21

4.5K 121 5
                                    

Jema's POV
"Jema kaya pa?" Napatawa nalang ako ng tanungin ako ni Cassy.


"Nakakadalawang inom palang ako. OA ha. Okay pa ko. Matino pa." Umiinom ako ngayon ng vodka. Nandito kami sa bahay ni Cassy kasama ko si Mark. Pagkatapos ng pagsasama namin kanina ni Deanna nakaramdam ako ng kagustuhang uminom.




"Hindi naman yan yung tinatanong ko e." Umiiling na sabi ni Cassy habang si Mark ay nakatingin lang samin. Ako lang ang umiinom dito dahil ayaw nila dahil may work pa daw bukas.





Napatingin ako sakanya. Malungkot na ngumiti ako sakanya.



"Dalawang araw palang kami nagkakasama. Pero bakit parang hindi ko na kaya? Yung malaman na may iba ng nagpapasaya sakanya. Na dapat expected ko na, na ganito talaga kasakit. Dapat handa na ko e. Bakit masakit pa rin?" Umiiyak na ko na nakatingin sa vodka na nasa baso ko.





"Gusto mo na bang itigil?" Umiiling ako sakanya.


"Okay na e. Magkaibigan na ulit kami. Nakakasama ko na ulit siya. Okay na e. Pero kapag tungkol na sakanila ni Samuel yung topic parang gusto ko ng tumakbo palayo sakanya."





"Jema. Sure ka bang itutuloy mo pa?" Tiningnan ko si Cassy. Nararamdaman ko namang nagwoworry siya pero kasi. Ayokong bitawan si Deanna. Kahit kaibigan nalang willing kong tanggapin yun. Kahit yun nalang.





"Alam mo ba kanina pinag usapan namin ay tungkol sa family. Gusto daw niya ng buong pamilya. Yung pamilya na walang komplikasyon yung tahimik na pamilya. Cassy. Ca..ssy na..iin..ti...han ko na..man." Pinunasan ko muna ang mga luha ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magpatuloy.



"Cassy naiintidihan ko naman siya e. Ayaw niya ng pamilya na mahuhusgahan. Ayaw niya na iba ang tingin sa pamilya niya. Cassy kasi kapag ako yung pinili niya hindi ko maibibigay yung pamilya na gusto niya. Hindi ko kaya. Cassy hindi ko kaya." Tahimik na nakikinig lang sila Cassy at mark sa tabi ko.




"Tinanong niya ko kanina. Kung anong pamilya daw yung gusto ko. Simple lang naman e. Yung pamilya na kasama siya. Gusto kong maging parte siya ng pamilya na bubuuin ko pero nawasak lahat ng yun kanina kasi yung pamilya na gusto niya hindi ko kayang ibigay kasi ang gusto niya walang complication, alam naman natin na kapag pumatol ka sa kapwa mong babae ay complicated na yun what if pa kung magpakasal at bumuo ka ng pamilya di ba? Si samuel yung kayang magbigay ng pangarap niyang pamilya."









- - -

"Gising ka na pala." Napatingin ako sa nakasilip sa pintuan.


"Mag ayos ka na mukhang may hang over ka pa. Naghahanda na si Mark ng almusal natin. Labas ka na dyan ha." Hindi na hinintay ni Cassy ang sagot ko at sinaraduhan na agad ang pintuan at umalis. Nablablangko ako. Umagang umaga nagkakasundo ang katawan at isip ko na tumulala lang ni hindi ko maramdaman ang hang over ko kung meron man.





Tumayo na ko at nag ayos muna bago pumunta sa dining table. Naabutan ko sila Mark at Cassy na kumakain na. Naupo ako sa tabi ni Cassy. Nasa harap ni Cassy si Mark.






"Akala namin wala ka ng balak lumabas ng kwarto. Ang tagal mo kaya nauna na kaming kumain." Nakabaling na tingin sakin ni Cassy.


Bumungong hininga muna ako bago magsalita.

"Salamat." Nakangiting baling ko sakanila.



"Walang kabuhay buhay ha. Umagang umaga ang panget ng simula mo." Tiningnan ko lang si Mark ng walang kagana gana na parang walang kakwenta kwenta ang sinabi niya.



"Cheer up Jema! Hindi pa naman kasal si Deanna para maging ganyan ka. Tsaka na kapag kasal na kay Samuel." Biro ni Mark sakin. Sinaway naman siya ni Cassy. Mas lalo atang bumigay ang nararamdaman ko.


"Sabay ka na ba samin alis?" tanong ni Cassy Pagkatapos niyang kumain. Tumungo lang ako at bumalik sa kwarto ni Cassy para kunin ang mga gamit ko.



"Isang tinapay lang kinain mo. Kumain ka pag uwi mo sainyo ha." Puna sakin ni Mark bago ligpitin ang mga pinagkainan namin.










Pag uwi ko sa bahay ay wala na sila Mama siguro nasa opisina na sila ni Papa. Mag isa na naman ako. Dumaretso na ko sa kwarto ko at natulog ulit.






Nagising ako sa ringtone ng phone ko. Agad ko naman kinuha at umupo sa kama ko.

"Deanna" basa ko sa caller ID


"Hello Deanna." Masiglang bati ko sakanya. Kahit wala ako sa mood ayokong maramdaman niya yun.

"Jema." Napangiti ako ng pagtawag niya sa pangalan ko. Simpleng bagay pero yung epekto sakin sobrang kasayahan. Iba talaga kapag mahal mo.



"Bakit ka napatawag?" Tumayo na ko sa kama ko.

"Free ka ba?" Parang alam ko na kung san patungo to. Ayaw nalang direct to the point na magtanong e.


"Yup. Hindi ako nakapasok ngayon kaya free ako. Bakit?" Tanong ko palabas ng kwarto ko.

"Hala baka busy ka. Hindi ka naman basta umaabsent sa work mo baka may importante kang ginagawa. Nakakaistorbo ba ko? Sorry." Natawa naman ako sa sinabi niya at alam kong narinig niya yun. Para kasi siyang may ginawang masama at guilty siya sa way ng pagsasalita niya. Napailing nalang ako kahit hindi niya ko nakikita.



"Relax Kid. I swear free ako. Bakit ba? Nasan ka ba ngayon?" Tanong ko pagkapunta ko sa dining table namin.




"Yayayain sana kita na samahan ako dito sa Sm sta.rosa. Gusto ko sanang kumain kaso ayokong mag isa." Napangiti naman ako sa sinabi niya.




"Tamang tama gutom na ko. Wait mo ko sa food court mag aayos lang ako. Sasamahan kitang kumain. Hintayin mo ko ha." Sabi ko sakanya habang pabalik ako ng kwarto ko.




"Sige take your time. See you Jema!" Pinatay na niya ang call. 11:32am na pala. Mabilisang ligo at pag aayos nalang to. Nakakaramdam na din ako ng gutom e.






Mabilis ang naging kilos ko kaya ngayon papunta na ko sa food court. 12:23pm na. Siguradong gutom na yun. Nangmakarating ako sa food court ay hinanap ko agad kung nasan siya.



Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko.


"Tingin ka sa likod mo." basa ko sa message. Agad naman akong tumalikod.



"Hi." Natatawang bati niya.


"Sana kinulbit o tinawag mo nalang ako nagtext ka pa." Nakangiting bungad ko sakanya. Yung ngiti ko kusang nagfoform kapag nakikita ko siya.

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now