Prologue

263K 2.7K 86
                                    


Grasha

" Salamat sa paghatid, Kiefer. Magpahinga ka na rin at alam kong pagod ka sa biyahe" Tipid kong ngiti sa kanya. Papasok na sana ako sa aking apartment ng pigilan niya ako.

" Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Pagod na akong magmaneho. Hindi ko na kayang umuwi pa." It's almost ten in the evening. Alam ko namang nagpapalusot lang siya.

" Hindi puwede. Babae ako, lalaki ka. Gusto kong respetuhin mo na hindi ako nagpapapapasok ng lalaki" Lalo na't alam kong nanliligaw siya.

Tipid siyang tumango bago nagsalita.

" Kung ganon ay dito nalang ako sa labas matutulog. Kaya ko namang matulog dito" Tipid siyang ngumiti na siyang ikinabigla ko. Hindi siya pwedeng matulog sa labas. Hindi naman siya sanay. Sa malambot na kama ang nakasanayan niya.

" Mr. Monteverde, umuwi ka na nga kase." Pero ayaw niya talaga.

Naiinis na ako.

" Kung ayaw mo edi huwag. Giginawin ka diyan. Maraming lamok. Hindi kita bibigyan ng kumot kung iyan ang iniisip mo" Wika ko sa kanya.

" Okay lang Babe. Mahal parin kita kahit masungit ka. Parte iyan ng minahal ko sa 'yo." Saad sa akin ni Kiefer na maslalo kong ikinainis.

Naiinis kong isinara ang pintuan at iniwan siya sa labas.

" Uuwi din iyan, Grasha" Untag ko sa aking sarili. Ngunit kalakip ng mga salitang binitawan ko sa kanya kanina ay ang katotohanang nagaalala ako sa kanya. Paano kung lamigin siya. Paano kung makagat nga siya ng mga lamok. Hindi pa man din iyun sanay.

Hindi ko na din natiis at marahan kong binuksan ang pintuan upang sumilip sa labas. I saw him sitting against the wall. Ang lalim ng iniisip niya habang nakatingin sa taas.

Marahan kong isinara ang pintuan. Hindi ko alam ngunit sunod sunod na ang pagpatak ng aking mga luha. Nagkakarerahang lumabas sa aking mga mata ang mga butil ng luhang hindi ko lubos mapigilan.

" Pasensha na at hindi kita kayang mahalin ngayon, Kiefer" Bulong ko sa hangin.

Siguro kapag sa susunod na buhay namin, kapag masmaayos na ang estado ng pamilya ko ay magawa kong ibaling sa kanya ang aking attensyon.

Bumalik na ako sa aking kama at humiga na tanging siya lang ang nasa isipan.

" Kailan ka ba susuko, Kiefer. Wala kang mapapala sa babaeng katulad ko" I whispered before I closed my eyes.

Kinabukasan, nang makalabas ako sa apartment ay nakita ko siyang nakaluhod. Nagulat ako ngunit halos mamatay ang puso sa nakikita ko. Isang mayaman at mataas ang pride na lalaki ang nakaluhod sa harap ko. His face was covered with tears.

" Magpapigil ka naman oh. Huwag ka nalang umalis. Pangako ko, hindi kita iiwan. Sasamahan kitang tuparin ang mga pangarap mo. Itataguyod ko ang pamilya mo. Bibigyan ko sila ng magandang buhay. Huwag mo lang akong iwan. Nagmamakaawa ako" He muttered. Kailanman ay hindi ko nakitaan ng ganitong pagpapakumbaba si Kiefer. Sanay siya sa karangyaan ng buhay. Sanay siyang nabibigay lahat ng gusto niya.

" Aalis na ako, Kiefer. Mahuhuli na ako sa flight ko kung pipigilan mo pa ako" Hawak ko na yung travelling bag ko kasama na ang shoulder bag ko.

" Kung iiwan mo ako, babalikan mo pa ba ako?" It was a question I don't intend to answer. Pagak siyang tumawa.

" Fucking give me an assurance that you would come back for me, Babe. Putangina sana iyun manlang magawa mong gawin para sa akin" His voice roared with so much emotion.

Ibinaba ko muna yung bag na hawak ko at lumuhod aa harapan niya. I cupped his face.

This handsome man is crying infront of me. Ngunit bakit ganon? Napakaguwapo niya parin.

" No, Kiefer. I won't give you an assurance. Please be happy. Find a woman who wouldn't treat you the way I did. Yung babaeng hindi mga luha ang dulot sa 'yo kundi kasiyahan. Hayaan mo na ako, Kiefer. Aalis na ako at hindi ko alam kung kailan ako babalik" I told him.

Ako ma'y hindi ko din alam ang puwedeng mangyari sa aking buhay. Ngunit ipinangako ko sa aking mga magulang na pagbubutihin ko ang pag-aaral. At aayusin ko ang aking buhay para maitaguyod sila sa hirap

" Ayokong gawin kang hingian ng pera para pantustos sa pamilya ko, Kiefer. Dahil hindi ako ganun. Gusto ko pinaghihirapan ko ang bawat salaping ibinibigay ko sa aking pamilya" Ayokong umiyak at hindi ako iiyak.

Mahal kita, Mr. Monteverde.

Pero hanggang dito nalang tayo.

" Magpakabait ka. Mag-aral ka ng mabuti. Ayusin mo ang buhay mo. Tulungan mo ang pamilya mo. Manligaw ka ng babaeng sa tingin mo ay kaya kang ipaglaban." Hindi yung kagaya kong sinasaktan ka lang. Gusto kong idugtong na sabihin sa kanya.

" Mag-iingat ka palagi. Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Kumain ka sa tamang oras." I looked at his eyes. Tanging ang isinisigaw nito ay pagmamahal na hindi ko masukat.

" Goodbye, Jaguar" I closed my eyes to let the tears I cannot suppress anymore from flowing from my eyes.

" Don't miss me because I won't. Don't cry for me because I won't do the same for you" Masakit mang sabihin iyon sa kanya pero kailangan kong gawin. Masgugustuhin ko pang magalit nalang siya sa akin kaysa sa sobra niyang damhin ang sakit ng pag-iwan ko sa kanya.

Iniwan ko siyang umiiyak. Iniwan ko siyang nagmamakaawa. Iniwan ko siya dahil sa kagustuhan kong makapagtapos.

Inabot ko na sa attendant yung plane ticket ko. Ngayon magisa na akong pupunta sa ibang bansa.

Alam kong kasabay ng pag-alis ko ang paglimot ko sa kauna unahang lalaking nagpatibok ng aking puso.

~📖~

This has been written with some explicit scenes, written nudity and vulgar words inorder to justify the roles of the characters. This is for mature readers, I guarantee you that some chapters contain amatory scenes. You know what I'm pertaining to, nevertheless I've warned you.

For whatever reasons, please be guided that the things written will stay only in your imagination. Never attempt to try on doing such when you know it's not yet appropriate.

This story hasn't been based on real life scenarios. Any names, characters, places and incidents here are just products of the author's imagination. Any resemblance to actual events or locales, persons living or dead is entirely coincidental.

In addition, I don't own any images supporting the story. Credits to the owner.

Favorite Affair (Completed) [R-18]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن