Agad niya akong inatake pero nailagan ko ito. Naku! Hanggang ngayon, mahina pa rin. Natawa ako nang napasubsob siya at agad kong pinagapang ang chains ko papunta sa puso niya. I can control him if I want to.

"Alam mo, Kid? Mahina ka pa rin. Hindi ka ba natatakot mamatay sa teritoryo namin?", tanong ko sa kanya habang nakangisi.

Agad niya akong sinamaan ng tingin at tumingin sa isang bato. Bigla itong lumipad sa puwesto ko pero nahati ko ito sa dalawa gamit ang ice ko. Nabitawan ko ang pag-control ko sa kanya dahil ginamit ko ang isa kong ability.

Tumayo na siya at pinalipad ang iba't-ibang gamit papunta sa akin. Bakit ko ba nakalimutan na telekinesis pala ang ability niya? AISH! Ilag lang ako nang ilag sa mga bato na papunta sa akin. Tangina ang lakas nang pagkahagis eh.

Nagulat ako nang may lumipad na puno patungo sa akin, "Shit! Dahan-dahan naman!", inis kong sabi at hinati ito sa dalawa.

Hindi ko pa talaga kayang kontroling ang ice ability ko pero susubukan ko hahah! Tinignan ko si Kid tsaka gumawa ng ice sa kamay ko. Kailangan ko lang ng timing sa putanginang 'yan.

'Yong isa kong kamay kinokontrol ang mga chains papunta sa puso niya. Hindi pa skilled si Kid sa kapangyarihan niya and yet mamamatay na siya? Hay, buhay. Kasalanan naman niya.

Kumuha ako ng bwelo tsaka tumakbo papunta sa kanya. Nang papalapit na ako ay agad naman siyang nag-alerto kaya hindi ko na napansin ang daplis ng kutsilyo niya sa tiyan ko. Tangina, 'yong dress ko may punit na!

Sinakal ko siya kaya lahat nang lumilipad na bagay ay nahulog. Matalim ko siyang tinignan at gumapang na ang chains ko sa puso niya. Nang napalibutan na ang puso niya ay kinuyom ko ang kamao ko. Mukhang nahihirapan na siyang makahinga kaya kinuha ko ang kamay ko sa leeg niya at hinayaan na ang chains ko lang ang kumontrol sa kanya.

"Bakit ka nag-eespiya dito?"

Hindi siya sumagot. Nang tinignan ko siya ay ang kusang pagsagot niya sa akin.

"My mission is to kill the heir."

Sinamaan ko siya ng tingin. Gago? Papatayin nila agad si Trev? Hayaan niyo kaya munang ma-experience niya ang pagiging heir niya? Hays.

"That's it? I feel sorry for you for not accomplishing your mission. Sorry not sorry.", ngumisi ako.

"A-ackk! Damn y-you!"

Napaluhod ito nang diniinan ko ang kontrol sa puso niya. Gumawa ako ng ice spike na mahaba sa kamay kong naka-control sa ice kanina. Tinignan ko siya ng mariin at tinusok ang ice ko sa katawan niya kasabay ang pagdiin ng chains ko sa puso niya hanggang sa pagsabog ng puso nito.

"Tsk."

Tinalikuran ko siya at inayos na lamang ang buhok ko. Pero tangina? May sira na ang gown ko! Peste. Huhu. Tinignan ko ang sugat ko at mukhang malalim kaya tinakpan ko nalang ito ng kamay ko. Para siyang mahabang linya sa harap ng tiyan ko! As in.

Pinunit ko ang gown ko sa ilalim na parte at tinali sa sugat ko. Haish! Ang hapdi ah! Kailangan ko pa ba bumalik sa hall? Hmm. Ok, wag na lang.

"Ice?"

"Putanginamo!"

Mabilis kong nasabi 'yan kasi nga ginulat ako ng hinayupak na ito! Aiyayayay! Anong kailangan nanaman niya?

"Are you cursing me?", agad akong umiling at ngumiti.

"NO! No! Just...just because you startled me."

Bakit parang nanginginig ang nga tuhod ko? Hala! Nababahala ako! Baka patalsikin niya ako!

TT^TT

God, please don't. Lumunok muna ako bago tumingin ulit sa kanya. Tinignan niya ako, head to toe. Patay! Ang sugat ko pala! Iceeeee, palusot naman oh! Nawawalan ka na ng dugo eh!

"What happened?"

Why so cold, Master? Grrr~ tumingin ako sa ilalim para kunwari hindi ko talaga alam. Hehe.

"Master, I really need to go. Umm..bye!"

Naglakad na ako paalis habang hawak-hawak ko ang tiyan ko. Bwisit! Asan na ba sina Tori!? My vision is getting blurry and dim. Badtrip talaga!

Naramdaman ko na ang paghina ko kaya unti-unti nang pumikit ang mga mata ko. Aish! Akala ko matutumba na ako pero nakaramdam ako ng mga braso.

"Just sleep."

Ewan ko ba pero biglang nag black-out ang paningin ko.

•••••
IG: my_seoulmate

Twitter: huwayneedapooh

Kung may gusto mag-tweet about sa story na 'to just use the hashtag #reaperprincess

LEMME KNOW WHATCHATHINKING SULMEYTS ♡

Reaper PrincessWhere stories live. Discover now