"Paano naman kayo nagkakilala? Siguradong maganda ang girlfriend mo 'no sa gwapo mong 'yan." Napansin kong napatingin sakin si Andrew bago sumagot or it's just my imagination?

"We're bestfriend since we were just child. Close po talaga kami na hindi na kami naghihiwalay even sa pagtulog magkatabi kami. Hanggang sa umabot kami ng junior high. Naging kami when we are in Grade 7. I know na bata pa kami no'n but I know my feelings for her is real. We've been in relationship for three years po but sadly she need to continue her studies in abroad. She's not fond of long distance relationship so she broke up with me." Naramdaman ko naman ang pagkirot ng puso ko kaya pasimple kong ipinatong ang kamay ko sa dibdib kung nasaan ang puso. Nahihirapan na rin akong lunukin ang pagkain dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.

Una pa lang talaga talo na ako. Kung wala lang siguro ako sa harapan nila. Kanina pa tumulo ang luha ko kaya ginawa ko ang lahat para pigilan ito. Naging stalker ako ni Andrew pero bakit hindi ko alam ang bagay na 'yon?

Napa 'oh' naman si Mommy sa narinig. She's all ears listening to Andrew's undying love story with Xylene.

"Pero ngayon po. I'm h-happy that she's back for me. I still accept her even how hurt I was. Hindi ko po kasi siya matiis. My heart is still beating for h-her kaya we continued our relationship" Nakayuko lang ako hanggang sa matapos ang kuwento ni Andrew.

Wala na nga sigurong makakatalo pa sa pagmamahal ni Andrew kay Xylene. I should be happy for them. I should.

Nagbigay naman ng advice si Mommy kay Andrew katulad na lang ng
"She's the one, Andrew. You shouldn't let her go." At maraming pang iba na masakit sa tenga pakinggan at masakit sa puso maramdaman.

Natapos kami ng pagkain ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. Nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan. Nagulat ako ng makitang nagliligpit rin si Andrew ng pinggan. Nasa sala na si Mommy't Daddy kaya kaming dalawa na lang ang narito.

"Ako na rito. Sa sala ka na lang." Seryoso kong sambit. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso ng sabihin ko iyon.

Parang wala naman siyang narinig dahil patuloy pa rin siya sa pagliligpit.

"Andrew." Seryoso naman siyang tumingin pabalik sakin.

"I'll help you." May pinal sa tono ng pagkakasabi nito kaya wala na akong magawa kundi hayaan siya.

Tapos na kami sa pagliligpit ng lamesa kaya maghuhugas naman ako ngayon.

Binanlawan ko muna ang mga pinggan bago ito sinabunan. Inaasahan kong hindi na tutulong pa si Andrew sa paghuhugas kaya nagulat ako ng tumabi siya sa akin.

Hindi sinasadyang nagdikit ang braso namin kaya napakurap kurap ako ng maramdamang parang nakuryente ako. Mabilis pa sa alas kwatro akong dumistansiya sakanya ng kaunti.

Tahimik lang kami habang naghuhugas. Ako ang nagsasabon habang siya naman ang nagbabanlaw. Hanggang ngayon ay napakabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay kumikirot na ito.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Katabi ko lang si Andrew pero bakit feeling ko ang layo niya? Bakit kahit nasa tabi ko lang siya ay hindi ko siya maabot?

Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko na may luha pero hindi yata nakatakas iyon sa paningin ni Andrew. Natigil siya sa ginagawa saka napatingin sakin.

"Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong niya. Natatawang napailing naman ako.

"Haha. Napuling ako." Napasinghot ako saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Alam kong hindi naniwala sakin si Andrew pero buti na lang ay wala siyang ibang sinabi pa.

Hindi ko na natandaan kung paano natapos ang ginagawa namin. Agad akong lumabas ng dining area ng matapos kami.

Napatingin ako sa labas at nakita kong humina hina na ang ulan.

"Lumalalim na ang gabi, Andrew. Uuwi ka na ba? Mahina na rin ang ulan sa labas" Naglakad si Andrew papalapit kila Mommy.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sakin." Bahagyang yumuko naman si Andrew.

"Maraming salamat rin at hinatid mo si Aaliyah pauwi." Nakangiting sambit ni Daddy at tinapik ang likod ni Andrew.

"Aaliyah, ihatid mo si Andrew sa labas. Magdala kayo ng payong dahil umaambon pa." Wala akong nagawa kundi ihatid si Andrew sa labas.

Nagdala ako ng payong at binuksan iyon.
Tahimik lang kami habang tinatahak ang daanan. Walang nagsasalita samin kahit isa. Tanging ang pagbagsak lang ng mahinang patak ng ulan ang nagiging ingay.

"Sumakay ka na lang ng tricycle papuntang labasan." Suhestiyon ko sakanya. Tumango lang siya bilang tugon kaya muling bumalik ang katahimikan sa pagitan namin.

May nakita akong tricycle sa di kalayuan kaya tinawag ko ito.

"Salamat sa paghatid sakin, Andrew." Nakangiti kong sambit. Nagtaka naman akon ng  nakatingin lang siya sakin ng matagal. Iiwas na sana ako ng tingin sakanya pero nagulat na lamang ako ng kabigin niya ang bewang ko at inilapit sakanya para yakapin.

Napakurap kurap ako sa gulat at naramdaman kong tumibok ang puso ko ng sobrang bilis.

"Thank you, Aaliyah. Ya tebya liubliu always remember." Tipid siyang ngumiti bago sumakay sa nakaparadang tricyle.

Naestatwa na yata ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niyang pagyakap sakin. Nakatanaw lang ako sa papalayong tricycle na sinasakyan niya bago ito mawala sa paningin ko.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now