DOCUMENTARY: FINDING BODIES

189 7 1
                                    

( Delos Santos & Rivera )

ANG ISANG NAPAKALAKAS NA HANGIN AT BIGLANG PAGBUHOS NG ULAN SA HARDIN..

Pinatawag ng pulis ang ilang mga residente dito sa kalapit ng mansion ni Donya Amparro, mga limang tao ang kanilang kinuha para magkaisa dito sa operasyon na kanilang isasagagawa sa hardin ng mansion, ni Donya Amparro at mga ilang minuto palang ang nakakalipas sa kanila ang mga kanilang pinatawag ay kaagad naroon na ang limang

mga kataong nakuha nila upang tumulong sa kanilang gagawin na misyon. Ito ay mabilisang kaagad silang tumungo sa hardin ng mansion ni Donya Amparro, sa kanilang paghuhukay ang iyong mapupuna dito , ang lahat makikita mo ay abala sa kanilang ginagawang paraan at may kanya kanyang silang mga ginagawa maski ang pulis na naghikayat sa kanila ay nagkaiisa din sa kanilang paghuhukay dito sa malawak na hardin na ito, upang mabilis nilang matagpuan ang mga labi'ng na nawawala sa mansion naito. Iniisip kasi ng dalawang pulis nang nahalal dito sa hardin ay baka dito sila mismong nilibing ng madreng kumitil sa kanilang buhay.

Maghapon na silang naghuhukay dito ngunit wala parin silang nakikitang buto o bangkay nang narito sa hardin na ito. Pinagtyagaan paring nilang maghanap dito. Lumipas ang ilang pang mga oras napagod na silang lahat ngunit wala parin silang nakikitang mga labi dito o nakukuha. Napagdesisyon na nilang magpahinga at ang mga taong ng kanilang na kinuha para magkaisa dito sa kanilang misyon ay umuwi muna sa kanilang mga tahanan upang kumain nang kanilang tanghalian  lamang at ang dalawa na pulis na nandito ay naisipan na muna nila maghanap ng karinderya na malapit dito sa lugar na ito. Pagkahanap nila ng kainan dito na rin sila kumain ng pansamantala. Pagkatapos nila kumain mabilisan silang bumalik sa mansion at para ipagpatuloy sa paghahanap sa limang labi na pinaslang ng isang madre.  Naroong na ang dalawa ng biglaan na lamang umiihip ang sobrang napakalas na hangin, sa sobrang lakas nito nadala rin sila nito at ang ilan kagamitan nila sa paghuhukay ay nalipad din mismo nito at napadpad ito sa isang pwesto na hindi pa nila nahuhukay. Kukunin na nila sana ito ngunit bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan at ito ay naging dahilan sa kanila para itigil na muna ang paghuhukay dito sa hardin at kanilang hihintayin na muna nila  tumila itong napakalalakas na ulan bago pa sila muling maghukay muli dito.

Kalahating oras ang lumipas ngunit hindi parin tapos ang malakas na ulan. Maya maya pa ang lumipas napansin ng isang pulis ang mismo pinagdalhan ng malakas na hangin ng kanilang kagamitan sa paghuhukay ay mayroon syang naaninag na isang pulang damit na nakita ito'y nakasiksik sa lupa, ito ay kanyang nilapitan at maski pang nababasa ang kanyang damit dito sa malakas na ulan hindi nya ininda ito at sabay nito lumapit din ang kanyang kasamahan. Agad nilang kinuha ang pala at sinimulan muling maghukay dito sa pwestong ito. Simula palang ng paghuhukay dito natagpuan na nila kagad ang isang bungo, nagulat ang dalawang pulis dito at pinagpatuloy nila ang paghuhukay at sunod nilang nakita ang isang binti na lang ng isang kalansay. Dahil dito mabilis silang tumawag sa kanilang himpilan at upang ito ay ibalita sa kanila na natagpuan na nila ang mga buto. Mabilis dumating ang chief inspector dito sa mansion upang tignan ito. Mabilis nakaalis ang dalawa sa hardin upang imbistigahan at tumulong dito. Pagdating sa kanilang punong himpilan agad nila ito dineretso sa laboratory room upang isailalim sa matyagang otopsiya.

(TORRES & PEREZ )

ANG BATANG TUMATAKBO SA HALLWAY

Namangha at nagulantan si Ramon sa kanyang nakita dito sa ikatlong palapag , hindi nya kasi akalain na ganito pala mismo dito na napakaganda, napakaaliwalas at syempre malawak din itong taas, ang mismong hallway nga rito ay napakalawak din at sa gilid nito ang apat na kwarto at sa dulo ng hallway naman matatanaw mo rito ang kwarto nang Donya.  Sa buong misyon kasi Ramon dito sa mansyon ay hindi pa sya nakakapunta dito. 

THE CHILDREN IN THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon