14.5

4.3K 111 4
                                    

Deanna's POV

*Still flashback pa rin

Halos si Jema at Anne lang ang nag uusap. Alam kong ramdam na nila ang gagawin ko.





Pauwi na kami. Hinatid kami ni Jema. Sumakay kami sa Tricycle, nasa backride kami ni Jema habang nasa loob si Anne.






"Wa...wag." May panginginig sa boses niya na alam mong anytime ay pwede na siyang umiyak. Sumiksik pa siya lalo sakin at niyakap ako kahit mahirap dahil nasa backride kami.




"Please Deanna, wag." Umiiling na sabi niya. Wala akong binitawan na salita. Sa malayo ako nakatingin sa dinadaanan ng tricycle.





'Hindi ako deserving sakanya.'





Hanggang sa makababa kami ay hawak niya ang kamay ko. Nang naghihintay na kami ng jeep na paSan Pedro ay nagbackhug siya sakin. Ramdam kong ayaw niya kong pakawalan. Sa bawat salitang binitawan niya, at sa bawat kilos na pinapakita niya. Kumakapit pa rin siya sakin.







"Anne!" Lumingon naman si Anne kay Jema.




"Anne, pakisabi dito sa kaibigan mo wag ha. Hindi ko kaya." Nakangiting sabi ni Jema pero ramdam mo yung lungkot sa boses niya.



Naaawang napatingin naman samin si Anne.




"Text mo ko kapag nakauwi ka na ha." Sabi sakin ni Jema. Umiling iling naman ako.




"Wala akong load." Sabi ko. Totoo namang wala akong load at balak ko ng magbago ng sim. Balak ko ng itapon ang sim ko.




"Papaloadan kita." Masayang sabi niya. Pinipilit niyang maging okay yung atmosphere. Nakita na namin yung paSan Pedro kaya lalong humigpit yung yakap sakin ni Jema.




"Alis na kami." Paalam ko. Inalis ko na yung yakap niya sakin. Alam kong ayaw niya pa kong bitawan pero sumuko din siya nung hinawakan ko na ang kamay niya para tanggalin.




"Wag mo na kong paloadan." Sabi ko sabay sakay sa jeep. Nakita ko siyang umiling.






Umandar na ang Jeep. Hanggang sa hindi ko na siya natanaw. Kinuha ko na ang cellphone ko. Nakita kong pinaloadan niya ko.




"Deanna." Napatingin ako kay Anne. Umiiling siya sakin.





'Kailangan na. Tama na.'





"Sorry." Umiiling na sabi ko habang umiiyak na sabay sent ng message kay Jema. Alam kong nasa jeep kami at pwede kaming pagtinginan ng mga tao dito pero hindi ko mapigilan umiyak. Pagtapos ko magsent ay tinanggal ko na ang sim ko.





'Break na tayo. Sorry.' Message ko kay Jema. Wala ako masabi sakanya. Nablablangko ako.





Pag uwi namin ay gabi na. 7:35pm na. Sinamahan muna ako ni Anne hanggang sa mahimasmasan ako.




"Kaya mo ng umuwi?" Tiningnan ko siya ng naiiyak pa rin.




"Bwisit ka! Kasalanan mo yan!" Naiinis na sabi ni Anne sakin.






Nang makauwi ako ay pinakita kong okay ako. Hindi nila dapat malaman na nasasaktan ako, hindi nila matatanggap.





Pagpasok ko sa kwarto ko ay iyak ako ng iyak. Hanggang sa magmadaling araw. Hindi ko natiis at sinaksak ko ulit ang simcard ko sa phone ko.





'Deanna.'
'Hindi ako papayag.'
'Deanna hindi kita matawagan.'
'bb ko.'
'bb usap tayo, wag naman ganito.'
'bb mahal na mahal kita.'
'b, please.'
'love, hindi ako makatulog.'
'Deanna, itext mo ko kapag nabasa mo to ha. Maghihintay ako.'
'B, ang sakit sakit na ng mga mata ko magparamdam ka na.'





