This is a work of fiction and I have no intention of harming anyone, so please excuse any incorrect grammar, typographical errors, or scenes that could disturb you.
•••
Sa paglipas ng panahon iba't ibang species ng Vampire ang nangalat sa buong mundo.
Ang ilan sa kanila ay namumuhay kabilang sa mga ordinaryong tao, bampirang tinitingala ng mga tao, Kabilang sa politika, artista o modelo at may iba ring nagtatago malayo sa atensyon ng tao.
Maaari bang mabuhay ang bampira na hindi umiinom ng dugo? Masinagan ng araw?
Sa ngayon ay may iilang nakahanap ng panandaliang solusyon sa pamamagitan ng iba't- ibang uri sa paghigop ng enerhiya mula sa tao.
Ito ang tinatawag na bagong yugto ng mga bampira.
•••
༆MALCOLM EMPIRE༆
"Sa pagtatapos ng laban sa pagitan ng Black Empire at Bathorsire Empire tanging Malcolm ang natirang kaharian. Mula ngayon ay sinasarado ko ang kahariang ito at pinuputol lahat ng kaugnayan sa iba pang bampira."
Lahat ng bampira ay may kaniya kaniyang reaksiyon. Kahit kailan ay hindi na makikialam pa ang Malcolm. Sa tagal ng panahon na naging neutral ito sa pagitan ng mga ibang empire o clan ay nakakagulat na mag anunsyo ito ng pagsasara. Ang Collins naman ay naglaho na rin pati na ang iba pang maliliit na clan. May ibang bampira ang natuwa dahil malaya na sila. May ibang nalungkot dahil sa kinahinatnan ng labanan sa pagitan ng dalawang kaharian. Wala na mamumuno sa mga ito kung kaya malaya na ang lahat.
Wala na nga bang natira?
Iilan 'yan sa nasa isip ng mga bampirang nasa labas ng Malcolm Empire. May iilang bampira ang siyang umaasang muling magbubukas ang Malcolm at itatayo muli ang Black at Bathorsire Empire ngunit paano mangyayari iyon kung wala ng natira?
Maisasakatuparan kaya ito kung magkakawatak-watak ang kanilang lahi? Kung walang pinuno ang magpapatupad ng batas? O ito na ang katapusan ng lahi ng mga bampira?
•••
Isang lalaki ang buhat-buhat na sanggol habang nakangiti. Sinalubong siya ng kanyang asawa na may pagtatakang naka-rehistro sa mukha nito.
"Sandra, siya na ang magiging anak natin." Pagkasabi nito ay sinilip ng babae ang sanggol na dala ng kaniyang asawa.
"Hebrew nababaliw ka na ba? Patay na ang anak natin! Namatay siya sa giyera." Umiling-iling ang babae na nagngangalang Sandra. Hindi siya makapaniwala sa winika ng kaniyang kabiyak.
"Sandra, kapag sinabi kong anak natin sya, anak natin siya." Mariin nitong sambit, dahilan nang pagkatahimik ni Sandra. Bumuntong hininga nalang ito at hindi inalis ang tingin sa sanggol.
"Hays. Sa tingin ko palang sa batang 'to parang hindi siya pangkaraniwan, saan mo ba 'to natagpuan?" Puno ng kuryusidad niyang tanong. Bumaling ang tingin niya sa asawa upang mahagilap ang sagot ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata.
Agad siyang pinigilan ng lalaki sa pamamagitan ng mata nito. Hindi makagalaw na tila nawawalan siya ng hininga.
"H-hebrew m-masakit..." Pinilit niyang magsalita kahit nahihirapan. Nang mapagtanto ng lalaki iyon ay agad siya nitong dinaluhan. Ang titig nito ay napalitan ng pag-aalala at awa dahil sa ginawa.
"Paumanhin, 'wag mo na ulit 'yan sasabihin dahil anak na natin siya mula ngayon."
