BH 16

57 4 1
                                    

Kinabukasan.

Maagang dumating sa bahay ng mga Dela Fuente si Marcus para sunduin si Shaniyah.

"Hindi mo na kailangang sunduin pa ako." sabi ni Shaniyah bago siya sumakay sa kotse ni Marcus.

Bahagyang tumawa si Marcus, "Bakit? sino ba nagsabi sayong gusto kitang sunduin?"

Nagkunot namang bigla ang noo ni Shaniyah saka isinara ang pinto ng kotse.

Naging tahimik lang ang biyahe ng dalawa, nang biglang tumunog ang cellphone ni Marcus.

"Dad?... opo... malapit na din... opo... opo... bye." bago itinago sa bulsa ang telepono niya.

Nang makarating na sila sa parking lot ng BH Academy.

Bubuksan na sana ni Shaniyah ang pinto ng kotse " Sandali." pigil dito ni Marcus.

Nilingon namang bigla ni Shaniyah si Marcus at sinundan nalang ito ng tingin ng bumaba ito ng kotse at umikot sa harapan bago siya pinagbuksan ng pinto.

Napangiti si Shaniyah sa ginawa ni Marcus. "Thank you." Iniabot ni Shaniyah ang kamay niya sa noon ay nakalahad nang kamay ni Marcus. "So nice of you."

Bigla din namang nabura ang ngiti sa mukha ni Shaniyah ng makita niyang nakatingin sa kanila si Stefan. "Stefan."

Agad na ding tumalikod si Stefan at nagmadaling lumayo.

"Let's go? Ihahatid pa kita sa class room niyo." Binitawan ni Marcus ang kamay ni Shaniyah at kinuha ang librong dala dala nito. "Ako na magdadala nito." at nagsimula nang maglakad ang dalawa.

***Stefan's POV

"Nasaan ang libro ko?" halos mabaligtad na ni Stefan ang bag niya sa paghahanap ng libro niya. Bago niya naalalang... "AHH! nasa kotse!" agad niyang nilikom ang gamit niya at nag punta ng parking lot para kunin ang libro. Malapit na siya sa kotse niya nang mapahinto siya dahil sa isang kotseng nagpark sa tabi ng kotse niya. Nakita niyang bumaba dito si Marcus at binuksan ang pinto sa passenger seat. Lumabas mula dito si Shaniyah.

"Iyah" nagluhang bigla ang mga mata niya ng nakita niya ang matamis na ngiti ng girlriend, lalo pa nga at nakita niyang iniabot nito ang kamay kay Marcus. Agad na din itong bumalik ng campus at nagdiretso sa CR.

Binuksan nito ang faucet at nag hilamos. "Ang bilis naman..." may tumulong luha sa mata niya. pinunasan niya ito at saka naghilamos ulit.

***End of POV

"Eto na ang libro mo" iniabot na ulit ni Marcus ang libro kay Shaniyah nang makarating ang dalawa sa room ni Iyah.

Tahimik at wala paring imik si Iyah dahil sa nakitang reaksyon ni Stefan. Natapos din ang first subject nila at lumabas na ng room.

"Kailangan kong makausap si Stefan," sabi nito sa sarili niya. Kaklase niya si Stefan sa next subject niya. Kaya agad ito nagpunta sa next class room at hinintay dito si Stefan.

Nagtatawag na ng attendance ang instructor nila ngunit wala padin si Stefan.

"Asan na kaya siya? hindi naman siya nalelate lalo sa subject na to." Nililinga padin niya ang pinto maging ang mga glass windows ng room ngunit wala talagang Stefan na dumating. Natapos ang klase ng wala si Stefan.

Vacant na ang kasunod kaya naman ginamit ito ni Iyah para hanapin si Stefan.

Naikot na halos ni Iyah ang buong campus pero wala parin si Stefan. "Asan ka na ba?" tinry na din niyang tawagan ito pero out of coverage area ang phone niya.

Dahil sa nakita ni Stefan tila dinudurog ang puso niya. Mahal niya si Iyah ngunit hindi niya nagawang ipaglaban ang nararamdaman niya. Kaya naman lumabas na ito ng campus at nag punta sa isang tagong bar na nag ooperate kahit umaga.

Hapon na nang lumabas si Stefan sa lugar na iyon. Gegewang gewang na ito. At halos gumapang na sa kalasingan. Hindi narin nito nagawang maalala ang dalang sasakyan.

Dahil sa hilong nararamdaman gad na ding bumagsak siya sa lupa.

Sa di kalayuan naman ay naglalakad patungo sa kinaroroonan niya ang kaibigan ni Kaylene na si Jermaigne. Dito ang daan pauwi sa bahay nila. Tumakbo ito ng makita si Stefan na nagtumba.

"Kuya! Kuya! gising! ayos ka lang po ba?" pilit nitong ginigising ang lalaki. Natitigan niya ito at nakilala... "I-ikaw yun... Ikaw siya." agad siyang inalalayan ni Jermaigne para makatayo. isinabit nito ang braso ni Stefan sa balikat niya at dinala sa isang motel.

"Miss. isa nga pong room para sa kanya" Sabi ni Jermaigne sa babaeng kaharap. Nag abot naman ng susi ang babae at sinabi ang kwartong ibinigay. Dinal ito ni Jermaigne sa nasabing kwarto. at agad ding lumabas. "Miss pwede po ba kayong magpadala ng crew para linisan yung lalaking kasama ko kanina?"

"Miss... hindi po namen trabaho ang maglinis o magpaligo ng costumer. Kayo po ang kasama niya diba? kayo na lang po ang mag linis sa kanya" pagmamataray ng babaeng kaharap.

Wala namang nagawa si Jermaigne kundi ang balikan si Stefan sa kwarto.

Nang mapunasan na ito, Tiningnan niyang mabuti ang lalaking mahimbing na natutulog. "Alam mo... kahit lasing ka... ang gwapo mo parin..." nagulat nalang siya ng bigla siyang hilahin ni STefan at halikan sa labi.

Note: Short update....

SS501 Fan Fiction - Barkada HeartsWhere stories live. Discover now