"Jusko naman Dindin, bakit ang kalat kalat dito? Itong tshirt mo, pants... bakit nandito sa lapag! yung kama mo sobrang untidy! tapos etong bag mo! ang kalat kalat naman!" isa-isang pinulot ni Anne ang mga nasa lapag tapos ay inayos niya ang kama ni Vhong.

"Ayy ano kasi.. medyo busy ako.. tinapos ko pa yang tatlong yan o!" sabay turo ni Vhong sa mga paintings na nakasandal sa pader.

"Ano ba yan, bakit parang pinaglamayan mo naman yan? baka hindi ka nanaman natutulog ng maayos ah? sinasabi ko sayo, Ferdinand Navarro!!!" muling singhal ni Anne sa boyfriend.

"Si Sir Garcia kasi.. tumawag nung nakaraang araw, sabi niya kung gusto ko daw bang sumali sa open art exhibit sa world trade.. pumayag ako kaya sinumbit niya portfolio ko dun sa mga organizers.. tas yun sabi.. minimum of 3 art pieces daw ang pwedeng isali sa exhibit.."

"Aww.. really Dindin? why didn't tell me about it? edi sana napadalhan kita ng snacks while you're painting.. kahit coffee.." yumakap si Anne sa kasintahan. Kung kanina ay daig pa nito ang isang nanay sa pagpapangaral dahil sa gulo ng paligid, ngayon naman ay para siyang isang high school student na naglalambing sa jowa.

"Wala lang.. di naman kasi masyadong big deal to.. kaya yun.. di na kita inabala.."

"But look at all these paintings, sobrang ganda Dindin!! bilib na bilib talaga ako sa talent mo. Iba ka!" This time ay si Anne naman ang umusisa sa mga paintings.

"Sa..salamat.. di ko nga alam kung pang exhibit ba yang mga yan.. pero wala naman mawawala... gusto ko lang talagang subukan makasali"

Nung nalaman ni Anne whereabouts ng contest ay nagtanong siya kay Vhong kung pwede ba siyang sumama, bagay na sinangayunan naman ni Vhong. Anne offered a ride dahil medyo may kalakihan ang mga paintings, mahihirapan si Vhong na itransport ang mga iyon.

"Kinakabahan ka no?" Annieka held Dindin's hand habang nasa sasakyan sila. Paghawak niya sa kamay nito ay naramdaman niya ang panlalamig nito.

"Medyo.. kinakabahan ako sa entry ko eh.. panigurado, magaganda yung mga gawa ng mga kasali."

"Aww.. it's okay baby.. don't think about it too much.. sabi mo.. it's no biggie kaya i-enjoy mo nalang ang experience. Malay mo, this will be a memorable day."

Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa venue ng exhibit. Sa World Trade Center sa Pasay ang venue. Pagpasok nila sa mismong exhibit hall ay napalunok si Vhong sa mga nakita niya, sari-saring mga obra nag nandodoon.. May mga sculptures, art installations, paintings at kung ano ano pa.

"Baby akin na yung application mo tska I.D" si Anne na ang nagasikaso dahil si Vhong ay parang lutang pa na palinga-linga sa mga nakikita niya sa exhibit.

"Dindin, eto na I.D mo..sabi daw, wear at all times kapag nasa exhibit venue, halika na puntahan na natin yung place para sa mag paintings" Kasunod nila si King na tulak tulak yung industrial trolley cart na naglalaman ng mga paintings ni Vhong. Sinalubong sila nung staff na nagaayos sa painting's corner, agad nilang isinabit ang mga ito.

"Sir, by the way.. paintings can be sold po ha.. 3 days po ang itatagal ng exhibit and sa 3 days na yon nasa artist na po kung ibebenta niya yung gawa niya but all of the art pieces here are open for selling, baka magulat po kasi kayo kapag may nag alok."

"Tignan mo.. open for selling pala dito.. ayos na ayos!" sambit ni Anne, naghihintay nalang kasi sila ng pagbubukas ng exhibit. Pwede naman may company ang artist kaya nakapagstay rin si Anne at King para samahan si Vhong.

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now