Chapter 18 (Complicated situations xx)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay, desisyon mo naman yan eh." sabi ko kaya naman nagulat siya, bakit siya nagulat? wala naman akong karapatan na pagbawalan siya dahil siya na mismo ang may desisyon nito.

"Salamat!" sabi niya na niyakap ako. Pero kailan kaya siya aamin?

"May sasabihin ulit ako sa'yo." sabi niya na tinanggal na ang pagkakayakap sa akin.

"Ano?" tanong ko at bigla siyang napangiti kaya naman nagtaka ako. Bakit siya nakangiti?

"We kissed" pagkasabi niya ay lumaki talaga yung mata ko. They kissed? seriously?!

"Shit! how?" tanong ko kaya naman nagkwento siya sa akin, kung ano nga bang nangyari sa kanila kahapon at gulat na gulat talaga ako dahil hinalikan din daw siya pabalik ni Naomi. Meaning ba ay may gusto rin siya kay Monik?

"Mabuti ka pa." malungkot kong sabi. Samantalang ako wala pa rin first kiss hanggang ngayon.

"Alam mo Allison, hindi pa huli ang lahat. May pag-asa ka pa at sana huwag mong sayangin yung pagkakataon na meron ka." sabi niya na tinapik ang balikat ko.

"Kapag nakaamin na ako at na-reject ako, ayos lang sa akin at least hindi ako magsisisi sa bandang huli. Kahit na masakit, alam ko namang wala akong pagsisisihan kasi umamin ako at kung sakali man na sabihin niya sa akin na ayaw niya sa akin ay ayos lang sa akin, at least sa way na yon ay alam ko na ang gagawin ko, magmomove on na ako dahil alam kong wala siyang gusto sa akin. Medyo gagaan na rin ang pakiramdam ko at mababawasan ang sakit ng nararamdaman ko sa mahabang panahon dahil nasabi ko na yung nararamdaman ko sa kanya, kaysa naman habang buhay kang magsisisi dahil nalaman mo na lang na may gusto rin pala siya sa'yo kaso huli na ang lahat kasi may iba na siyang mahal at kasalanan mo rin kasi nagpakatorpe ka at natakot ka na umamin sa kanya, mas masakit yun. Mas masakit pa yon kaysa sa ma-reject ka. Kapag umamin ako sa kanya at kung sakali man na gusto niya rin ako, swerte ko na lang kung ganon nga ang mangyayari." mahabang paliwanag niya na nagpagulo sa utak ko. Anong gagawin ko? aamin na rin ba ako? Pero wala talaga akong lakas ng loob.

"Sana lang Allison, sana pagkatapos kong umamin ay umamin ka na rin kay Nathalie." sabi niya at ngumiti sa akin.

"Tara? baba na tayo." sabi niya, kaso sinabi kong mauna na lang siya at gusto kong mapag-isa ngayon.

Aamin na si Monik, samantalang ako nagpapakatorpe pa rin hanggang ngayon. Tama naman si Monik, wala rin namang magagawa ang pagiging torpe. Mas lalo ka pang masasaktan pero natatakot ako. Inuunahan ako ng takot at kaba.

Ano bang gagawin ko?

-

Monica's POV

"Kambal! aamin na ako kay Naomi." pag-uwi pa lang ni Monik ay yan na agad ang sinabi niya sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko basta ang alam ko lang ay biglang may sumakit sa parte ng puso ko. Nakakapagtaka.

"Ano - Monik. Ano - ish! kailan ka aamin?" hindi ko na alam, basta yan na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi ko pa alam pero sigurado ako na ngayong week na ako aamin sa kanya." sabi niya kaya naman napalunok ako.

Bakit ayaw kong umamin siya? feeling ko talaga na ayaw ko, pero bakit? bakit?

Ayaw ko ng nararamdaman ko, feeling ko may masasaktan ako.

"Anong nangyayari Monica?" tanong sa akin ni Monik habang hawak ang kamay ko.

"W-wala. Monik..." sabi ko habang nanginginig ang mga kamay ko.

The Girls (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon