Chapter 1

6.8K 114 4
                                    


Napabangon kaagad si Angela sa kinahihigaang kama dahil  nakarinig siya nang malakas na kalabog.

Hindi niya napigilan ang sarili na guluhin ang buhok at kamutin ang ulo sa sobrang inis.

Tumingin siya sa orasan saglit at ibinaling ang ulo, kung saan nanggaling ang kalabog.

Tiningnan niya nang masama ang taong nang-istorbo sa kanyang pagtulog.

“Ano ba naman, Kuya! Alas-dyes palang nang umaga! Natutulog ang tao, eh, binubulabog mo. Lumabas ka nga ng kuwarto ko!” reklamo niya sa kanyang Kuya Benfranzon.

Tatlo silang lahat na magkakapatid. Ang panganay ay si Benjie Mendoza, at ang pangalawa naman ay si Benfranzon Mendoza.

“Angela, where the hell have you been last night!” galit na sigaw ni Benfranzon sa bunsong kapatid na babae.

Hindi naman napigilan ni Angela na huwag matakot sa kanyang kuya dahil bakas sa mukha nito ang matinding galit.

“Nag-bar lang ako kagabi, Kuya . . . mayro'n pa ba akong ibang pupuntahan?” painosente niyang tanong.

Alam niyang sesermunan na naman siya nito.

“Are you fucking sure, Angela! Sige nga, sino ang babaeng mayro'ng kahalikan diyan sa picture?” Inis na hinagis ni Benfranzon sa harapan ng kanyang kapatid ang litrato.

Pinulot naman kaagad ng dalaga ito. Nang makita nito ang litrato ay bigla itong napatakip sa bibig.

Ang babae na nasa litrato ay siya at ang kanyang kahalikan ay ang kaibigan ng kuya niya na may asawa na.

Pumikit siya at nagbabakasakaling maalala ang nangyari nang gabing iyon.

Napahilamos siya sa mukha dahil kahit kaunting pangyayari nang gabing iyon ay wala talaga siyang matandaan.

Sumakit lang ang ulo niya sa kaiisip.
“Hindi ba ‘yan edited, Kuya?”

“Are you fucking kidding me, Angela? Tinatanong mo pa talaga kung edited ang picture na ‘yan. Paano magiging edited ang picture na hawak mo, eh, kagabi lang ginanap ang birthday ni Aeron . . . at ang damit na suot mo riyan sa picture ay kapareho ng damit na suot mo kagabi!” dumagundong ang malakas na sigaw ng kuya niya sa loob ng kanyang silid. 

Napakamot siya sa pisngi dahil wala na siyang lusot.

“Alam mo bang galit na galit sa iyo ngayon si Claire . . . kaya raw hihiwalayan siya ni Aeron ay dahil sa iyo. Nilalandi mo raw ang asawa niya!”

Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yun! Ako pa talaga ang sinisi!

“Kuya, hindi ko nilalandi ang asawa niya. In fact si Aeron pa nga ang lapit nang lapit sa akin, eh. Wala kaya akong gusto kay Aeron, Kuya,” paliwanag niya.

Si Benfranzon ay tumingin nang masama sa kanyang kapatid. Alam niya na maraming humahabol na lalaki rito.

“From now on, iwasan mo muna si Aeron, Angela. At one week mula ngayon grounded ka muna. Bawal kang lumabas ng bahay, dahil kung hindi yung cellphone, at atm mo ay kukunin ko. Do you understand?” Napamura si Angela sa kanyang isip kaya napatango siya nang wala sa oras.

Bago lumabas ng kuwarto ang binata ay tumingin ito nang matalim sa dalaga.

Napangiti ang babae nang makalabas ang kuya nito. Tatakas na naman kasi siya mamayang gabi.

Alam niyang aalis na naman ang kanyang kuya para makipagkita sa girlfriend nito.

Palagi kasing umaalis ang binata tuwing gabi. Stay-out din ang kanilang dalawang katulong. Ang simula nang trabaho ng mga ito ay alas-syete nang umaga hanggang alas-sais ng gabi, kaya kahit na madalas mapagalitan at pagbawalan ang dalaga ay nagagawa pa rin nitong tumakas.

When Playgirl Got Pregnant[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon