12 : Paracetamol

102K 2.2K 82
                                    


Paracetamol - known as acetaminophen and APAP, is a medication used to treat pain and fever. It is typically used for mild to moderate pain relief. There is mixed evidence for its use to relieve fever in children. It is often sold in combination with other medications, such as in many cold medications.

-----

This chapter is dedicated to @Zexx-Zexx. Kaway kaway sa 'yo

Grasha

Umaga na magising ako katabi ang lalaking sobra pa sa sobra ang taglay na kaguwapuhan. Kahit kagagaling lang niya sa sakit ay sobrang guwapo parin niyang tignan. Halos hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi dahil ang hirap pababahin ang lagnat niya.

I quietly got up from bed and went directly to the bathroom to fix myself before going down and cook breakfast. Maaga pa kaya naman ay ako lang ang gising. It's still five in the morning but I need to cook early for my siblings who's going to school. Simula kase nong pumanaw na ang aming mga magulang ay ako na ang tumayong magulang ng mga kapatid ko. Kasama ko si Manang Connie.

Mahirap pero kailangan kong kayanin.

Nagsaing ako ng bigas at nagluto ng ulam pang umagahan. Simpleng tortang talong lang ang tanging niluto ko para sa lahat na may kasamang hotdog. Naghanda na rin ako ng kape. Tiyak na magkakape ang mga kapatid ko. Si Manang Connie naman ay ang siyang nag-aayos ng mga gamit at naglilinis sa labas.

Alas sais na ng umaga ng magsimulang gumising ang mga kapatid ko.

Hannah, yung kapatid kong may anak na ay nagising na rin at karga karga ang aking pamangkin.

" Ate, pakuha nga muna ako kay Tobby" Untag ng aking kapatid. Sa murang edad ay nagkaanak na ang aking kapatid. But I can't blame her, I still believe that everything happens for a reason. Kapag pumupunta ng eskwelahan si Hannah ay Manang Connie muna ang nagbabantay kay Tobby.

Abala ako sa pag-aayos ng mesa habang karga karga ko si Tobby ng mapansin kong naglalakad na pala papunta sa gawi ko si Kiefer na kagigising lang.

" Goodmorning, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya. He seems to be mesmerized with what he is seeing right now. Umiiyak kase si Tobby kaya kailangan ko siyang ihele para tumahan na.

" Gutom na ba ang Tobby namin" Wika ko kay Tobby na karga ko. Umupo lamang si Kiefer sa upuan malapit sa kanya at tinignan ako.

" Gusto mo ng kape" Buti na lang at hindi ako nautal sa pagkasabi kong iyon sa kanya.

Ngunit tinignan niya lang ako.

" Salamat" He blurted out out of nowhere.

" Salamat saan?" I asked

" Salamat sa pag-aalaga sa akin kagabi" Batid ko ang sinseridad sa boses niya.

" Ikaw kase, lasing ka na nga, basa ka pa. Sa susunod huwag mo ng gawin iyun ah" I told him. Nilapag ko naman yung kape na tinimpla ko para sa kanya bago pa isa isang nagsidatingan ang mga kapatid ko at umupo na sa mesa.

" Goodmorning po kuya!" Bati sa kanya ni Lyndon, ang bunso naming kapatid.

" Goodmorning din" Balik wika ni Kiefer na nakangiti. Isa isang bumati ang aking mga kapatid kay Kiefer na nakaupo na rin at nakatingin lang sa akin.

" Ate yung pang video project pala namin ah" Wika sa akin ni Stephanie at nagsimula ng magsandok ng pagkain niya.

" Ako rin ate, yung contribution namin sa teacher's day" Si Lyndon naman ang nagsalita.

Favorite Affair (Completed) [R-18]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz