IX-Final Chapter

2.4K 52 10
                                    

Hindi malaman ni Phoebe kung saan pa siya kukuha ng kanyang pasensiya at pagtitimpi. Naroroonan na naman sa bahay niya si Robert, kinakausap ang kanyang ama. At kagaya ng nagdaang araw, pinigilan niya ang sariling singhalan ito at palayasin doon.

Kahit pa talagang nami-miss niya ang lalaki ay hindi parin matatabunan noon ang katotohanang ginamit lamang siya nito para sa pansarili nitong interes. Ni wala itong pakialam kung anong mangyari sa kanya sakali mang tuluyan siya nitong nauto at nadala sa England. She was still bitter about that, too.

Nang nakita siya ni Robert ay nginitian pa siya nito nang nakakaloko, tila alam na labag sa loob niya na naroroon ito. Ngitngit na ngitngit ang kanyang kalooban, asar na asar sa presensiya ng lalaki.

"Dad." Bati niya sa ama, iniwasang tingnan ang gawi ni Robert na alam niyang nakatingin sa kanya.

"Aalis ka hija?" Tanong ng kanyang ama.

"Opo. May lalakarin lang." Sabi niya sa ama at tuluyan nang nagpaalam.

Ang totoo ay aasikasuhin niyang muli ang paglo-loan sa bangko. Kahit alam niya malaki ang tsansang makakuha siya ng pera, magbabakasakali parin kanya. She wanted to be independent.

Nang dahil narin siguro sa kanyang mga pinagdaanan sa nakalipas na ilang buwan kaya't siguro malaki narin ang kanyang ipinagbago. Hindi na siya sa sanay mala-prinsesang pamumuhay niya noon. Ngayon, naa-appreciate niya ang lahat ng meron siya.

Hangga't maari ay nais niyang huwag nang humingi ng tulong sa kanyang mga magulang pagdating sa aspetong pinansiyal. Sa tingin niya ay kaya niya na iyon mag-isa. Kapag natuloy na ang kanyang exhibit, doon lang siya tuluyang magiging proud sa sarili.

Kakalabas lang niya sa kanilang gate upang pumara taxi nang may humawak sa kanyang braso. Awtomatikong uminit ang kanyang ulo sa lalaking kaharap. Anong karapatan nitong hawakan siya pagkatapos ng lahat ng ginawa nito?

"What do you want?" Nakaasik agad siya kay Robert. Habang nakikita niya ito, naaalala niya ang panlolokong ginawa nito sa kanya.

"You. I missed you." Sabi nito, nakunot ang noo na parang totoo ang sinabi nito. Wala siyang masabi sa kakapalan ng pagmumukha nito. Paano nito nasasabi ang bagay na iyon nang hindi man lang kumukurap? Talaga yatang wala itong kunsensita. She didn't know he was such a good actor. Mapakla siyang napangiti sa sinabi nito.

"Utang na loob, layuan mo na ako. Ayoko nang makita ka." Pinigilan ni Phoebe maluha sa harap ng lalaki pagkat sa totoo lang, nangungulila rin siya rito. Sadyang mas labis lang para sa kanya ang sakit na nadulot ng nagawa nito sa kanya.

"Let me explain. I know you've the envelope in my car. It's not what you think. Hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang lahat." Napatingin siya dito. Lalo lang umiinit ang kanyang ulo dahil sa mga pinagsasasabi nito. Anong alibi na naman ang naisip nitong sabihin sa kanya para akalain nitong maniniwala pa siya rito?

Wala na talaga siyang masabi. Ibang klase. Mukhang lahat talaga ay gagawin nito mai-close lang nito ang deal nito sa kanyang lolo. Huminga siya nang malalim at tsaka muling nagsalita.

"Hindi ko alam kung anong ini-expect mo kung sakali. Kung ano man ang sasabihin mo, wala na 'kong pakialam do'n. Kaya plase lang, layuan mo 'ko. Naalibadbaran ako sa presensiya mo. Ayaw na kitang makita pa." She didn't expect that she could speak that harshly to a person.

Mukhang natauhan naman ito sa sinabi niya para hindi ito makapagsalita pabalik. Nilampasan niya ito at tsaka sumakay sa taxi na dumaan doon. Pagkasaya ay doon lang siya nakahinga nang maluwang. Ilang minuto pa ang lumipas, doon siya napaiyak. Talagang tinapos na niya ang kung ano mang meron sila ni Robert.

Flademian Monarchy 5: Dealing With Mr. WrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon