CHAPTER 47 : 18th birthday

5.1K 76 4
                                    

Crizzel's P.O.V


Maaga kong ginising ni mama para sunduin sila Tita. Wala namang problema sakin yun. Gustong-gusto ko na nga makita si baby Macy eh!


Medyo may katagalan rin yung paghihintay ko sa kanila at maya-maya lang ay natanaw ko na sa malayo si tita na karga-karga si Macy. Ang cute niya talaga! Nakajacket na pink at boots na pink! Parang stuff toy!


Palapit na ko para yakapin si Macy ng biglang...


"Daddy Migz!" excited na sabi nito at bumaba sa pagkakarga ni Tita. Nilagpasan lang ako ni baby Macy at pumunta dun sa lalakeng nakashade.


"Daddy Migz!" pag-uulit nito at niyakap ng mahigpit yung lalake.


"Sabi ni baby Macy gusto niya daw kayong makasama right after we arrived here in the Philippines. Ako ng bahala sa mga luggages namin, mauna na ko sa bahay ninyo. Ipasyal niyo lang siya at text mo na lang ako para sunduin na si baby Macy." Bilin ni tita.


"Hindi na po tita. Ako na pong bahala kay Macy, di niyo na po siya dapat sunduin ulit. Ako na po yung mag-uuwi sa kaniya sa bahay."


"Hay nako hija, ako na lang. Para naman magka-solo time kayong dalawa." ngumiti pa si tita sakin.


Oo nga pala. Hindi pa nila alam na wala na kami.


"Mauna na ko ha. Mag-ingat kayo."


Umalis na si tita at nilingon ko naman si baby Macy. Karga na siya ni Migz. Mukha silang magtatay.


"Nagugutom na daw siya. Tara na?" aya nito


Tumango lang ako sa pumunta kami sa isang fastfood chain. Ako yung umorder para kay baby Macy, alam kong gusto niya yung kiddie meal dito eh.


"Sigurado ka bang wala kang gustong kainin?" tanong ko kay Migz habang nilalapag ko yung pagkain ni baby Macy sa table namin.


"Meron, pero susubuan ko pa 'tong si Macy eh. Baka hindi rin ako makakain ng maayos." paliwanag niya.


Ah okay...ang sweet niya.


Pagkatapos kumain ni baby Macy ay nag-aya na'to sa palaruan sa mall. Yung pwedeng iwan yung mga bata dun at may mga securities sa buong paligid. Ayokong pumayag. Pano na lang kung mangyaring masama sa kaniya?



"No Macy. I'll never leave you here. What if there's——"


"I insist." pagtataray niya sakin


"Oh tingnan mo Crizzel, siya na mismo nag-insist. Big girl na si baby Macy!"


Binigyan ko ng masamang tingin si Migz. Alam niya ba yung sinasabi niya? Ilang taon pa lang si baby Macy tapos iiwan na namin dito? Kahit may securities, hindi pa rin 100% safe.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora