MBS-4

368 12 1
                                    

MBS-4

" 998 , 999 , 1000 , 1001 " naglalakad ako ngayon hanggang sa napansin ko na nasa park na pala ako.

Nakakabangag yung nangyari kahapon. Ang gulo ng isip ko. Ang daming tumatakbo na tanong, ang dami kong tanong sa sarili ko na hindi ko mahanap ang sagot . Nawawala ako sa sarili ko nababaliw na ata ako.

Inikot-ikot ko yung tingin ko sa park. Ang dami kong nakikitang tao. Yung iba tumatakbo kasama ang mga alaga nilang aso , yung iba naman ang sweet mga couples, at yung mga bata naglalaro.

Flash Back...

10Years Before....

Naglakad ako sa park habang busy si mama sa pag-aalaga ng kapatid kong baby.

Hanggang sa di ko namalayan na nawawala na pala ako. Inikot ikot ko yung tingin ko baka sakaling makita ko si mama pero hindi ko sya makita.

Naiiyak na ako, bata pa ako di ko kayang mag-isa . Hanggang sa may narinig akong nagsisigawan na boses.

" HAHAHAHA!!!!!! Lampatitot . Bunny! Bunny! Poink.poink "

Teka anong nangyayari bakit sila kumpulan dun. Bakit sila nagtatawanan. Na concious ako kaya lumapit ako dun sa nagkukumpulan na mga bata. Ng malapit na ako nakita ko ang isang batang lalaki na pinalilibutan ng mga batang nagtatawanan. Umiiyak yung batang lalaki habang pinagtatawanan sya ng mga batang nakapalibot sa kanya. Agad agad akong tumakbo duon at hinawi yung mga bata nakapalibot sa kanya.

" Hoy! Tumigil na nga kayo bakit kayo nagtatawanan bakit nyo sya inaaway ? Ano bang kasalanan nya sa inyo ah?"

" Bakit sino kaba ? Baka sya yung girl Bunny nitong si Bunny poink.poink.poink HAHAHa!!" At nagtawanan na ulit sila.

" Kapag di kayo nag si tigil kakainin ko kayo. Ako si drakula na ngangain ako ng mga batang kagaya nyo . Aaahhh!!! " Sabay act ko na parang nakakainin ko sila. At nagsitakbuhan naman sila. Kumakarimpas pa nga e.

"Hahaha! Mga duwag naman pala yun e' .

Napatigil ako sa pagtawa at tumingin sa batang nakasalampak sa semento. Tinulungan ko syang tumayo at pinagpag yung mga dumi sa pants niya.

"Okay ka lang ba? "

At tumango tango naman siya.

" Hala may sugat ka . Lika dalin kita sa ospital " napakamot naman ako sa ulo ko " ay, sorry di ko alam kung paano pumunta sa ospital teka ano bang gagawin ko?"

*light bulb*

Agad kong tinapyas yung kapirasong damit ko sa dulo at agad na tinali sa tuhod ng sugat ng batang tinatawag nilang Bunny.

My Beloved Stalker (f(x) Sulli ft. Exo Baekhyun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon