Chapter 35

31.8K 492 119
                                    


[Brianna POV]


Kami lang dalawa ngayon ni kuya ang magkasama dito sa bahay dahil umuwi si lolo sa probinsya, sinundo siya ni Tita last week dahil nga magpapasko na. Sinasama niya nga kami ni kuya kaso dahil nga may pasok pa kami ay hindi na kami sumama. Okay lang naman dahil uuwi sina mama at papa ngayong christmas.

"Ay leche!" Asar kong sabi nang matalo ako sa coc.

So sobrang asar ko dahil sa tatlong sunod sunod na talo ko ay nag facebook nalang ako. Chineck ko na rin ang IG ko at Twitter. Nang maboring ako sa kaka-internet ay napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto.

"Kuya?" Tawag ko sakanya habang pababa sa hagdan.

Mukhang wala pa siya. Wala pa kasing ingay sa ibaba.

"Sabi niya maaga lang siya uuwi baliw talaga.." Naiiling kong sabi nang makita kong mag aala-una na ng umaga.

Dumiretso nalang ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Di pa kasi ako inaantok. Nang makapagtimpla na ako ay kumuha ako ng butter cookies, nasa kalagitnaan na ako nang pagkain ko nang may marinig akong sasakyan sa labas.

Hay salamat dumating na.

Nang marinig kong bumukas ang pinto ay agad na inubos ko na ang kinakain ko. Nang matapos na ako ay bumalik na ako sa taas. Una kong madadaanan ang kwarto ni kuya kaya nang makita kong bukas ito ay pumasok ako.

"Kuya-"

Halos manlamig ang buo kong katawan nang lumingon siya sa akin.

"A-anong ginagawa mo rito?" Di makapaniwalang sabi ko.

Awtomatiko siyang napatingin sa akin. Mukhang nagulat din siya nang marinig niya ang boses ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko bago bumalik sa pag aayos niya kay kuya sa pagkakahiga. Napahakbang ako paatras nang bigla siyang tumayo at maglakad papunta sa akin.

"T-teka.." Tarantang sabi ko nang patuloy siyang maglakad.

Patuloy rin ako sa pag atras hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa labas na pala kami ng kwarto ni kuya dahil sa narinig kong pagsara niya ng pintuan nito.

"Diyan ka lang!" Mahina pero may diing sabi ko.

"Tss.." Sabi nito pagkatapos ay bumaba sa may dibdib ko ang mga mata niya.

"Emman!"

Binasa niya ang pang ibabang labi niya at walang pasabing hinapit niya ang bewang ko.

"Shh.. keep quiet.."

Pakiramdam ko tumindig ang balahibo ko nang lumapat ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Emman-"

Di ako naging handa sa sunod niyang ginawa kaya naakay niya ako papunta sa loob ng kwarto ko. Nang mai-lock niya ang pintuan ay nagpumiglas ako sa yakap niya kaya nakawala ako.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Asar kong sabi.

Pero parang nanakawan ako ng lakas nang makita ko nang buo ang itsura niya. Nakaputi siyang statement shirt na nagsasabing 'Ride me?' Magulo ang buhok niya at namumungay ang mga mata niya. Awtomatikong napatakip ako ng dibdib nang bumaba muli sa may dibdib ko ang tingin niya. Ngayon lang ako naging aware na napakaikli pala ng short ko, nakaspaghetti strap lang akong sando at wala akong suot na bra!

Shit!

"T-teka diyan ka lang!" Tarantang sabi ko sakanya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon