Chapter 12

74.6K 751 47
                                    

 

[ASHLEY POV]

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita si PJ sa tabi ko. Nag ayos muna ako ng sarili bago ko napagdesisyunang bumaba. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Wow chikababes!" Nagulat ako sa sinabi ng lalaki sa may sala.

"Gago ka Pip gusto mo bang mapa aga ang paglamay sayo?" Rinig kong sabi nung isa.

"W-wala naman akong sinabing masama ah!"

"Yung mata at bibig mo paki control kundi lagot ka kay bossing. Hi miss anong p- aray pucha ka talaga Pip." Reklamo nung isa pang lalaki, binatukan kasi siya nung Pip yata ang pangalan.

"Eh mas tarantado ka pala Edgardo!"

"Tangina mo Philip!"

"Tumigil nga kayong dalawa! Pag umpugin ko mga bungo niyo eh." Sabi naman nung isang kasama nila bale tatlo silang nandito.

"Hi. N-nasaan si PJ?" Naiilang kong tanong sakanila nang makababa ako.

"N-nasa b-bilyaran si b-bossing." Teka may dumi ba ako sa mukha? Bakit siya nakatulala sa akin?

"Gago ka talaga Pip umayos ka tinatakot mo yung tao!"

"H-hindi ko naman siya t-tinatakot ah." Sagot niya, napangiwi ako nang medyo nakanganga na siya ngayon habang nakatulala pa rin sa akin.

"Edgar paki batukan nga yan mukhang nawawala nanaman sa mundo." Sabi nung isang kasama nila doon sa Edgar.

"Pucha kadiri ka talaga Pip kahit kailan!"

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal ng dalawang iyon." Parang nahihiyang sabi nung sumaway sa dalawa.

"A-ayos lang." Sabi ko ng may tipid na ngiti.

"Ay oo nga pala, ako pala si Leo. Yung singkit si Pip yun at yung moreno si Edgar yun. Mga kaibigan kami ni PJ. May inasikaso lang kasi siya sandali sa may bilyaran babalik din yun agad." Pagpapaliwanag niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag so mga kaibigan pala sila ni PJ.

"Ako naman si Ashley. Sorry pala kagigising ko lang kasi, anong gusto niyong maiinom?" Nakangiting tanong sakanila.

"Naku huwag kang mag sorry. Kami nga nahihiya sayo." Napahawak pa siya sa likod ng ulo niya.

"Bakit naman? Sige na maupo muna kayo dyan ipaghahanda ko lang kayo ng maiinom." Pagkasabi ko nun ay dumiretso na ako sa kusina, agad din lang ako nakatapos at ibinigay ko sakanila ang orange juice.

"Naku maraming salamat." Sabi ni Leo.

"Salamat binibini." Sabi ni Pip.

"Thankyou miss beautiful." Sabi ni Edgar.

"Naku walang ano man." Natatawang sabi ko.

Hindi rin nagtagal ay magaan na ang loob ko sakanila. Matagal na pala silang magkakaibigan nina PJ mula pa noong high school. Ang cool nga eh, lahat sila magkaka course. Si Emman, Leo at PJ ay graduating na this upcoming March. Nalaman ko ring Philip Lexus Garcia ang totoong pangalan ni Pip at siya rin ang pinaka bata sakanila 19 palang siya, si Edgar naman Edgar Adrian Roxas ang totoo niyang pangalan 20 taon na siya, si Leo naman Leonardo De Jesus at siya naman ang pinaka kuya sakanila 23 na siya, si Emman oh well alam ko namang Emmanuel Ray Cruz pangalan niya  at magka edad din sila ni PJ na 22 na. Nalaman ko rin palang PARIS JAE HERANANDEZ ang real name ni PJ. Binalaan pa nga nila ako na huwag ko daw sabihin kay PJ na sila ang nagsabi ng full name niya dahil ayaw na ayaw daw nito ang pangalan niya, ang baduy daw kasi natawa naman ako, ang gwapo nga ng pangalan niya eh.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon