Naramdaman kong kumilos na siya at nagulat ako ng maramdaman kong inabot niya ang kamay ko kaya ngayon ay nakayakap na siya sakin.





"Sige na nga, hawakan mo nalang ulit ang kamay ko. Wag mo na ko ulit bibitawan ha." Double meaning ba yun? Nag aassume lang ba ko? o talagang ramdam kong nakangiti siya ng sabihin niya yun. Mas naramdaman kong niyakap niya ko ng mahigpit at marahan na pinisil ang kamay ko.





Naalimpungatan ako ng may marinig akong tumutunog na phone. Humarap ako kay jema na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Kung walang break up kaya na naganap noon, hanggang ngayon kaya kami pa rin? Sobrang minahal ko si Jema noon. Sinubukan naman namin magwork e. Hindi lang talaga naging successful, pareho pa kaming nasaktan.



"Jema." Gising ko sa katabi ko ngayon dahil walang tigil ang tunog ng phone niya. Nang walang epekto ay hinihipan ko ngayon ang mga mata niya. wala pa ring epekto. pinisil ko naman ngayon ang kamay niya pero tulad kanina ay wala pa ring reaksyon. Kahit kailan talaga napakahirap mong gisingin jema. Nakakamiss rin pala ang presence niya. 3 linggo ko ata siya di nakasama.




Bumangon nalang ako at tinignan ang phone niya na nasa table ko. 4 missed call lahat galing kay Mark. 5pm na pala. Pinagmasdan ko muna si jema bago nag ayos ng sarili ko.




Paglabas ko ng cr ko ay tumutunog na naman ang phone niya. Nilapitan ko si jema at niyugyog na.


"Jema gising!" Hindi ko siya tinigilan hanggang sa maramdaman kong nagigising na siya.


"Deanna anuba! 5 minutes pa wait lang." Sabi niya sabay talikod sakin at pumikit na naman.


Kinuha ko ang phone niya na patuloy na natunog at tinapat sa tenga niya. Ayaw mong gumising ha.





"Deannaaaaa" Sabay tabig niya sa kamay ko na may hawak ng phone niya na nasa tenga niya. Agad naman siya nagcover ng unan sa ulo niya. Natatawang pinagmasdan ko siya. Nababalik na ulit yung closeness namin ramdam ko. Ganitong ganito kami noong magbestfriend pa kami bago magkaroon ng kami.




"Kanina pa tumatawag sayo si mark gumising ka na dyan." Yugyog ko sakanya. Binalik ko muna sa table ang phone niya. Pinagpatuloy ko ang pagyugyog sa balikat niya.






Hinuli niya ang mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

"Natutulog ako e. Ang gulo gulo mo deanna." Nakasimangot na baling niya sakin. Nginitian ko naman siya.




"Tumayo ka na dyan at umuwi. Sa inyo mo nalang ituloy ang tulog mo. 5pm na no! Kanina pa tumatawag si Mark sayo." Tuluyan na siyang umupo sa kama ko at binitawan na ang mga kamay ko. Kinuha niya ang phone niya. Pinagmamasdan ko lang ang mga kilos niya.





"Bakit ka ba tawag ng tawag? Istorbo ka e." Napangiti ako habang pinagmamasdan siya dahil nakasimangot siya habang kausap sa phone si mark.



"Sino ba may sabing pumunta kayo dyan?"
"Umuwi na kayo mamaya pa ko uuwi."
"Mark naman e! Pakausap nga kay Cassy. Ayokong kausap ka."
"Cassy iwan niyo nalang dyan yung pasalubong niyo."
"Mamaya pa nga ko uuwi."
"Ano!? 6pm? e 5pm na kaya!"
"Pano kapag traffic? 1 hour and a half kaya ang byahe pauwi."
"Oo na! Wait lang! Uuwi na ko! Kainis naman kayo e!"

Nakasimangot na bumaling sakin si Jema pagtapos niya makipag usap sa phone.



"Kailangan ko ng umuwi." Natatawang nilapitan ko siya at tinabihan sa kama. Kanina ko pa kasi siya pinagmamasdan habang nakatayo lang ako. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Agad ko naman hinawakan ng right hand ko ang left hand niya. Bali nasa left side ko kasi siya nakasandal sakin.





Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now