Chapter Thirty-Two

Start from the beginning
                                    

"I've hated you for years, for years Erina, pero ganoon mo lang kadaling tinibag iyon. Walang kahirap-hirap mong pinasok ang pinatigas kong puso para sa iyo. Bakit? Bakit hindi kita magawang kalimutan? Bakit patuloy pa ring tumitibok ang puso ko sa iyo kahit ilang beses na kitang pinapatay sa isip ko? Bakit nasasabik pa rin akong makatabi ka?"

"L-Leb..."

"Huwag mo akong tingnan sa mga mata mong iyan, ang hirap mong tanggihan. Ang hirap mong talikuran." Muling bumaba ang mga labi nito sa kanya, dumikit sa kanyang leeg. Umungol ito. "Hmm, I miss your scent, Erina, ang lahat-lahat sa iyo." Sinipsip nito ang kanyang balat.

Napapikit siya sa munting kirot ngunit may halong kiliti sa ginawa nito. Nakagat niya ang labi upang pigilan ang sarili sa pag-igtad. Bumaba ang mga labi nito papunta sa kanyang balikat, kaalinsabay ng dila nitong kumikiliti sa kanyang buong katawan at imahinasyon.

Bahagyang umangat ang katawan nito upang makababa ang mukha nito sa kanyang katawan. Nakahinga siya nang maluwag ngunit agad ding naudlot nang maramdamang dumantay ang palad nito sa kanyang tiyan, tila boltahe iyon na kumuryente sa kanyang kaibuturan.

"L-Leb."

Naghintay siya mga gagawin nito. Batid niyang mali ang pananamantala niya sa kalasingan nito ngunit nais niyang pagbigyan ang sarili kahit hiram lamang. Kahit saglit. Kahit maglaho iyong parang bula kinabukasan.

"Mukha man akong gago ngayon pero bahala na kinabukasan. I will deal with it then." Iniangat nito ang kanyang kamiseta at dumampi ang mainit nitong mga labi sa kanyang tiyan.

Napasinghap siya, may munting kiliting hatid ang mapusok nitong mga labi. Sa bawat dampi ng dila nito sa kanyang balat ay tila baga na nagpapakulo sa kanyang dugo. Caleb kissed her like he had never been. Mainit. Mariin. Maging ang mga daliri nito ay halos bumaon sa kanyang mga balat.

Napapaigtad siya sa bawat haplos nito. Napahawak ang kanyang mga kamay sa buhok nito nang lalo pang bumaba ang mukha nito sa kanyang puson. Dumulas din ang kamay nito sa kanyang puwitan, pumisil, dumama. Nakagat niya ang labi nang mariin, pinigilan ang ungol na gustong humiyaw.

Mayamaya'y natigilan ito, kinapa ng kamay ang kanyang puson, at makalipas ang ilang segundo'y bahagya itong humiwalay sa kanya't malayang sinuri ang bahaging iyon. Pigil naman ang kanyang hininga, hindi malaman kung paanong kikilos at ano ang sasabihin. Natauhan na ba ito? Nawala ang kalasingan? Bumalik ang takot sa kanyang dibdib. Mabilis niyang binawi ang sarili't agad na ibinaba ang kamiseta upang itago ang halos hubad ng tiyan.

"May pilat ka." Mahina nitong sabi sa namumungay na mga mata, inginuso ang bahagi ng kanyang tiyan.

Hindi siya umimik kahit nahulaan niya ang tinutukoy nito.

"Caesarian ba si Kaylee?" Sumilay ang matipid nitong mga ngiti sa labi.

She remained silent though he was right, Kaylee was born prematurely through a c-section.

Pagkuwa'y tumawa ito, patamad, pilit, at pagak. "Bakit hindi mo maamin na anak mo siya, Erina? Natin? Dahil ba pinandidirihan mong ako ang kanyang ama? Ha?" tumaas na ang tinig nito. "Gaano mo ako kinamumuhian, Erina? Higit ba sa pagkamuhi ko sa iyo?" Hinablot nito ang kanyang batok, inilapit na muli sa kanya. "Does this make you hate me more?" Tumalim na ang mga tingin nito.

"L-Leb-"

"Putang-ina!" Marahas siya nitong itinulak. Pinilit nitong tumayo, ginamit ang upuan upang hindi ito mabuway.

"C-Caleb, tutulungan na kita." Tumayo rin siya.

"Get your fucking hands off me!" Tinabig siya nito. Sa kabila ng galit nitong reaksiyon, malayang tumulo ang luha sa mata nito, puno ng pait ang mga tinging ipinukol sa kanya.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now