Mga mensahe agad ni Jema ang mga pumasok sa phone ko. Pero yung mensahe ni Anne ang nakapagpadurog sakin.



'Deanna! Gago ka! Umiiyak na tumawag sakin si Jema wala akong magawa! Iyak ng iyak sakin wag mo daw siyang iiwan! Gago ka! Nagmamakaawa siyang kausapin kita! Alam mo namang nararamdaman ko si Jema dahil iniwan din ako noon! Nakakainis ka!' Dun na ko halos hindi makahinga. Hindi ko kaya. Hindi ko pala kaya.




"Sorry." Paulit ulit na bulong ko habang umiiyak.




1:36am nagring ang phone ko.


"Bb" basa ko sa caller ID. Napahagulgol ako.





"B" Sabi ko pagsagot sa phone ko. Narinig ko na umiiyak siya.



"Sorry." Umiiyak na sabi ko. Nasasaktan ako sa naririnig ko. Umiiyak pa rin siya.



"B....b, wa..wag mo ko....ng iwan." Halata ang pagod sa mga binitawan niyang salita.




"Ichishisan." Sagot ko sakanya. Hindi ko pala kayang bitawan siya. Narinig ko yung malalim na buntong hininga niya.




"I love you too." Naramdaman kong kumalma na siya.




"Tulog na tayo. Goodnight b, sorry again. Singkit ka na naman siguro dahil sa pag iyak mo." Biro ko sakanya para pagaanin ang atmosphere.



"Kasalanan mo!" Narinig ko siya tumawa.


"Goodnight bb ko. I love youuuuu. Kapit lang!" Dagdag niya bago inend ang call.

*end of flashback







"Sinubukan namin magwork yung relationship namin, tinuloy pa rin namin kahit natatakot ako. Dumating sa puntong tuwing nagdadate kami pinapalayo ko na siya sakin, nagkakaroon na ng space literally saming dalawa kapag magkasama kami. Wala ng holding hands while walking kasi natatakot ako na baka may makakita at malagyan ng issue. Mas nagfocus ako sa sasabihin ng ibang tao kesa sa nararamdaman ko, sa nararamdaman niya. Mas nabibigyan ko ng pansin yung sasabihin ng ibang tao kaya hindi ko namalayan na nababaliwala ko na pala siya." Pinipigilan kong maluha. Bakit ganon? Matagal ng tapos pero may kirot pa rin.




Siguro nga tuwing susubukan natin galawin ang sugat na magaling na ay may kirot pa rin tayong mararamdaman.







"Kinain ako ng takot ko nun. Hanggang sa, hanggang sa sumuko na siya." Napapikit ako ng maalala ko yun. Kasabay ng pagdilat ko ang luha na pumatak sakin.





"Iniwan niya ko dahil napagod na siya sa naging set up namin. Hindi ko siya masisisi, masakit pero tiniis ko. Hindi na siya masaya sakin. Hindi ko na siya napapasaya kaya ginusto na niyang kumawala. Mahal na mahal ko siya nun kaya binitawan ko siya. Ayokong ipilit yung sarili ko sakanya dahil alam kong pagod na pagod na siya. Pagod na siyang mahalin ako. Pagod na siyang unawain ako. Na pagod na siya." Hinayaan kong dumaloy ang mga luha sa mata ko. Akala ko hindi ko na siya iiyakan ulit kapag naalala ko to pero nagkamali ako.









Hanggang ngayon pala masakit pa rin. Masakit maramdaman na napagod yung taong mahal ko at wala na siyang ibang choice kundi isuko ako para masave niya ang sarili niya sa kalungkutan na ako mismo ang may gawa.






"Bakit hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin?" Napangiti nalang ako sa tanong ni Anne. Bakit nga ba?

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now