CHAPTER 10 : Uniform

7.3K 89 10
                                    

Crizzel's P.O.V

 

Umaga na nung nagising ako. Nakakapagtaka nga kung bakit may bimpo ako sa noo. 


*knock knock*

"Bukas po yan" 


Pumasok yung katulong at may inabot saking uniform. Teka, hindi akin 'to ah. Mukha 'tong bago.


"Hindi po akin yan. Nagkamali po ata kayo ng nadampot na uniform." 


"Nako mam hindi po. Pina-laundry po kasi ni sir yung damit niyo kasi basa kagabi. Pinabibigay niya po, pansamantalang gamitin niyo muna habang pinapatuyo pa yung inyo."


Ok. Sinong sir kaya yung tinutukoy niya? Siguro si Tito. Imposibleng si mokong. Yung ganung halimaw babait sakin? Tsk.


Umalis na rin yung yaya para makapaghanda na rin ako sa pagpasok. Ay hala! May usapan pala kami ng mga kaibigan kong sabay papasok. Pano 'to? Nako naman.


[SCHOOL]


Nakatakip yung mukha ko habang dahan-dahang pumasok sa room. Swerte ko lang kasi hindi pa nagsisimula yung first class.


*pak*

Nagulat ako sa paghampas ni Randel sa desk ko.


"Hindi ka sumipot. Naghintay kaming lahat para sabay-sabay tayong pumasok. Nasaan ka?" masungit na sabi nito


Kinamot ko yung ulo ko at sinagot siya ng pabiro.


"Naisip ko kasi na matanda na tayo. Na may paa na tayo. Kaya na nating pumasok mag-isa." 


"Hindi ka online kagabi. Himala yun. Umamin ka, nasaan ka kagabi?" si faith naman ngayon.


"Nandun ka sa bahay nila Migz noh!" -christoff


O_O


"Hindi! Wala ah!" Iniiwas ko yung tingin sa mga mata nila. Bumuka na sana yung lupa, kainin mo ko!

"Uncomfortable ka na. So totoo nga? Nandun ka sa kanila?" -Jam


"Magkakaibigan tayo, maglilihiman pa ba?" -Avy


Sabi ko nga eh.


"Oo na. Nandun ako. Pero di ko naman alam na dun pala bahay niya eh. Family friend namin yung papa niya, si tito Michael, kaya ganun. Wag niyo na kong pag-isipan ng masama please. Di ko rin kagustuhan." paliwanag ko


"Paki-ulit? Di mo alam na mag-ama yung dalawang yun?" -Randel


"Oo nga. Di ko alam. Clueless. Ano pa bang synonyms nun? Basta di ko alam. Kung maka-react kayo parang kilala niyo tatay niya ah!" pagmamalaki ko. Kakainis kasi.


"Simula dati, yung pamilyang Lim na yung isa mga sponsor ng school na'to kaya alam namin na anak ni Mr. Michael si Migz." -Faith


Dumating na yung sir namin kaya tumigil na kami sa kwentuhan.


Dun ko lang narealize na wala pala talaga kong alam kahit na part ako ng student council. Tumingin ako sa upuan ni Mokong, hanggang ngayon wala pa siya.


"Ms. Gomez, kahit anong titig ang gawin mo diyan, hindi lilitaw si Mr. Lim." sabi ng Sir namin. Inalis ko tuloy yung tingin. Lahat na lang talaga pinapansin ng mga teacher eh. Kung magturo na lang kaya siya diyan at wag na niya ko pansinin. Namamahiya pa! -_-


"Sir, sorry I'm late." sabi nung lalake sa pintuan. Si mokong.


Ngumiti yung sir namin sa kaniya at pinapasok siya ng hindi man lang nagagalit. OKAY. So may discrimination tayo dito? Kapag ako, galit siya. Pero kapag kay mokong, hindi?


Umupo siya sa upuan tapos bigla siyang may sinabi.


"New uniform?" tanong niya sakin


Pano niya nalaman? Epal na 'to


"Hindi. Ito yung kagabi. Natuyo lang." nakatingin ako sa blackboard at kunware di ko siya kausap. Mahirap na. Baka mamaya magalit na naman sakin yung sir namin.


"Okay. Medium ka nga."


Huh? Eh yung size nitong uniform ay nasa loob eh, sa may bandang batok ko. Pano niya nakitang Medium ako? Pwera na lang kung....


Tumingin ako sa bandang gilid ng uniform at may nakasabit pang pricetag!!!! Nandun din yung M na size. Talaga nga naman!!!! Nakakahiya!!!!


"Sa susunod, kung bibigyan man kita ng damit, siguraduhin mong tanggalin mo yung price."


"Sa susunod, kung bibigyan man kita ng damit, siguraduhin mong tanggalin mo yung price."


Nilingon ko siya at,


"Ikaw yung bumili?" tanong ko


Tumango siya. Kahit papano pala, mabait siya. ^_^


Migz' P.O.V


"Ikaw yung bumili?" tanong niya tas nagingiti na sakin.


Biglang lumiwanag yung paligid niya tas parang nakakatanga na ang sarap makagood vibes nung ngiti niya. Naalala ko tuloy yung natutulog niyang mukha kagabi.


Migz gumising ka! Bangungot yang mukha niya!


"Ano ngayon kugn ako bumili? Masama bang tumulong sa hampaslupa?" masungit kong sabi tapos tumingin na sa blackboard. Tae. Di ko maintindihan yung lesson. Ano ulit na subject 'to? Science? Tae.


"Pangit ugali." bulong niya tapos tinapon sa sahig yung pricetag.


Hayaan niyo siya. Babae lang yan na may magandang mukha at ngit——-



MIGZ LIM, TAMA NA.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