Kapitulo. Siete

56.8K 3.1K 620
                                    

Mang-aagaw ng dekada

Sihurano's

"There! Mukha ka ng Princess!"

Ada giggled as she comb my hair. Nakaupo ako sa hospital bed, siya ay nakakandong sa akin. She fixed my hair and she kept on talking to me. Hindi naman ako makasalita dahil nahihiya ako kay Ada. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Plus, I am feeling so overwhelmed right now. Ang ganda – ganda ni Ada. Nagdadalaga na siya.


"Bakit ka sad, Tita?" Ngumuso pa siya.

"I'm not sad." May bumikig sa lalamunan ko. She pouted.

"You missed six of my birthdays, Tita. I always ask, Mama if you're coming every time I have a party, she told me you're always busy. Ano bang work mo? Sabi ni Mama marami ka raw palagi ginagawa. Tapos nagtampo ako kay Daddy kasi noong dinalaw mo ako dati, pinaalis ka niya. Nag-away po ba kayo ni Daddy? Diba kasi sabi mo sa akin noong nasa Portland tayo, ayaw mo kay Daddy kasi kamukha niya si Mr. Scrooge?"

"You remember..." Inayos ko ang buhok ni Ada. Inipit ko iyon sa gilid ng kanyang tainga.

"Opo. Tita, saan ikaw nag-work? Bakit matagal mo akong di pinuntahan?" She was asking me this, ibig yatang sabihin nito, hindi alam ni Adaline ang pagkakakulong ko. I smiled at her again.


"I just had to take care of some things."

"Okay. Lagi mo na ba akong pupuntahan ngayong wala ka nang work? Sabi ni Mama dito na raw po ako mag-aaral ng Grade 7. Ayaw na niya sa Portland. Saka malaki na si Baby dog, Tita. Grade 1 na siya pagpasok – sila ni Xhante. Ako po, Grade 7 na. Nakapasa po ako sa entrance exam doon po sa Science class ng Ateneo. Ikaw, Tita, saan ka nag-aral noong high school?"

I am happy, seeing Ada here. Parang hindi ito totoo. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Mariake, pero para sa akin ay napakalaking bagay nang pinayagan niyang bumalik si Ada rito sa ospital. Hindi niya kasama si Mary, ang kasama ni Ada ay ang yaya niya tapos may apat na bodyguards pa. Si Spica naman ay nagpaalam lang na kukuha ng gamit sa bahay nila, at susunduin ang anak niya tapos sa bahay raw muna namin siya ni Jufran titira. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi naman yata kasi pwedeng mag-stay si Spica sa bahay ng mga Birada. Wala rin ako sa lugar para mag-decide, hindi naman kasi ako ang may – ari ng bahay.

"Tita, you spaced out. Are you okay? Do you want me to call Tito Jufran or the doctor?"

"No. I'm good."

Ada pouted again. Parang hindi naman siya naniniwala na good ako. Actually, hindi ko pa rin alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko, masaya akong nandito si Ada, na hindi siya natatakot sa akin.

Ang isang bagay sa isipan ko ngayon ay si Jufran at ang pamilya niya. Hindi ko pa sila nakikita, o nakakausap – hindi ko rin alam kung anong paliwanag ang gagawin ko kay Mamang. Tiyak nag alit sa akin iyon. Dinungisan ko ang bahay nila. Hindi ko talaga mapaniwalaang dumating ako sa puntong gusto kong mawala nang tuluyan. Maybe they were right, I don't deserve to be happy.

"Tita, may flower po oh." Inginuso ni Ada ang pinto. Nakita ko ang sinasabi niyang flower. Bahagyang nakabukas ang pinto ng silid ko tapos may isang pirasong calachuchi ang naroon. Napakunot ang noo ko pero alam ko namang si Jufran ang may dala noon. Palagi niya akong binibigyan ng ganoong bulaklak noong nagliligawan pa lang kami. Ayokong tanggapin noon kasi akala ko pampatay iyon, I learned to love and understand the meaning of calachuchi.

The door opened. Pumasok ang asawa kong may dalang gitara. Si Pedro ang may hawak ng bulaklak.

Pepe grinned at me. Jufran started strumming his guitar. I tried to look as poker faced as I could. Ada took the flowers from Pepe and put one on my ear.

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon