27

4.2K 112 19
                                    

Jema's POV

Kasalukuyan akong nakatayo dito sa kusina habang nakatanaw sa sala. 8pm na at kanina pa nakauwi karamihan ng pumunta dito. Malalapit na kaibigan ko nalang ang nandito. Sila Cassy, Mark, at Anne nalang.




"Huy Jema!" Nakita kong papunta sa direction ko si Mark.



"Kanina ka pa dito. Wala ka na bang balak labasin kami dun." Sabi niya sabay kuha ng juice na ilalabas ko sana sakanila dahil naubos na nila.




"Nakakapagod. Naghalf day nga ko sa work pero mas napagod ako dito sa kakaprepared." Nakangiting sabi ko sakanya habang nakangiti na nakatanaw sa balloons na dala nila kanina. Pagdating nila ay may cake at balloons silang dala kaya natuwa ako kanina para akong bata na nagbibirthday.



"Maya maya ay aalis na rin kami para makapagpahinga ka. May work pa bukas e." Sabi niya habang pabalik kami sa sala kung nasan sila Cassy at Anne na masayang nagkwekwentuhan. Ngayon ko lang sila napakilala sa isa't isa pero mukhang click agad sila.





"Jema." Napabaling ang tingin ko kay Anne ng makaupo ako sa tabi niya. Nasa harapan namin sila Mark at Cassy na magkatabi.





"Uuna na ko. Nasa labas na si Dave." Bumaling naman ako sa labas ng sabihin niya yun at nakita kong nandun na nga ang boyfriend niya.



"Pakainin mo muna kaya boyfriend mo bago kayo umuwi?" Ngumiti naman siya at umiling iling.




"Salamat nalang. Next time nalang siguro kapag napunta ulit kami dito. Masyado na kasing gabi ngayon baka lalo pa kaming gabihin." Tumayo na ko kaya sumunod naman si Anne. Nagpaalam na din sila kila Cassy at Mark tsaka sa parents ko. Hinatid ko siya sa gate namin kung nasan si Dave.




"Paano? Happy birthday ulit ha. Anong gusto mong gawin natin kay Deanna? May batok sakin yun kapag nakita ko yun." Seryosong sabi niya habang nag act pa ng babatukan si Deanna. Napangiti naman ako at umiling sakanya.




"Nukaba! Okay lang. Baka may importante siyang inaasikaso kaya hindi nakapunta. Salamat sa pagpunta ha. Mag iingat kayo." Umay pa rin ang makikita mo sa mukha ni Anne. Pero bago umalis ay ngumiti muna siya habang kumakaway sakin.





Wala naman akong magagawa kung hindi ako priority ni Deanna.


Pagbalik ko sa loob ng bahay ay nagpaalam na rin sila Cassy at Mark kaya ngayon ay nagliligpit na ko ng kalat dahil natulog na sila Mama at Papa dahil late na rin malapit ng mag 9pm.




Pagkatapos ko magligpit ay nag ayos na ko ng katawan ko para sa pagtulog. Kasalukuyan akong nagpapahinga dito sa sofa bago pumasok sa kwarto ko. Nakasandal ako habang nakapikit.








Isang nakakapagod na araw to para sakin.

Napamulat ako ng mata ng may marinig akong nagdodoorbell. Gabing gabi na ha. Pagsilip ko ay may tao sa labas na mukhang nakajacket. Mag isa lang to.






Kahit pagod ay tumayo ako at nagtungo sa pintuan para tignan kung sino ang nagdodoorbell.




"Oh." Gulat na sabi ko sa taong nakita kong nasa harapan ko ngayon.

"Gabing gabi na bakit napapunta ka dito?" Sabi ko agad ng makarecover ako sa pagkagulat.




"Sorry kung naistorbo pa kita. Gusto sana kitang personal na batiin." Sabi niya ng nahihiya dahil yumuyuko yuko siya habang napapahawak sa batok niya.




"Tara muna sa loob. Pasok ka." Sinaraduhan ko na ang gate pagpasok niya. Sumunod siya sakin hanggang sala. Umupo na kami magkatabi.



"Bakit pumunta ka pa dito? Pwede mo naman akong imessage nalang. Delikado na magcommute Deanna." Sermon ko sakanya. Napayuko naman siya habang nilalaro laro ang mga daliri niya.



"Happy Birthday." Mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig ko. Napaangat ang tingin niya sakin habang nahihiyang ngumiti sakin. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng walang pagdadalawang isip.



"Salamat. Sobrang napasaya mo ko ngayon sa presence mo. Pero sa uulitin wag ka ng magcommute ng ganitong kalate." Naramdaman ko namang humigpit ang yakap niya sakin.




"Sorry na po. Nagpaalam ako kila Mama na pupunta dito kasi nga birthday mo hinatid ako ni Papa dito gamit ang motor sabi ko dito ako matutulog. Makikitulog ako Jema." Natawa ako sa sinabi niya kasi rinig na rinig ko yung paawang boses niya. Kumalas nama ako sa yakap namin. At tinitigan siya.





"Sa tingin mo ba papauwiin pa kita? Malamang dito na talaga kita papatulugin. Tara na sa kwarto at nakapanjama ka na." sumunod naman siya sakin ng tumayo na ko at dumaretso na ng kwarto.




Agad naman siyang humiga sa kama ko. Dating gawi nung kami pa. Napangiti naman ako ng maalala ko yun. Madalas kami dito sa bahay at pinakamadalas kami dito sa kwarto ko at natutulog lang kami.



Sumunod naman ako na humiga. Kinuha ko ang braso niya at ginawa kong unan at yumakap ako sakanya.  Naramdaman ko namang hinalikan niya ang ulo ko at niyakap na rin ako.
















"Jema"

"Jema"

"Anak gising!" Napamulat ako ng maramdaman kong tinatapik ako sa braso at may tumatawag sakin. Nakita ko namang nasa harapan ko si Mama.



"Ma." Napalingon ako sa paligid ko.


"Wag ka dyan matulog sa sofa. Pumunta ka na ng kwarto mo at dun magpahinga. Ako na maglalock ng pintuan at magpapatay ng ilaw dito." Panaginip lang yun? Tumayo na ko at pumunta na ng kwarto ko. Natatawang napailing naman ako sa napanaginipan ko. Si Deanna pupuntahan ako dito ng gabing gabi?


Hindi naman ako ganon kahalaga sakanya para pag aksayahan niya ng effort.



Hindi na siya yung Deanna na ako ang priority.

Hindi na siya yung Deanna na laging bumabati sakin tuwing birthday ko.

Hindi na siya yung Deannang maeffort mapasaya ka lang.


Hindi na siya yung Deannang minahal ko.



- - -
A/N: Sorry ang lulungkot ng mga update ko. Nahihirapan akong ilagay yung prologue netong story. Hindi ko alam pano ko ilalagay sa flow. 😐 Mukhang matatagalan pa yun 🤔

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now