Napipilitang tumango si Sandra at hindi na nagtangkang magtanong pa muli.
Magmula sa araw na iyon namuhay na sila sa mundo ng mga mortal. Isa sa dahilan marahil sila ay papunta sa mundo ng mga mortal ay dahil nagkawatak-watak na ang lahi ng mga bampira. Kung mananatili sila sa lugar nila ay baka malagay ang buhay nila sa panganib, lalo pa at wala nang magpapatupad ng batas dahil wala ng mga pinuno. Makalipas ang ilang taon, sobrang pinahahalagahan ito ng kaniyang asawa at napalapit na rin ang kaniyang loob sa bata.
"Sandra, pupunta kami ngayon sa gubat para mag ensayo, siguro ito na ang tamang oras para matutunan niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili."
Nakangiting wika ni Hebrew at ginulo ang buhok ng batang katabi nito na nakangiti kay Sandra. Kung pagmamasdan, si Hebrew ay may makisig at mapuputlang balat na may katamtamang bilugang kulay berdeng mga mata. Si Hebrew ay may lahing kalahating bampira at engkanto, kung kaya siguro mainitin ang ulo nito. Ngunit marunong naman ito komontrol ng sarili nitong emosyon.
Napataas ang kilay ni Sandra, para saan naman ang pagtatanggol sarili nito? Eh wala ng away pa sa pagitan ng mga bampira at isa pa watak-watak na ang lahi nila, namumuhay na ng mapayapa ang iilan, at isa pa muli ay nasa mundo na sila ng mga mortal. As long as hindi nila sinasaktan ang mga tao hindi ito mananakit, at isa pa muli ay malayo naman sila sa tao dahil nasa bundok sila naninirahan.
"Mag-iingat kayo." May pagsukong ngumiti ng tipid si Sandra bago yakapin ang kaniyang asawa, tumango lang si Hebrew at tumungo sa gubat kasama ng anak nilang 8years old na.
Nang makaalis ang dalawa, makalipas lang ang ilang minito ay hindi na mapakali si Sandra dahil parang may mali o masamang mangyayari. Agad siyang tumakbo at sinundan ang kaniyang asawa. Gabi na nang mapagpuan niya ang dalawang ito sa lugar na pinalilibutan ng malalaking puno. Napahinga naman siya ng maluwag nang makita na tinuturuan nito ang bata. Pero makalipas ang ilang oras at sumapit ang hating gabi, nanlaki ang mga mata niya. Itinali ng kaniyang asawa ang batang babae sa puno. Napatingin si Sandra sa bilog na buwan,
Bumalik ang tingin niya sa kaniyang asawa na pinagpapawisan at tila nanginginig ang kamay nito habang binabantayan ang bata.
Lalapit na sana siya nang lumingon sa kinatatayuan niya si Hebrew na kaniyang asawa. Hindi sya makagalaw, malungkot ang ekspresyon nito.
"H-hebrew lumayo ka sa kaniya.." Pagmamakaawa niya. Patuloy sa pag-agos ang mga luha mula sa mga mata niya. Sa isiping hindi maganda ang kahihinatnan ng gagawin ng kaniyang asawa. Unti-unting nakalas ang lubid sa katawan ng batang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa malaking puno.
Napaupo si Sandra sa malaking sanga ng mataas na puno at natulala. Sa isang iglap nakaratay na ang kaniyang asawa na tila naupos ang dugo. Bigla siyang kinilabutan, inilabas niya ang ninakaw ng kaniyang asawa sa Bathorsire na isang porselas at k'wintas.
"Panahon na para gamitin ito..." Nawika niya.
to be continue....
YOU ARE READING
The Eternal Love Of Vampire
VampireDoes a vampire have a chance of finding love? Which will win? Bloodlust or love? "Have you read, heard, or seen a human drink blood?" she asked. "That's not a human; that's a vampire, and yes, we do exist." Superhuman strength? Prolonged life span...
