Chapter 18 (Complicated situations xx)

912 38 30
                                    

Serious mood! xx

-

Allison's POV

Habang naglalakad ako papunta sa room ay bumibilis naman ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako na baka makasalubong ko si Sabrina. Ayaw ko siyang makita, kahit anino man lang niya.

"Hey!" biglang may umakbay sa akin kaya naman sobrang gulat na gulat ako. Bwisit! kung sino man itong taong ito masasapak ko talaga.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko si Monica na nakangiti habang nakatingin sa akin, bakit ang saya ata niya ngayon? sa pagkakaalam ko may nangyari kay Tristan pero bakit masaya siya?

"Hi." bati ko naman sa kanya na hindi man lang ngumiti, nakakailang siya.

"Why so sad?" tanong niya na hinawakan yung gilid ng labi ko at pina-curve ito para mapangiti ako.

"What are you doing?" tanong ko pero ngumiti lang siya imbes na sumagot.

"Tara na?" bipolar ata itong babae eh.

Pagdating namin sa room ay nagpunta na si Monica sa kambal niyang nakatulala sa kawalan, nagpunta na rin ako sa upuan ko at umupo na.

"Uy! napapansin mo ba? nitong mga nakaraang week ang tahimik na ni Naomi, nakakapanibago no?" tanong ni Aubrey habang nakatingin kay Naomi na katabi ngayon ni Monica.

"Oo, nakakapanibago talaga." habang tinitingnan ko si Naomi na nakatulala ngayon ay bigla naman akong napatingin kay Monik na nakatingin ng seryoso kay Naomi. May nangyari ba kahapon?

-

"Nakakapanibago ang mga nangyayari ngayong week na ito." sabi ni Aubrey sa akin habang kumakain kaming apat rito sa garden. Ako, Aubrey, Nathalie at Monik lang magkakasama ngayon dahil may importanteng ginawa yung dalawa.

"May hindi ba ako nalalaman?" tanong niya sa amin kaso tahimik lang kaming tatlo.

"Bakit walang sumasagot? mm! siguro nga meron akong hindi alam." sabi niya na kumakain lang doon habang kaming tatlo naman ay tahimik pa rin.

"Kaso... Si Sabrina." napatingin sa akin si Aubrey na medyo nagtataka kaya naman napatingin ako sa ibang direksyon. Bakit kailangan pa niyang ipaalala?

"Ang tahimik niyong tatlo! kanina pa ako salita ng salita rito pero wala man lang umiimik sa inyo!" pansin ko nga rin, kanina pa siya salita ng salita samantalang kami kanina pang tahimik dito.

"Hoy Monik! ano bang nangyari sa'yo at hindi ka umiimik diyan?" tanong ni Aubrey sa kanya. Oo nga! ano nga bang nangyari sa kanya?

Biglang tumayo si Monik at hinila ako bigla kaya naman napatayo ako ng wala sa oras.

"May importante akong sasabihin sa'yo." sabi niya na nakahawak sa kamay ko.

"Mauna na kami sa inyo." sabi niya at tuluyan na akong hinila at naiwan sila.

Nagpunta kaming dalawa sa rooftop at curious na curious na ako sa sasabihin niya, tungkol kaya ito kay Naomi?

"Aamin na ako kay Naomi." pagkaapak palang namin sa rooftop ay yon na agad ang bungad niya sa akin kaya naman hindi ko maiwasan na magulat, tumingin ako ng seryoso sa kanya at hindi ko maikakailang seryoso talaga siya.

"Seryoso ka talaga?" tanong ko.

"Oo." sagot naman niya, hindi ko alam pero bakit ayaw ko siyang pigilan? tsaka bakit ang saya ko pa na aamin na siya kay Naomi?

The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now