"CHAPTER 83: BACK"

224 26 0
                                    

DASH POV's


Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha sa mata ni ivanna. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong punasan ito gamit ang kamay ko ngunit hindi ko magawa. Natatakot ako sa magiging reaction n'ya. Hindi ko rin naman inaasahan na babalik na ang lahat ng memorya ko. Nagsimula 'yon kung naalala n'yo pa 'yung nangyari kanina sa nami island, 'yung natumba kami remember?. Ang totoo n'yan ay nauntog ako bench kung saan bakal pala ang upuan doon. Medyo nag kasugat nga konti 'yong ulo ko dahil sa tama. Tapos pagkalipas ng ilang minuto ay biglang sumakit ang ulo ko hanggang sa biglang may nag pop up na image or scene at alam ko tungkol 'yun sa nakaraan ko. Simula nang niloko ako ni bella, niligawan ko si ivanna, nag karoon kami ng alitan, at hanggang sa... magkaroon ng isang di inaasahang pangyayari at ayaw ko nang maulit pa 'yon. Nakagawa na ako ng kasalanan so dapat kailangan ko nang itama 'yon. Ang last lang na naaalala ko is 'yong may sumabog na bomba sa tabi namin ni ivanna at 'yon, hindi ko na alam ang nangyari. Okay lang kaya si tita?. 'Yon ang tanong ko no'ng una.



Nang medyo mawala na ang scene na 'yon ay ididilat ko na sana ang mga mata ko subalit bigla kong narinig ang boses ni ivanna.


"Isa! Kapag umabot ng tatlo ang bilang ko hahambalusin talaga kita ng kahoy dito at para naman bumalik na agad ang alaala mo. Alam mo ba kung gaano kahirap mamuhay nang mawala si mommy?. Dahil sayo nawalan ako ng minamahal sa buhay. Dahil sayo nag kagulo ang buhay ko. Dahil sayo naging miserable ang buhay ko sa mga panahong hinang hina ako. Alam mo ba kung ano ang dinanas kong hirap no'ng nasa korea ako?, halos 50 50 na ang buhay ko.." 


At doon ko na realize na kasalananan ko pala lahat. Pero ang nakakagulat ay 'yong ginawa ko sa huli. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang halikan s'ya. Bigla nalang kasi kumilos 'tong bibig ko ng mag isa. Aish!. Hindi ko naman sinasadya 'yon eh---- nagkataon lang..



d(ㅡ____ㅡ)b




Napaisip din ako bigla kung nahuli na kaya sila carie?. Wala na pala akong balita doon. Bigla namang kumuyom ang kamao ko dahil sa pagbabalik alaala. Kapag nakita ko talaga ang nerd na 'yon humanda sila sa akin pagbabayaran nila ang lahat!. Nang dahil sa kanila may pamilyang nasira! Lintik na mga demonyo, kailangan na nilang sunugin sa imp'yerno!.



Nang matapos na ang kanta ay nakatayo parin kami sa gitna at halos malusaw na ako sa titig ng babaeng kaharap ko. Umiiyak s'ya pero di ko alam kung bakit?.



Sana mapatawad n'ya ako sa nagawa kong kasalanan. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa kan'ya lalong lalo na sa pamilya n'ya. Sana mapatawad nilang lahat ako. At ang tanong is she giving me a second chance---ay hindi! Third chance na pala! Nak ng putik!. Argh! Magagawa n'ya pa ba akong mahalin ulit? Tulad ng dati? Sana. Pero alam kong mahirap.

HATRED PROMISESحيث تعيش القصص. اكتشف الآن