MBS-13

113 5 0
                                    

Sulli's POV

"Grabe, I can't believe this akalain mo yun napasa ko tong high school na toh..haha nakakatawa noh bespren dati-dati tumatakas pa tayo para lang makarating sa concert ni Bacon tapos ngayon tapos na tayo ng high school ang ga---..haha kalimutan mo yung sinabi ko ah" sabay tapik nya sa braso ko at hindi mo mawari ang mukha.

Bahagyang napangiti ako sa inasta nya. Alam nya kasing hindi na kami nag-oopen ng about kay Bacon 3 months ago, tapos ngayon nasabi nya.

Ugh! 3 months ago na pala simula nang nagyari yun.. 3 months ago simula ang puso ko hindi na ulit sumaya. Siguro this is the right time para magsimula na ako. Sapat na siguro ang 3 months na pagluluksa ko at wala na rin namang magagawa pa kung hindi pa ako aalis sa sitwasyong iyon.

Hay! Bakit ko ba kasi pinapahirapan pa ang sarili ko e' in the first place naman ako ang may kagagawan ng lahat nang toh. Ako ang may kasalanan kung bakit ngayon hindi ako okay.

"Bespren? Tulaley ka na naman"

Tinignan ko sya at ngumiti. I'm very thankful dahil may isa akong kaibigan na kagaya nya na handang magpasaya sakin.

"Ilibre mo ko tutal naman ikaw ang nakakuha ng 5th place sa finals kailangang mag celebrate tayo" sabay akbay nya sakin at hinila na ako sa paborito nyang bar.

Palagi syang pumununta dito sa kadahilanang gusto nyang makita si Kai. Hindi ko nga toh maintindihan ayaw-ayaw pa kay Kai tapos sya din naman naghahabol. Kung minsan binabatukan ko na reh paano ba naman kapag andyan si Kai makataboy wagas pero kapag may nakitang kasama kahit lalaki pinagseselosan, oh' diba bakit di mo mababatukan ang kagaya nitong babae.

"Ang tagal naman ata nya" sabay tingin nya sa pinto ng bar.

"Baka busy"

"Busy?"

"Oo, alam mo bespren gwapo si Kai, matangkad, matalino, talented at isa pa anak ng mayaman. I'm sure na maraming babaeng umaaligid dyan at naghahabol kaya siguro ala pa sya dito ay dahil---"

"SULLI STOP...HAY! Ayoko madinig!" Sabay takip nya ng tenga nya.

Tignan mo toh napakaloka-loka. Nangiti ako sa kanya at biglang sumagi sa paningin ko yung TV sa bar at para bang huminto ang mundo ko sa nakita ko.

S-si Bacon, si Bacon ang nasa palabas. I-ni-interview sya kasama si Taeyang ang leading lady nya. Bawat tanong sa kanya nung host ngiti lang ang nakikita kong sagot nya.

Masaya na sya ngayon at hindi na naiinda sa kanya ang mga nangyari. Okay na sya yun ang nakikita ko sa lagay nya ngayon. Ang bawat ngiti sa mga labi nya ang tunay na nagpapasikip sa puso ko, he's okay now and I know that he moved on for what happend to us. Sana ako din kagaya nya, kagaya nya na kaya na ring ngumiti.

Si Bacon naka move-on na sya. Pero paano naman ako? Ako ang nagsimula nito kaya dapat ako din ang tumapos.

***

My Beloved Stalker (f(x) Sulli ft. Exo Baekhyun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon