Pag balik ko ay nakatanggal na ang coat niya at bukas na ang unang dalawang butones ng kanyang polo. Naka rolyo din yon sa kanyang braso. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa makaupo ako sa couch. Para bang ingat na ingat siya sa bawat kilos niya.

"Ask me anything Guideon." Sabi ko pagkatapos ko siyang salinan ng wine.

"What happened to you?" Iyon ang kanyang unang tanong sa akin.

"I went to Iloilo at doon ako nanganak at nanirahan." I answered truthfully.

"I tried to find you, V. Why are you covering your tracks? Ganon ka ba talaga ka desperadang takasan ako?" Narinig ko ang sakit sa kanyang boses. Muli siyang sumimsim ng wine.

"I paid to get my documents sealed, yes. But that's it." Sagot ko.

Humarap ako sa kanya. Naka rest sa sandalan ng couch ang braso ko at mas lalo ko pa siyang tinitigan. I need to know if he's telling the truth.

"Don't fucking lie to me." Mababa ngunit matalim niyang sabi.

"Why would I lie to you?" Umiling ako at sinamaan siya ng tingin.

"Y-your father told me that you are dead." Napa tigil ako at sandaling prinoses ang kanyang sinabi.

"Why would he say that? He never looked for me." I answered.

"He did. I did. Dead end palagi. Kaya nga hindi ko na alam kung ano ang totoo eh." Naubos niya ang wine sa baso niya. Nagsalin pa siya ulit bago ako nilingon.

"You even paid for a fake death certificate?" Tanong niyang muli.

"What do you mean?" Tanong ko. Wala akong ginawang ganon.

"We found your death certificate. Your dad thinks you're dead." Hindi niya man ipakita ay nararamdaman kong kinakabahan siya. Dahil ba sa isasagot ko? Hindi ko alam.

"Well, it's obviously fake. I'm alive. More than alive." Nag kibit balikat ako at sinalinan din ang sarili ko ng wine.

Dad's people probably fucked up. They didn't do their job right. Kaya naman pala kahit minsan ay hindi ako hinanap ng tatay ko ay dahil akala niya patay na ako.

Dahan dahang tumango si Guideon bago tumikhim.

"What about Clarita Fidalgo? Who is she?" He asked

Lumalim ang kunot ng noo ko. Never heard of that name before.

"I don't know. Why are you asking me these silly questions, Guideon?" Inirapan ko siya ay bumuntong hininga.

"Because, Veronica. I talked to a nurse and she showed me a signed waiver. Doon mo daw ipinag kakatiwala ang bata sa babaeng iyon ang anak natin kung may mangyaring masama sa iyo." He doesn't look like he's joking.

Tumawa ako.

"Are you okay? Baka naman sa sobrang pagka miss mo sa akin ay nabaliw ka na?" Nagawa ko pang mag biro sa pagitan ng namumuong tensyon sa amin.

Pumikit siya at nang gigigil na bumuntong hininga. Igting ang panga niyang inabot ang cellphone niya at nag kalkal doon. Pagkatapos ay ini abot niya sa akin iyon.

The Second WomanWhere stories live. Discover now