommy janice ang totoong mommy ko but she died after akong pinanganak. I don't know about my dad. Maybe he doesn't even know that I exist eh. Pero dinala ko parin ang apilyedo niya dahil yun ang gusto ng totoo kong mommy.

Sina daddy mike, mommy janice at ate den ay kahit kailan hindi pinaramdam sakin na hindi ako parte ng pamilya nila. They treated me as their own daughter and sister and I am very thankful for that.

I love my family so much that I can feel home with them. Gagawin ko ang lahat para di ko sila ma disappoint at para di sila mawala ang pagmamahal nila sakin.

Okay! Lets drop the drama. I am 11 yrs old at maggegrade 7 na sa pasukan. Sabi ko sa inyo di na ako baby eh! Katulad kami ng school ni ate. Sa CSA din ako. Balak ko na rin magtry out this sy sa volleyball team.

So, lets go back to the story. Pansin ko lang ha. Simula nung bumalik kami from batangas eh parang nababaliw na si ate. Minsan kakanta at sasayaw tapos biglang tulala at walang kibo. Minsan nga pag inaasar ko siya eh kung walang reaksyon ay inaaway din ako.

Nakakapanibago tlga. Parang naiwan ang totoo kong ate dun sa batangas. Hmmm. Ano kaya problema nito? Si ate aly kaya? Hehehe. Mahuli nga.

Kinuha ko ang telephone at unti unting lumapit sa sala dahil andun lang nakatunganga ang ate ko.

Jia: Hello? Ate aly!

Bigla nman umayos ang upo ni ate den. Narinig niya lang pangalan ni ate aly eh nabuhayan ata ng dugo.

Jia: Po? Opo. Si ate den?

At sa wakas tumingin na sakin si ate. Grabeh yung mukha niya. Ang funny! Parang maluluha na sa saya oh!

Jia: Nako ate aly, mukhang wa-

Naputol ang pagdrama ko sa telepono dahil bigla yun inagaw ni ate den sakin.

Den: Hello ly? Aly? Hello? Ji. Baby ji. Binaba niya ang phone. Ji binaba niya ang phone!

Naghihisterical na si ate den dito habang hawak hawak niya pa ang telepono. Bigla nman siya napaupo at umiyak. Hala?! Anyare dito?!

Jia: Ate den! OMG! Why are you crying?!

Den: Binaba niya ang telephone jia. *hik. Binaba niya! *hik

Jia: Eh ano nman kung binaba niya ate? Si ate aly lang nman yun eh!

Den: I miss her so much ji! *hik *hik Hindi ko alam bakit pero ang sakit *hik sakit ng dibdib ko! *hik

Jia: Hay nako ate. Hindi mo ba tlga alam o nagmamaang maangan ka lang?

Den: I dont know jia. *hik Nalilito na ako *hik *hik *hik

Jia: Please dont cry na ate. Mukhang napasobra ata ang prank ko. The truth is hindi tlga tumawag si ate aly. Kaya di ka niya binabaan.

Den: Really? Is that true baby ji? Baka kinocomfort mo lang ako ah.

Jia: Totoo nga. Tsaka di ka bababaan ng telepono ni ate aly noh! Ikaw pa!

Den: Aaaw. Thanks baby ji. (sabay hug sakin)

Jia: Welcome! (hug din sa kanya)

Haaaay. Baliw na tlga ata tong kapatid ko! Nabaliw na kay ate aly! Pero di ko nman siya masisisi eh. Ako rin kaya na-AlyssaValdez na!

Better Half Feat. AlydenWhere stories live. Discover now