Chapter 2

3.7K 80 1
                                    

Habang abala sa pagda-drive si Aeron. Si Angela naman ay abala din sa pagtanggal ng tali sa kanyang mga kamay.

Bago kanina pumunta ng front seat ang lalaki ay tinalian muna nito ng panyo ang kanyang mga kamay.

Sobrang nanggigigil ang dalaga sa lalaki. Gusto niyang sapakin ito sa mukha.

Matalim niyang tiningnan ang likod ni Aeron. Kung nakamamatay lang ang pagtingin nang matalim ay baka kanina pa ito bumulagta.

Tumingin ito sa kanya sabay ngumisi na parang demonyo.

Bago ibinalik ng lalaki ang tingin sa unahan ng dinadaanan nila ay kumindat muna ito sa kanya.

Hindi siya gumalaw sa kinauupuan. Nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga buildings.

Ayaw ng dalaga na malaman ni Aeron na sinusubukan niyang tanggalin ang tali sa kanyang mga kamay.

Matanggal ko lang ang panyo na ito sa kamay ko, tatanggalan ko talaga siya ng kaligayahan!

Bibigyan niya talaga ng malaking lesson ang lalaki. Nagkamali itong kalabanin siya.

Sisiguraduhin niyang hindi na muli ito makalalapit sa kanya.

Iniisip pa lang niya ang gagawin sa lalaki ay nangagati na ang kanyang mga kamay.

Nang matanggal ang itinali ni Aeron na panyo sa kanyang kamay, umupo siya ng tuwid at sumundal sa upuan.

Napatingin siya sa labas ng kotse nang bigla itong huminto.

Nakarating na pala sila sa tinitirahang bahay ni Aeron. Napansin niyang wala ang kotse ni Claire sa garahe.

Napaismid siya.

Kaya naman pala ang lakas nang loob ng lalaking ito na dalhin ako rito, dahil wala ang asawa niya!

Ngumiti muna ang lalaki sa kanya bago nito pinatay ang sasakyan. Bagot niya namang tiningnan ito.

Napansin niyang nagmamadali itong lumabas ng kotse, kaya nagmadali din naman siyang lumabas ng sasakyan.

"What the fuck!"

Nang humarap siya rito ay nagulat ito.
Malakas niyang tinuhod ang nasa gitna nito, kaya napaluhod ito sa sahig.

Ang nakitang lubid sa loob ng sasakyan kanina ay dali-dali niyang ipinulupot sa nakaluhod pa rin na lalaki.

"Fuck you, Angela!" galit na sigaw nito sa kanya.

Nagpupumiglas ito habang ipinupulupot niya ang lubid sa katawan nito.

"Fuck you too, Aeron! Ang kapal ng mukha mong dalhin ako dito sa bahay ninyo ng asawa mo! Binalak mo pa talaga akong gahasain!"

Hinigpitan niya ang pagkakapulupot ng tali rito, bago ibinuhol ang magkabilang dulo ng lubid sa likuran nito.

Humarap ang dalaga sa lalaki at nagcross-arm.

Yumuko siya sa harapan ng lalaki at ipiniring niya rito ang panyo na itinali nito sa kanya.

"What the fuck are you doing, Angela!" sigaw nito habang nagpupumiglas.

"Fuck!" Napamura nang malakas si Aeron ng sampalin siya ni Angela.

Dahil nagngingitngit parin sa galit si Angela sinipa niya ang
dibdib ng lalaki dahilan para matumba ito sa sahig.

Nagpalinga-linga siya sa paligid.

Nang may nakitang bato nilapitan niya ito at dinampot.

Binato niya ang salamin ng kotse. Napangiti siya ng mabutas ang salamin nito.

When Playgirl Got Pregnant[COMPLETED]Where stories live. Discover now