Zel's NOTE (you must read) (FAQ's)

5.3K 92 42
                                    

Yung mga katanungan na nakahain dito ay tinanong sakin nung taong 2012 pa. In-update ko lang yung mga sagot ko.


Q: Namimigay ka po ba ng SOFT COPIES?

A: Hindi na po. I used to give SC pero dahil napagdesisyunan ko ng i-revise yung old stories ko, hindi na po ako namimigay.


Q: May new story po ba kayo?

A : Marami na po. Check the 'My works' section on my profile, makikita niyo po dun lahat ng likha ko.


Q :Sino po ba ang inspiration nyo sa story na 'to?

A: Yung story ni ate Aly na "Break the Casanova's Heart: Operation", yung mga readers ng story na'to tsaka yung crush ko. Lol.


Q: Bakit po parang malapit kayo sa readers?

A: Kasi kung wala sila, walang nakaka-appreciate sa gawa ko. Thankful ako sa mga readers kaya hangga't maari ay kinakaibigan ko silang lahat!


Q: Ano po masasabi nyo pag may nagcocomment ng bad sa story nyo?

A: So far so good pa naman ang mga comments na natatanggap ko. Hahaha. Pero one time, may nag-comment sa isa kong story saying 'ang exagge naman po nila, OA blah blah' , sa pagkakatanda ko hindi ko pinansin yun eh. Hindi ko ma-consider yun as a 'bad comment' pero basta, nasaktan ako nung nabasa ko yun.


Q: May boyfriend ka po ba??

A: Saan po nanggaling ang tanong na yan? Wala po ako niyan. JPOP fan na ko ngayon kaya yung fandom life ko yung lovelife ko ngayon.


Q: Real person po ba ang mga characters o imagination niyo lang po?

A: Yung character ni Migz Lim, galing lang yun sa singer na si Migz Haleco. Si Crizzel Gomez naman, galing lang sa first name kong Crizzel. Pero yung mga barkada nila Crizzel sa story ay totoong tao, barkada ko po sila sa totoong buhay except kay Jam, Christoff and Oliver (imagination ko lang)

Ay yung isa pa, yung kuya ni Crizzel tsaka si Ate Charm ay totoong tao.


Q: ano po favorite nyong callsign ng friend niyo?

A: yung 'dre' tsaka yung 'waifu' , ang opposite kasi nung dalawang yun eh, yung isa feminine tapos yung isa medyo masculine.


Q: Maganda ka po ba sa personal?

A: Sabi ng nanay ko cute daw ako. Sabi niya lang yun.


Q: How old are you na po?? saan ka po nakatira? (2012 question)

A: 14 years old na po ako at sa Caloocan ako nakatira.


Q: Si crizzel gomez po ba ay may pagkakahawig sa ugali ninyo??

A: Way back 2012, habang sinusulat ko yung TCTL, masasabi kong medyo hawig kami pero ngayong 2015 na, nagbago ko ng konti kaya hindi na kami hawig ng ugali ng character kong si Crizzel Gomez.


Q: May BOOK 2 po ba ang TCTL ??

A: Nagkaroon siya ng book pero binura ko rin agad. Habang binabasa ko kasi yung Book 1, satisfied na ko sa naging outcome at nagkaroon ako ng feeling na mas better kung hahayaan ko na lang na dun nagtapos yung love story nila.


Q: Pwede po bang gumawa ng fan fiction ng TCTL or ng ba nyo pang stories?

A: Pwede po kung gusto niyo pero basta sana aware ako para masuportahan ko din.


Q: Otaku po ba kayo? (Otaku = Anime fan/lover)

A : Hindi po. Jpop fan po ako pero aminado naman akong gusto ko ang anime!


 At dito na po nagtatapos ang feeling-feelingan kong Q&A. Again, thank you sa mga nagtanong sakin at sa mga sumuporta sa first ever story ko sa wattpad. Mahal na mahal ko kayo!

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora