Chapter 1

87 12 24
                                    

No homeworks. No projects. I will give this whole week for myself. Ang guidance counselor na ang nagsabi, pwedeng hindi ako pumasok. Maybe, I really need to rest. Pagkatapos ng isang linggo, kailangan ko nang bumalik. Hindi ko pa rin pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Dito na nga lang ako umaasa.

Nakakita ako ng lalaking nagtitinda ng dirty ice cream.

"Kuya, sandali!" sigaw ko para huminto siya. Dali-dali naman akong lumapit. Lumapit din ang isang lalaking naka-black t-shirt. Napatingin ako sa kaniya at gano'n din siya sa'kin kaya agad akong napaiwas ng tingin at kinuha na lang ang wallet. Nagulat ako sa nakita. Wengya, wala pala akong pera.

"Kuya," tawag ko sa nagtitinda. Nahihiya naman akong napatingin sa kaniya.

"Joke lang pala, wala akong pera. Pasensya na po," nahihiya kong sambit at nagmamadaling umalis. Narinig ko pa siyang tumawa nang mahina.

Hindi pa ako gaanong nakalalayo nang may sumabay sa'kin sa paglalakad. Siya yung lalaki kanina.

"Miss," napahinto ako nang magsalita siya. Hingal na hingal, hinabol yata ako.

"Ito." Tiningnan ko lang ang inabot niya. Cookies and cream. Hawak niya naman sa kaliwang kamay ang chocolate-flavored ice cream.

"Wala akong pera. Pasensya na," sagot ko at muling naglakad ngunit pumunta siya sa harapan ko at hinarangan ako.

"Hindi ako humihingi ng bayad. Ito," sagot niya at inabot sa'king muli ang ice cream. Nanatili akong nakatingin dito.

"Dali, natutunaw na." Wala akong nagawa at kinuha na lang ang ice cream.

"Salamat, babayaran na lang–"

"Hindi na kailangan. Sa'yo na 'yan."

"Salamat." Nagmamadali akong umalis at naupo sa isang bench. Nakita ko naman siyang sumakay sa motor niya. Akala ko ay aalis na siya kaya nagulat ako nang huminto siya sa tapat ko.

"Tara, sakay."

Dali-dali ko namang tinapos ang pagkain sa ice cream. "Ha?" gulat kong tanong. Aba, ni hindi nga kami magkakilala tapos papasakayin niya ako? Malay ko ba kung masama siyang tao.

"'Wag kang mag-isip nang masama. I just want to help."

"Help? No need. I'm perfectly fine."

"You must not tell lies," bahagya akong natawa nang marinig ang sinabi niya.

"Para kang si Dolores Umbridge."

Natawa rin siya sa sinabi ko. "I'm not Umbridge. I'm Harry Potter."

"Kapal," natatawa kong sambit.

"Well, I'm Hermione Granger," biro ko sabay flip ng mahaba at kulot kong buhok.

"Ako si Harry. Ikaw si Hermione. Ibig sabihin, friends na tayo?" Hindi ako nakasagot. Wengya, bakit ko ba sinabi 'yun?

Napansin niyang natahimik ako. "Halika na." Pinipilit niya talaga akong sumakay.

"At paano ko naman masisiguradong mabuti kang tao?" mataray kong tanong.

"Sa gwapo kong 'to, mukha bang adik ang mukhang 'to?" walang emosyon niyang sabi. Lalaking tuod.

"Would you mind a roadtrip with a stranger?" tanong niya at inabot sa'kin ang helmet.

Natatawa ko naman itong inabot at sinuot. Nagsuot na rin siya ng helmet.

"Kapit nang mabuti," paalala niya nang makasakay ako.

Nababaliw na nga yata talaga ako. Bakit ba ako sumama sa lalaking 'to? I shouldn't trust strangers.

Tahimik ang naging buong biyahe. Ni hindi ko nga siya tinanong kung saan ba talaga kami pupunta o kung may pupuntahan ba kami. O baka naman gusto niya lang mag-ikot-ikot. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng awkwardness sa kabila ng katahimikan. It's like, I'm comfortable with him. I don't even know his name and who he is, but I felt happiness.

Huminto kami sa isang lugar na puro damo at puno. Marami ring tao ang nakatambay at nakaupo sa damuhan.

Bumaba siya at gano'n din ako. Iniwan naman namin ang suot na helmet sa upuan ng motor niya. Sabay kaming umupo sa damuhan.

"I know you're not fine. You can't fool me," he said out of nowhere.

"How did you know?" I asked.

"I can see it in your eyes." I sighed.

I looked at him, emotionless. He stared back, too.

"Smile," aniya at binanat ang bibig ko at pinilit akong ngumiti. Hinampas ko ang kamay niya kaya napadaing siya.

"Wow, ha! Makasabi ka riyan ng 'smile', akala mo naman ngumingiti ka."

"Gano'n? Okay, fine." Ngumiti siya nang todo. Taas baba rin ang kilay niya. Kinuha niya ang hawak kong phone at nag-selfie pa. Mayamaya'y binalik niya ito.

Napangiwi na lang ako nang makitang ginawa niyang wallpaper ang selfie niya. "Creepy," sambit ko na kunyari ay nandidiri. Bumalik tuloy siya sa walang emosyon niyang mukha.

Muli akong napatingin sa wallpaper at nangingiting napailing.

"Very good. You're smiling." Pinilit kong alisin ang ngiti, ngunit hindi ko na magawa.

Napansin ko ang pagkamangha ng mga tao sa paligid.

"Kita mo 'yan?" tanong niya sa'kin habang itinuturo ang paglubog ng araw. I love sunsets.

"'Yan yung mga problema natin. Yung araw na lumulubog? Ibig sabihin niyan, 'yung mga pinagdaraanan natin, lilipas din, mawawala rin. Pagkatapos niyan, sandaling babalutin ng dilim ang lahat. Pero kinabukasan, may bago na namang liwanag," nakangiti niyang saad habang nakatingin sa paglubog ng araw.

Napangiti ako at pinanood din ang paglubog ng araw.

Maybe, being with a stranger is not bad after all.

Bear BandWhere stories live. Discover now