I'm Here

14.6K 241 7
                                    

Alyssa's POV

Andito ako ngayun sa veranda ng kwarto ko. At tama ang naiisip mo. Nakita ko siya. Nakita ko si dennise na pumasok ng bahay namin. Nakita ko ang pagaalala sa mga mata niya. Nakita ko ang kaba na nararamdaman niya. Kailangan ko ng ayusin ang sarili ko. Marami na pala akong pinag-aalala.

*Tok *Tok *Tok

Den: Aly, this is dennise. Please open the door.

Hay. Na miss ko ang boses niya. Halata din sa boses niya na nagaalala tlga siya. Naglakad na ako papunta sa pinto at huminga muna ng malalim bago buksan ito.

Aly: Di mo na kailangan magpakilala. Mga yabag mo palang kabisado ko na. (smile)

Den: Aly! (yumakap ng mahigpit)

Aly: I miss you. (hug tighter)

Den: I miss you more. (isinubsob ang mukha sa leeg ko)

Ganun lang ang posisyon namin ng ilang minuto. I need this. Ang boses niya. Ang braso niya. Ang yakap niya. Ang lahat sa kanya. Mawala ng lahat wag lang si den.

Aly: Pasok na tayo. (bumitaw sa yakap para makita ang mukha niya)

Den: Uhm. (tumango)

Alam kong naiiyak na siya. At naiiyak narin ako pero kailangan kong ipakita sa kanya na okay na ako. Para nman di na siya mag-alala sakin. Kailangan kong maging malakas para kay den.

Dinala ko siya sa kama ko at pinaupo. Umupo nman ako sa sahig na katapat niya. Inilagay ko ang ulo ko sa lap niya at ang kamay ko sa mga paa ko dahil nakaindian sit ako. Habang si den nman ay sinusuklay suklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. Ganito ang ginagawa namin kapag masama ang loob ng isa't isa.

Aly: Den, break na kami.

Den: Uhm. I heard. Pwede ko bang malaman kung bakit? (pinatuloy lang ang pagsuklay)

Aly: Niloko niya ako den. (nagpipigil ng luha)

Den: Paano ka nman niya niloko?

Aly: Nakita ko siyang may kahalikang iba.

Den: (hindi siya nagsalita. Ibig sabihin ituloy ko lang ang kwento ko)

Aly: Nung pumunta akong ADU para sunduin siya para sa surprise ko eh nakita ko siyang nakikipaglampungan sa isang lalaki. Nakita ko ang expression niya den. Ginusto niyang mangyari yun. Pumunta ako sa kanila at nagulat silang pareho. Si bang nman nageexplain kaya hinayaan ko siya. At alam mo ba kung anong dahilan niya? Nawalan daw kasi ako ng oras sa kanya den. (tumingala para makita ang mata ni den) Bakit ganyan sila? Di ba sila nakakaintindi? Di ba sila marunong magsakripisyo kahit konti? Alam nman siguro nila kung gaano natin sila kamahal diba? (tumulo na ang pinipigilang luha)

Den: Aly, (huminga ng malalim) hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Bang at alam kong ikaw din. Magusap kayo ly. Pagusapan niyo kung bakit nangyari to sa relasyon niyo. Kailangan niyo ng matinong paguusap. Baka may mas malalim pang dahilan kaya niya yun nagawa. (habang pinupunasan ang luha ko)

Aly: Seryoso ka ba den?! Another chance?!

Den: A chance to explain ly. Tsaka baka maintindihan mo siya after kayo magkausap at magkabalikan din kayo. (gave me a bitter smile)

Aly: Chance para magkausap okay pa pero ang magkabalikan? Not a chance. (smirk)

Den: Wag kang magsalita ng tapos ly. Baka kainin mo lahat ng sinasabi mo ngayun.

Aly: You know me den, hindi ko binabalikan ang mga tapos na.

Den: Ikaw bahala.

Pinatong ko na ulit ang ulo ko sa lap niya. Tinuloy nman niya ang pagsuklay. Ganun lang kami. Walang nagsasalita. Puro paghinga lang ng isat isa ang naririnig namin. Nakatulog ako sa ginawa niyang yun.

Better Half Feat. AlydenWhere stories live. Discover now