Habang kumakanta siya ay sakin lang siya nakatingin. Hanggang sa matapos ang kanta niya.





"Inlove na inlove sayo no? Walang ibang nakikita e, ikaw lang." Napalingon ako kay Anne ng sabihin niya yun. Nakita ko siyang nakangiting nakamasid kay jema kaya napabaling na rin kay jema ang tingin ko na hanggang ngayon ay nasa harapan pa rin.






"Ang ganda ng boses. Gandang babae. May talent sa pagkanta. Pwede bang malaman kung para kanina yung song na yun?" Nakikita kong natatawa lang si jema. Nginitian lang niya ang mga mc.




"Oo nga partner, ramdam mo ba yung hugot sa pagkanta niya? Damang dama." Sabi ng nasa kaliwa ni jema.




"Kaya nga partner tinatanong ko si jema kung para kanino ba yung song. Kaso parang ayaw sagutin e. Ganito nalang. Kasama mo ba yung pinag aalayan mo ng song na yan?" Nginitian pa rin sila ni jema na natatawa.




"Ay partner, nakita ko sa isang direction lang siya nakatingin kanina. All through out that song dun lang siya nakatingin sa specific na tao. Partner kitang kita ko." sinulyapan ako ni Jema tsaka nginitian.




"Ay partner, nakita mo yun? So para ba sakanya yung song?" Kulit sakanya ng nasa kanan niya habang sinulyapan ako ng tingin bago bumaling ulit kay jema. Tumungo naman si jema at nginitian sila.





"Ay kapederasyon pala natin ituh. Love wins guys. So gano na ba kayo katagal?" Kinabahan ako sa binanggit ng nasa kaliwa ni jema. Napalingon agad ako sa paligid karamihan ay nakila jema pa rin ang tingin. Nagtama ang tingin namin ng pinsan ko. Shit!




"Deanna." Napabaling ang tingin ko kay Anne. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya.




"Anne dapat di niya yun ginawa. Maraming tao." Nag aalalang sabi ko kay Anne.




Narinig ko nalang na nagpalakpakan na ang mga tao. Nakita kong pabalik na sa pwesto namin si Jema.






"Anne tara na." Yaya ko kay Anne bago tumayo. Nagtatakang napatingin naman samin si jema ng makabalik siya. Di pa man nakakaupo si jema ay tumalikod na ko at lumabas na ng ktv.






"Deanna, wait." Napahinto ako sa paglalakad ng hawakan ako ni Jema. Nagtatakang napatingin sakin si Jema.





"Bakit biglaan tayong umalis dun?" Napabaling ako sa kanya at di ko maiwasang ipakita sakanya na may bumabagabag sakin.







"Anong prob--"



"Deanna!" Naputol ang sasabihin ni Jema ng may tumawag sakin sa likuran. Hindi ko na maipaliwanag ang kaba ko ng makita ko si leny.





"Le..ny." Napabitaw ako sa hawak ni Jema ng makita kong dun nakatingin si leny.







"Pwedeng mag usap tayo. Sandali lang." Sabi ni leny ng ibaling niya sakin ang tingin niya. Bumaling naman ako kila anne at jema. Si anne ay nakatingin sakin na may pag aalala habang si jema ay nakita kong nakayuko.



"Wait lang guys." Sabi ko. Tinunguan naman ako ni Anne pero si jema ay nakayuko pa rin. Lumayo kami ng kaunti sakanila.





Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now