Chapter 05/3: Angel of the Cafe

3.8K 65 3
                                    

Habang nakatayo sa may counter si ChungCha, pinagmamasdan niyang mabuti ang limang kabataang pumasok sa kanilang Cafe at umupo sa may available table na malapit sa glass wall sa may bandang gilid ng Cafe. Ang dalawa sa mga ito ay kakilala na niya. Yes, its because they are Tim and Nick. Except sa tatlo na hindi pa niya kilala. Tila ngayon lang niya ito nakita.

' sino kaya ang tatlong yon? '

Tanong ni ChungCha sa kanyang sarili. Agad naman siyang napansin ni Miss Khey na katabi lang niya sa counter.
" Miss ChungCha, may problema po ba? " tanong nito sa kanya. Kahit mas matanda ito kesa kay ChungCha, labis niya itong iginagalang dahil lahat ng staffs ng Cafe ay kilala na si ChungCha na anak ng kanilang Manager.

Agad namang napalingon si ChungCha sa kanya na tila namutla pa ang mukha na medyo nagulat sa bigla niyang pagbungad.
" huh? Uhh... Miss Khey kayo po pala. Uhm... wala naman. Okay lang ako. " as she smiled at her.

" sigurado ka? Pansin ko kasing... " idinako niya ang tingin sa direksyon ng limang kabataang nag-uusap.
" nakatingin kayo sa kanila. Kilala nyo po ba sila? "

Without hesitation.
" ah oo. Kilala ko po sila. Two of them are my friends in University. "

" aa ganon po ba? " as Miss Khey nodded.

" gusto nyo po ba ako na ang kumuha ng order nila? " dagdag niya.

ChungCha waved her hand and shook her head.
" naku hindi na. Ako nalang po ang bahala sa kanila. Kaibigan ko naman po sila. "

Miss Khey smiled and gave up.
" okay then. Kung ganon kayo na po ang bahala sa kanila. " saka siya tumalikod at nagpatuloy sa ginagawa.

ChungCha taked a deep breath bago siya tumungo sa table na kinaroroonan ng grupo nila Tim. May dala dala siyang menu na pwedeng pamilian ng mga pagkaing oorderin. Still, they didnt notice her that she's coming.

" goodmorning Sir\ Maam, what's your order? " bati niya. Nakatayo siya sa may bandang likuran ni Tim.

Nanlaki naman ang mga mata ni Nick ng siya ang unang makapansin. He looked surprised.
Napatingin narin ang tatlo na punong- puno ng paghanga ang expression ng kanilang mukha. Tila para silang nakakita ng angel o first time nilang mameet ng personal ang iniidolo nilang artista. Except to Tim na busy sa kanyang phone.

" oh? ChungCha?! " react ni Nick na tila gulat na gulat.

Saka palang naagaw ang pansin ni Tim ng marinig niya ang pangalang iyon. Napatingin agad siya kay Nick saka sinundan ang direksyon ng mga mata ng kaibigan kung saan ito nakatingin. At nahagilap din ng mga mata niya ang babaeng nagmamay-ari ng pangalang iyon. At nakita nga niya si ChungCha sa kanyang likuran. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila. Hindi naman maiwasang hindi mapatulala ni Tim sa dalaga. Dahil bukod sa napakaganda nito, namiss din niya ang mala-anghel nitong mga ngiti.

" oh, hi P'Nick. Nice to see you again. " tugon ni ChungCha kay Nick.

" magkakilala kayo? " Ching asked to her boyfriend.

" oh yes. She is Tim's new friend. " Nick answered to his girlfriend.

Ching nodded and smiled at her.
" hello. Nice to meet you...? "

" ChungCha. My name is ChungCha. " pagpapakilala ni ChungCha sa kanya. Napatango narin sina Bimbim at Pin.

Ching smiled because the girl infront of her is just adorable.
" oh okay. Hello ChungCha, nice to meet you. "

[Completed]Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon