"Sa damot niyang 'yon, sure kayo?"

"Natasha!"

"Ma! Ayoko! Tapos? Saan ako pupunta? Dito sa bahay? Magpapakataba?"

"Iyon nga ang iniisip namin," kalmadong sabi ni Papa kahit alam kong kinokontrol na lang niya yung galit niya. "Iniisip namin kung puwede mo tulungan tita Talia mo sa coffee shop niya sa Baguio—"

"BAGUIO? PA, MA, BAGUIO?!"

"Susuwelduhan ka para makapag-ipon ka."

"Wala akong pake sa suweldo. Gusto ko makatapos! Aanak-anak kayo ng pangalawa tapos di niyo kaya panindigan?!"

"Natasha, 'yang pagsasalita mo, ayus-ayusin mo! Bastos ka, a!"

"Anong ine-expect niyo? Maging kalmado ako matapos niyong sabihin na titigil ako at gusto niyo kong maging ano . . . barista? cashier? ni tita . . . sa Baguio? Alam niyo ba kung anong buhay meron ako dito?"

Tumayo ako at nagdabog. At kahit anong sabi nilang bumalik ako sa baba, di ako bumabalik. Di ko na tinapos yung kinain ko. Oo na, bastos, pero ano ba . . . ano bang ginawa kong masama para tratuhin ako ng universe ng ganito? Di naman ako nangongopya, ako naman gumagawa ng sarili kong projects . . .


love?

i need you.


Nag-chat ako pero di niya nakita. Nag-abang ako ng reply niya hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising ko, na-seen lang niya pero wala siyang reply.


?

love, sorry. nakatulog na ako kagabi sa pagod :(

di na kita navideo call

tomorrow magkikita na tayo yeeeeeey


Gusto kong sabihin na "kailangan kita kahapon pero wala ka," pero di naman niya kasalanang nakatulog siya. Kung sasabihin ko naman ngayon na "may sasabihin ako," malamang nakaka-anxious 'yon at pipilitin lang niya ako sabihin. Tinago ko muna sa sarili ko at sasabihin ko na lang bukas para mapagusapan namin kung anong dapat gawin.


:)

iloveyou

marami akong sasabihin bukas

sobrang miss na kita...theo

sobra

sobra

sobra...

***

Hindi pa rin kami nagpapansinan nina Mama at Papa. Napaluha na lang ako nang makakita ako ng two hundred pesos sa mesa ko . . . hindi ko alam kung ano ba, alam ba nilang may lakad ako o gusto nilang makabawi o gusto nilang mapag-isipan ko muna.

Naka-jeans at simpleng shirt lang ako nang nakita ko si Theo—halos . . . halos di ko na alam yung pakiramdam na makita siya. Isang buwan din na hindi kami nagkikita at puro video call. Sobrang wirdo lang dahil nasa Pilipinas lang naman kami pareho pero akala mo naman, nasa long distance relationship kami.

Lost and FoundWhere stories live. Discover now