----

Krinnggggg!!

Kringggggg!

Kringggggg

Kringgg

Kringg---

I immediately stop my alarm clock when I hear it clearly.

Kahit na ramdam ko pa rin ang pagod saking katawan at pupungay-pungay pa ang aking mga mata, sinubukan ko pa rin gisingin ang aking sarili na parang gusto pang matulog ulit sana.

Pero teka bakit nga ba ang bigat?

Tanong ko sa aking isipan at saka hinanap agad ang dahilan, at doon Isang braso at isang hita ang aking nasilayan. Hanggang sa unti-unti kong nilipat ang aking paningin sa nag mamay ari nito kahit na alam ko na kung sino.

Mahimbing pa rin syang natutulog saking tabi pero kahit ganun ay halatang-halata pa rin ang kagandahan nya.

Hindi na naalis ang mga mata ko sa taimtim nyang pag tulog.

Naisip ko lang kasi paano ba ako nakabingwit ng ganto kaganda kung ipagkukumpara naman namin ang aming itsura aaminin ko mas lamang sya.

Kaso, pano rin sya napahabol ng sarili ko para mahalin nya ako ng ganito?

Agad sumikdo ang puso ko sa tanong na yun at nag init ang pakiramdam sa pagsang ayon naman ng isip ko.

But what if..what if na dumating na ang aming mabigat na pagsubok, tatagal ba itong relasyon na ito oh agad na namin isusuko? Kaya ko ba?

Napansin kong marahan ng nag mulat ang mata ni ava, na-alimpungatan siguro pero di ko pa rin inalis ang titig ko sa kanya.

At sa tuluyan pag dilat nito ako agad ang nabungaran nya. Na ikina-gagalak nitong makita dahil sa maganda nitong ngiti na ibinigay sakin.

Sabi ko nga hindi ko kaya.. hindi ko na kaya isuko sya.

"Goodmorning Shan~" 

malambing na bati nya sakin at ang bruha wala man lang morning breath.

Isang ngiti lang ang binalik ko dito. Dahil nahihiya ako baka ako meron morning breath diba.

"Do you know na first time ko lang hindi magalit sa paligid pag tuwing nagigising ako ng maaga? " 

isang iling lang ang sinagot ko dito habang hinihintay ang susunod na kanyang sasabihin.

"Dahil kahit naudlot ang panaginip ko.. nabungaran ko naman ang taong laman ng aking panaginip... " 

Natatawa nyang pahayag hudyat naman yun upang namumula na napaiwas agad ako sa kanyang sinabi na mas ikinatawa pa nito.

"Geez, stop being cute." 

dagdag pa ni bruha sabay halik saking pisngi, at bago pa man lumibot yun hininto ko na agad ito gamit ang kamay kong ipinantakip sa kanyang bibig napansin ko kasing  hahalikan nya rin ako sa labi.

"Morning breath" 

At dahil nga sa dahilan ko kanina sinenyasan ko na lang ito na kanyang ipinagtaka. But as usual, bilang siya si ava, maingat nya lang inalis ang kamay ko at agad nyang pineck ang aking labi na hindi ko man lang nabantayan.

"Still good pa rin naman Shan." 

malandi pa na pagkasabi nito na akin na lang ikinailing hanggang sa naisipan ng tumayo sa higaan baka may mangyari na naman kasi.

"Ouch."

Mahina kong litanya dahil sa aking pag tayo ay agad rin akong napa daing sa sakit, fudge! nabigla ko ata. pero, hindi pinahalata ito saking katabi at pinilit na lang ayusin ang aking lakad. Upang hindi ito mag alala or worst..mang-asar.

Tagumpay naman akong nakapunta sa restroom na agad din napa-upo sa inidoro para mapahinga ang tuhod kong nanginginig pa.

"Gosh ava, last mo na ito." 

Mangiyak-ngiyak ko pang litanya sa ere, bago ko maisipan gawin ang aking morning routine.

Natapos naman ako agad saking ginagawa at lumabas na agad sa cr na nakatapis lang ng towel. habang ang kasama ko naman ay nabungaran ko lang na natutulog ulit kaya hindi ko na lang muna ito ginising.

Geez, pabanat-banat pa sya ng ganun matutulog din naman pala pabalik, antukin. Pagkaraan kong sumbat habang may ngiti sa labi matapos kong mag gayak. 

"Hey Ava, wake up." 

Aking napag desisyunan gisingin sya, dahil kahit naman marami pang oras eh kung mabagal sya kumilos, possible na ma-late sya.

MY STEP SISTERWhere stories live. Discover now